"Rejected?" naguguluhang tanong ni Katrina habang nasa opisina ng head manager na si David Yano, nagbuntong hininga ito.
"You heard it right, miss Santos," sagot nito. Umiling siya, gusto niya ng matinong paliwanag kung bakit hindi nakapasa ang paksa na isinumite niya. Mataas ang kumpiyansa niya sa sarili na isa sa mapipili ang ginawa niya. Kaya naman hindi niya matanggap na rejected iyon gaya ng pagbabalita nito sa kanya.
"But why? Paanong hindi nakapasa ang topic na iyon, naalala ko pinuri mo pa nga iyon nang mabasa mo, hindi ba?" sabi niya, muli itong nagbuntong hininga.
"Yes, your topic is good among the others, detalyado lahat pati ang mga ebidensya, maganda ang pagkakasulat mo, and I like it very much. Kung ako ang masusunod, pipiliin ko ang sa'yo pero hindi ako ang may karapatan na magdesisyon sa bagong programa, so I'm so sorry miss Santos," mahabang paliwanag nito.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, it was her last alas, iyon ang pinakahihintay niya para masiwalat sa legal na pamamaraan ang masasamang gawain ni Mr. B pero mukhang hindi na mangyayari iyon.
"It's okay miss Santos, you are indeed a talented reporter of RBN, pinatunayan mo na kahit bago ka lang sa larangan mo ay hindi ka nagpapatalo sa matatagal na sa trabahong ito, magaling ka at may future sa RBN kaya kung hindi ka man matatanggap sa bagong programa ay may mga susunod na pagkakataon pa naman, magkakaroon ka rin ng sarili mong programa," nakangiting sabi nito, nakuyom niya ang mga palad.
Hindi naman iyon ang habol niya, hindi sa ngayon. Ang gusto niya ay maging daan ang programang iyon para maipakulong na niya ang pumatay sa kanyang lolo.
Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya nang bumalik sa kanyang table, sinalubong siya ng kaibigang si Shella.
"What happened?" curious na tanong nito.
"Rejected yung pinasa kong topic," aniya, nalungkot naman ito.
"Oh, I'm sorry to hear that," anito, nagbuntong hininga siya.
"Gusto kong itanong sa taong nagreject ng topic ko kung bakit hindi iyon nakapasa," aniya.
"Well, if you really want to do that, why don't ask Mr. Ford Han?" anito, maang na napatingin siya dito.
"Si Mr. Ford?"
Tumango ito, "Oo, siya ang CEO nitong RBN, dumadaan sa kanya ang lahat kaya tiyak kong siya ang taong responsable sa tanong mo," anito, bigla siyang napatayo, nagulat naman ito.
"Where are you going?"
"I'm going to ask him," aniya na naglakad palabas ng opisina, nanlaki naman ang mga mata nito.
"Gagawin mo talaga? May lakas ng loob ka na tanungin siya?" hindi makapaniwalang tanong nito, nasa pintuan na siya ng tumigil at muling tumingin sa kaibigan.
"Gusto ko lang malaman ang sagot niya sa tanong ko," aniya na tuluyan ng lumabas, naglakad siya at tinungo ang elevator.
Tumigil ang elevator sa top floor kung nasaan ang opisina ng presidente. Suminghap muna siya ng hangin bago kumatok sa pinto.
"Come in," a baritone voice of a man said, pinigil niya ang sarili na maapektuhan sa magandang boses na iyon ng lalaki. Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto, a large and spacious room caught her eyes, napakaluwang niyon para sa iisang taong nag oopisina doon.
Doon lang din niya napagtanto na napakayaman pala talaga ni Clifford Han, so malayong malayo ang estado ninyo sa buhay Katrina.
Nilinis niya ang isipan, ayaw muna niyang isipin ang tungkol sa nararamdaman at sa usaping puso niya. Nandon siya dahil sa importanteng bagay.
BINABASA MO ANG
The Gang Lords 1: Clifford Han
RomanceSaksi si Katrina sa pagkamatay ng kanyang lolo, pinatay ito kaya naman pinangako niya sa kanyang lolo na maghihiganti siya at bibigyan ito ng hustisya. Habang humahanap siya ng ebidensya sa pagkakabagsak ni Mr. B ay nakasaksi siya ng isang aksident...