Ethan POV
"Anak!! Gumising kana dyan, Unang araw mo para this school year tapos malalate ka" Ang sigaw ng mama ko mula sa baba.
"Ma naman ang aga pa oh 7:30 am pa ang unang klase ko para ngayong araw" ang sagot ko naman sa aking mama. "Mag tigil ka dyan 7:16 am na oh."
"Ma naman bakit hindi mo ako ginising ng mas maaga pa?" Ang pag mamaktol ko kay mama. "Nakong bata ka kanina pa kaya kita ginigising, Oh bilisan mo na at mag ayos para hindi ka sobrang malate sa unang subject mo".
Bumangon agad ako sa aking higaan at naligo at nag ayos na rin. "Ang gwapo gwapo ko talaga kaya ang daming nag hahabol sakin eh'' Ang sabi ko sa sarili ko habang naka harap sa salamin at naka pogi pose pa.
Pag karating sa school ay nadatnan ko na ang napakaraming studyante, Kanya kanya silang mundo.
"Omg girls si papa ethan oh" Ang sabi ng babae sa kanya mga kasama.
"Ang gwapo gwapo talaga nya pwede na akong mag paanak sa kanya kahit mga 10 lang" sabi pa ng isa.
Sarap akitin ng mga to para naman maka puntos ako ngayon at pampa init narin. Ang sabi ko sa aking sarili.
Bigla nalang may nag salita sa mkic upang papuntahin ang mga studyante sa court upang mag karoon ng open remarks bago mag umpisa ang klase. Mag nag lalakad ako at hinahanap ko ang pila ng magiging section ko ang daming nag titinginan sakin, Well hindi ko naman kasalanan kung pinanganak akong gwapo no mag laway kayo pero syempre para mas lalong nag laway ang mga babae at mga baklang nag kakagusto sakin nag papapogi pa ako lalo. Habang nag lilibot ang aking mga mata para maka hanap ng chics ay may narinig akong nag uusap sa gilid ko.
"Oy girl si Ashly yun diba? Yung kinakausap ni ma'am rodriguez?" Ang sabi ng babae sa kanyang kausap.
"Oo girl nako sayang talaga sya sobrang gwapo nya kaso bakla" Ang sagot naman ng kanyang kausap.
Pangisi naman ako sa sinabi ng babae. Bakla naman pala pero nung tignan ko ang kanilang pinag uusapan napatulala ako, Sobrang amo ng kanyang muka. Ang puti, Matangos ang ilong, at kanyang labi ay napaka kissable. Yuckk!! Ano ba tong iniisip ko kadiri. Pero ano kayang itsura nya sa malapitan.
"Androgynous nga sya eh maganda sya pag babae at pogi sya pag lalaki plus ang sobrang nag paganda at pagwapo pa sa kanya ay ang kanyang ugali sobrang napakabait daw nyan eh sana lang maging kaklase natin sya"
"Wait wait!! diba maganda daw ang boses nyan? Kaya siguro sya kinausap ni ma'am Rodriguez ay para pakantahin sya sa harap"
Hindi nga nag kamali ang babae dahil may nag salita sa mikropono. "Magandang umaga sainyo mga mag aaral ng St Angel College University, Narito si Ashly Reyes upang mag share ng kanyang talento sa pag kanta" Ang sabi ni ma'am Rodriguez
Habang nag lalakad si Ashly ay hindi ko maiwasang hindi sya tignan dahil sobrang napaka hinhin nya pero ang cute nya, Pota ano ba tong iniisip ko. nakaharap sa sya saming lahat at bigla syang ngumiti ng ubod ng tamis, Shet diko maiwasang di mapangiti. Hinawakan nya na ang mic at nag umpisa na ang kanyang napiling kanta, Kung hindi ako nag kakamali ang kanyang napiling kantahin ay ang I spy version ni Alex Aiono. Nang sya'y nag umpisang kumanta ako ay napanganga sa sobrang ganda ng kanyang boses sobrang bumagay sa kanyang muka na napaka amo. Hanggang sa natapos na syang kumanta. Sobrang lakas ng palapakan at hiyawan ang kanyang natanggap pag tapos nyang kumanta.
"Gosh!! He so talented talaga'' Ang sabi ulit ng babae may pag hampas na palo pa sa kanyang kaibigan.
Habang nag lalakad si Ashly baba ng stage ay bigla nalang syang nahimatay at tinulungan sya agad ng mga teacher na malapit sa kanya.
"Kawawa naman si Ashly" ang pagka malungkot na sabi ng babae".
Nagsimula nang mag puntahan ang mga studyante sa kani-kanilang klase. Habang nag lalakad ako ay may tumawag saakin mula sa likod.
"Oy par than" Ang sabi ng pamilyar ba boses at dahan dahan akong humarap, Tama nga ang hinala ko si Gabriel kasama ang tropa.
"Oy Sabay sabay na tayo mag kakaklase naman tayo eh" Ang sabi naman ni Jonas. "Tara na mga manyakol baka mahuli pa tayo" Ang sabi ko sa tropa. "Woaaahhh!!" ang sabay sabay nilang pagkakasabi ng may kasama pang pag takip sa bibig. "Para ikaw hindi ah" Sabi naman ni Troy. Nag simula na kaming mag lakad sa aming magiging classroom. Nasa tapat na kami ng classroom ng may biglanh lumabas na babae. Napaka ganda nya para syang isang dyosa na bumababa galing pa sa langit.
"Oy bunganga nyo baka pasukan ng langaw" Ang sabi ni Troy. Tinignan namin ang babae habang palayong nag lalakad mukang may emergency dahil halata sa muka nya ang pag aalala. Nag umpisa na ang aming klase ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae kanina, Hindi ko alam pero parang crush ko na sya. Gagawin ko ang lahat para mapasakin ka lang. Natapos na ang aming unang subject ng hindi ko namamalayan dahil sa pag iisip ko dun sa babaeng yun.
"Iniisip mo yung babae kanina no?" Ang sabi ni Gabriel. "Hindi no!" Ang palusot ko naman kahit totoo. "Sus hindi daw pero sating 4 ikaw tong pinaka napanganga kanina" Ang sabi ni jonas. "Mga baliw tara na baka mawalan tayo ng upuan sa canteen" ang pag iiba ko ng usapan. "Tayo mauubusan ? Baka di nila tayo kilala tayo ang pinaka malakas mam bully dito sa Univerisity" Ang sabi ni Gabriel. "Tama ka nga naman, Oh pano tara na" Ang sabi ko.
.
.
.
Natapos kaming kumain at nag umpisa na kaming mag lakad papunta sa aming classroom. Pag Pasok namin ay bigla kaming natigilan ng makita namin ang babae kanina na kinakausap ang aming prof. Mukang malungkot ang babae. Nang matapos ang kanilang usapan ang naupo na ang babae sa bandang unahan. Sakto namang bakante ang kanyang katabing upuan. Pupunta sana ako upang mag tabi kami ngunit inilagay nya ang bag nya dun kaya sa likod nalang nya ako banda naupo."Okey class since nag pakilala na kayo kanina sa unang klase nyo kay Mr santos ay hayaan nyong mag pakilala sainyo si Sophia, tumayo naman sya at nag umpisang tumayo sa harap.
"Hi I'm Sophia Sanchez, 17 Years old please be good to me" Nag pag papakilala nya sa harap.
BINABASA MO ANG
That Gay is Mine
General FictionIsang lalaking straight na na inlove sa ating bidang beki. Tara't alamin natin kung paano nga ba sya nainlove sa ating bida.