Chapter 32

5.3K 192 11
                                    

Ashly POV

Maraming natuwa pero mas maraming naiyak sa performance ko dahil para daw akong may pinag huhugutan sa kanta pero hindi nila alam na tama sila. Mahal na mahal ko si nathan at alam kong maling mali yung ginawa kong pag suko sa kanya ng ganun ganun lang pero naiisip ko kasi kung ipag lalaban ko pa sya magkakasakitan lang kami. Masasaktan sya dahil iiwan ko rin naman sya sa mundong to ano pang saysay kung ipag lalaban ko sya.

"Hi ashly hindi ako makapaniwala na sayong boses talaga yun, kaya pala nung nalaman nila na ikaw yung kakanta eh usap usapan ka nila" nagulat nalang ako sa biglang pag sulpot ni CJ. Hindi ko maiwasan hindi titigan si CJ gwapo sya pero bakit sakin pa sya nag kagusto alam naman nyang hindi ko kayang suklian yung pag mamahal na binibigay nya.

"Tulala ka dyan? Nagwagwapuhan kana sakin no?" naka ngisi nitong sabi sakin agad naman akong umayos ng tayo.

"Ah eh may iniisip lang" pag dadahilan ko. Nag iwas ako sa kanya ng tingin dahil hindi pa rin nawawala yung ngising naka ukit sa kanyang muka.

"Ang sabi ko you have a great voice it really hindi lang pala ganda meron ka" hindi ko man sya nakikita alam kong nakangiti sya.

"Thank you" yun nalang yung nasabi ko.

"Lei!!!!!!" agad naman kami napantingin sa pinanggalingan ng boses, si bestfriend pala. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin agad nyang binigay yung tubig na hawak nya.

"Ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdaman?" sus nag aalala lang pala sya simula kasi nung sinasabi ko sa kanya yung tungkol sa sakit ko eh lagi syang nandyan para bantayan ako.

Kita ko naman ang muka ni CJ tila naguguluhan sa inaasal ni Sophia. Hindi na rin nya napigilan yung sarili at nag tanong na rin to.

"Bakit may sakit ba si ashyl" nag tinginan naman kami ni sophia sa tinginan palang namin ay alam nanamin kung ano ang gusto naming iparating.

"Wala, baka lang kasi napagod yung bestfriend ko sa performance nya" kita ko naman ang pag taas ng isang kilay ni CJ.

"Napagod eh kumanta lang naman sya dun" tila naguguluhan sya sa pinag sasabi ni sophia.

"Madali lang kasi syang mapagod, oh sya uuwi na kami baka hinahanap na kami ng parents namin. Bye CJ" sabay hatak sakin ni sophia hindi pa man kami nakakalayo ng mag salita si CJ

"Sandali, hatid ko na kayo" pag aalok samin ni CJ.

"No need CJ nandyan na rin naman ang driver ko ako na mag hahatid kay lei. Umuwi kana gabi na rin baka hinahanap kana ng parents mo" pero parang ayaw pa rin pumayag ni CJ ngitian ko nalang sya para hindi na sya mag pilit pa. Napa buntong hininga nalang sya.

"Sabay nalang ako sainyo lumabas total dun din naman ako dadaan" tumango nalang kami ni sophia tanda ng pag payag.

Habang nag lalakad kami parang bang may nakatingin sakin agad ko namang inikot ang paningin ko para hanapin yun.
"What's wrong ash" tila ata napansin ni CJ ang pag lilibot ko ng tingin.

"Nothing"

Kinabukasan habang nag aayos ako ng sarili ko bigla ako nakaramdan ng sakit sa katawan parang ang init tiniiis ko nalang ang sakit dahil alam ko namang mawawala din naman to agad at hindi nga ako nag kamali.

Naabutan ko sila mommy, daddy, kuya and brent kumakain na. Isa isa naman nila akong binati.

"Mom sana nandun kayo kahapon para narinig nyo si ashly na kumakanta" binida nanaman ako ni kuya.

"Talaga? Sayang naman busy kasi si mommy princess pero i know naman na magaling ka talagang kumanta kanino kaba nag mana edi sakin haha"

"Nako mommy kung alam mo lang yung mga kaibigan kong lalaki gusto gusto si ashly ilakad ko daw sila" natatawang sabi ni kuya xander.

"No!!!" inis naman na sabi ni brent haha ang cute. Nakatitig lang ito kay kuya ng masama.

"Hahaha don't worry brent hindi ko naman talaga gagawin yun" natatawang sabi kuya.

"Ikaw naman brent masyado mo naman atang protective kay princess" natatawang sabi ni dad.

"Because I love my kuya lei" awe napa sweet talaga sakin ni brent. Lagi nya akong binabantayan pag nandito ako kasi daw sabi ni daddy ang prinsesa daw ay dapat mahalin at alagaan kaya ayun din ang ginagawa sakin ni brent.

Hinatid na ako ni kuya sa school. Alam kong nag tataka na sila kung bakit hindi na ako sinusundo ni nathan sa bahay pero nanatiling tikom ang bibig nila. Alam kong alam nila na ayaw kong pag usapan ang isyung iyon.

Pag baba na pagbaba ko sa kotse ni kuya ang dami agad lumapit sakin para mag papicture. Hindi talaga ako sanay sa ganito, ayoko talaga ng agaw atensyon. Hinila naman agad ako ni kuya para maihatid sa room.

Mabuti naman ay pag dating ko dun ay nandun na si ma'am.

"Congratulation ashly, manghang mangha sayo yung ating mga bisita pati na rin ang audience" sigawan naman yung mga classmate ko.

"At dahil dun ay napag disisyonan ng school na mag karoon tayo ng camping na gaganapin bukas din" mas lalong nag sigawan yung mga classmate ko.

"Omg ashly excited na ako thanks to you dahil makakapag relax din tayo after stressful week" wika naman ng classmate kong babae.

Si sophia na ang sumagot ngitian ko nalang sya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

"Ashly look at your ex boyfriend nakatitig lang sayo" bulong sakin ni sophia. Agad naman akong napatingin kay nathan. Shet mali ata ang moves ko dahil nakapagtitigan kami agad ko namang iniwas ang tingin.

Rinig ko naman ang pag tawa ni sophia. Miss na miss ko na talaga si nathan, madaming araw na rin kaming di nakakapag usap. Miss ko na yung dati miss ko na yung mga panahon na puro kasiyahan lang kami. Miss ko na yung sweet moments namin pero alam kong never na mangyayari yun dahil alam ko namang bilang nalang ang mga araw ko dito.

"What's with that face? Ano ba wag ka ngang malungkot dyan"

Nathan POV

Nang makita ko yung mga mata ni ashly parang may mali dahil hindi na ito kagaya ng dati na kahit may problema sya ay punong puno pa rin ito ng kasiyahan. Naiinis ako sa sarili ko, bakit kasi kailangan pang mangyari to.

Doble doble yung sakit na nararamdaman ko kapag nakikita kong mag kasama si ashly at cj lalo na kagabi nung mag kausap silang dalawa. Binalak ko kasing kausapin si ashly after ng performance nya kaso maraming tao kaya tumambay muna ako sa rooftop nung mag dilim ay dali dali akong pumunta kay ashly dahil baka wala na sya dun.

Naabutan ko naman sya dun ngunit mag kausap silang dalawa ni cj, parang dinudurog yung puso ko ng mga oras na yung kahit naman ngayon eh. Hindi ko talaga kayang wala sakin si ashly. Mabuti nalang nung gabing nun ay dumating si sophia dahil hindi ko kakayanin kung si CJ pa ang mag hahatid kay ashly sa bahay nila.

Habang nag lalakad sila ay nakasunod lang ako sa kanila ngunit dun ako sa pwesto kung saan hindi nila ako makikita. Gusto ko lang talagang makita si ashly. Napansin ata ni ashly na may nakatingin sa kanya kaya nag ikot naman ito ng mata agad naman akong nag tago.

Haysss!! i miss you my princess.

That Gay is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon