Ashly POV
"Mabuti naman at na gising kana pinag alala mo kami anak" si mom habang naluluha pa.
"Mom, Wag po kayong masyadong malungkot gusto nyo po bang malungkot din ako?" Ang sabi ko kay mom.
"Sorry anak masyado lang talaga ako nag aalala sayo eh" Mom. "Mom halika nga po kayo dito" Nag utos ko kay mom ay pinunasan ko ang kanya mga luha. "Love you mommy" Sabay yakap. "Nako ikaw talaga kaya love na love ka din namin ni daddy mo eh" ang sabi ni mom. Biglang bumukas ang pinto si daddy.
"Anong nangyare sa prinsesa ko?" Ang OA nasabi ni daddy. "Isa kapa dad ayokong binibaby moko huhu" ang pag mamaktol ko kay daddy. "Syempre ikaw lang ang nag iisang babae sa aking mga anak eh kaya dapat ingatan kita" Si daddiy.
"Dad naman eh pinapaiiyak mo naman po ako" Natutuwa ako na sila ang parents ko kasi tanggap nila kung ano ako. Bigla ulit bumukas ang pinto.
"Pwede nyo na po syang iuwi na excuse na rin po sya ng kanyang kabigan sa kanyanh klase" Ang nurse sa school. "Salamat po sa pag aalaga" Ang pag papasalamat ko sa nurse at ngitiian ko sya ng ubod ng tamis. "Nako ikinararangal ko po kayong maalagaan ang isa sa mga mayayaman dito sa ating lugar at isa pa po ang ganda nyo po" ang sabi ng nurse na nag pamula sa muka ko. "Ah eh salamat po" ang nahihiya kong tugon. nag simula nang ayusin ni mommy ang mga gamit ko.
"Ler? Kumain muna tayo baka sa gutom yan kaya ka nahimatay di ka kasi kumain kanina bago ka pumasok" Ang sabi ni daddy. "Ah dad gusto ko po ng dunkin donut tska milktea sa Coco" ang nakayuko kong sabi. "Nako ikaw talagang bata ka di ka na nag sawa dyan. Pero sige bibilhan kita nun pero kumain ka muna tayo sa kuya J" si dady. " Yeheeyy!! Thank you dad iloveyou po" Sabay kiss at yakap kay daddy'' Bigla namang sumingit si mommy "Aba bakit si daddy mo lang ang love you? Pag mamaktol naman ni mommy na nag pakamot sa ulo ko. "Syempre naman mom love ko din kayo pati sila kuya xander at baby brent" Ang pag lalambing ko kay mommy.
Paglabas namin ng clinic ay sumabong sakin ang bestfriend kong si Sophia hingal na hingal. "Oh sopy? Anyare sayo?" ang tanong ko sa bff ko. "Nasabi kasi sakin na nagka malay kana daw kaya ayun dali dali akong pumunta dito kasi uuwi kana daw" Ang sabi ni sopy habang hinihingal. "Thanks sopy sa pag aalala. So pano una na kami ah galingan mo sa klase ingat ka nalang din sa pag uwi mo. Bye" ang sabi ko "Wala yun bff tayo eh sige na ingat ka ah" sopy.
Ethan POV
Habang nag klaklase ay panay sulyap ko kay Sophia ng bigla may pumasok sa room at kinusap ang prof namin. "Ah Sophia ok naman daw ang bestfreind mo nagising na sya, Uuwi na daw sila." Ang sabi ng prof namin. "Ah prof pwede ko po ba syang puntahan gusto ko po kasi syang makita eh." ang sagot naman si sophia, Napatango naman ang prof namin at ngumiti kay sophia tanda na pumapayag sya. "Thanks prof, Promise babalik din po ako agad" Si sophia sabay takbo palabas. Ano kayang feeling na ganun din mag alala at mag alaga sakin ni sophia arggg kinikilig ako haha.
.
.
.
Natapos na ang klase namin aayain ko sana si sophia kumain sa labas kaso naka labas na sya haysstt. "Oy par uwin kana? Gala muna tayo sa mall dyan lang oh malapit lang naman sa school natin walking distance lang naman eh. Pumayag naman ako dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. Pag karating namin sa mall ay dumadaan kami sa may CoCo gusto daw kasing mag milktea ng mga manyakol kaya ayun pumunta kami dun. Habang naka pila kami ay may napansin akong pamilyar saakin. Sya nga si Ashly ba pangalanan nun? Buti naman ok na sya. Nang makuha nya na ang order nya ay tuwang tuwa sya ang cute nyang pag masdan lumapit sya sa dalawang tao siguro yun yung mga magulang sya mukang mamayan ah kaya siguro ganun sya kakinis. Hindi ko namalayan na ako na pala yung kinakausap ng nasa counter. "Oy gunggong ikaw na sino bang tinitignan mo dyan?" Si Jonas "Ah eh wala may nakita lang ako" Ako. Sabay naman tingin nila sa tinignan ko. "Ah si ashly pala tinitignan mo, alam mo bang crush ni Gab at Troy yan? " Ang sabi ni jonas. Bigla naman namula ang dalawa at napayuko. "Hahaha kadiri kayo may gusto kayo sa baklang yun?" Ang sabi ko sa kanila. "Oy grabe ka wag kang ganun kay bebe ash ko di mo pa kasi kilala yun eh" Ang sabi ni Troy. "Oo nga" ang pag sangayon naman ni gab kay troy. Kung sabagay maganda naman sya pag naging babae eh basta wala akong pake sa kanya basta kay sophia lang ako.
.
.
.
Kina umagahan ay mabilis akong kumilos upang makita ko si sophia. Pag tapos kong mag ayos ay bumaba na ako."Oh ang aga mo ata anak" si mama
"Oo naman ma, Nag aaral kaya ako ng mabuti" Ang pag mamalaki ko kay mama. "Asus baka naman may pinopormahan na ang binata ko ah" ang pang aasar ni mama. namula naman ako at nag simula nang kumain.
"Ma alis na po ako" Ang sigaw ko kasi nasa taas sya. "Sige anak ingat ka ah" Ang sigaw naman nya pabalik. Nang makarating ako sa school ay dali dali akong umakyat sa 2nd floor para makita ko na si sophia sa pag mamadali ko ay may nabunggo ako at napahiga kami napatong sya sakin.
"Ah eh hmmmm sorry po" Ang sabi nya. Ang ganda ng kanyang muka, Mapupulang labi at ang tangos ng kanyang ilong ang kanyang mga mata na kulay brown halos perpektong muka ay nasa kanya. Tumayo sya at tutulungan nya sana ako ng bigla ko syang itulak at napadapa sya. "Di kasi timitingin sa dinadaanan eh panira ng araw!!" Ang pag sigaw ko sa kanya. Napayuko nalang sya at humingi ulit ng sorry halata sa kanyang boses ang pag ka malungkot na konsensya naman ako pero umalis ako agad para di maawa sa kanya. Pag pasok ko sa room nakita ko agad si sophia naupo sa kanyang upuan. Umupo ako sa tabo nya bago nya pa lagyan ng bag nya.
BINABASA MO ANG
That Gay is Mine
General FictionIsang lalaking straight na na inlove sa ating bidang beki. Tara't alamin natin kung paano nga ba sya nainlove sa ating bida.