Nathan POV
Nang dumating ang uwian ay nag ayos agad ako ng gamit para makapag usap na kami ni ashly pakiramdam ko hindi maganda ang pag uusapan namin pero bahala na nandito na eh.
Nang makarating ako sa sa lugar kung saan kami mag uusap pag dating ko dun ay nandoon na si ashly. Nakatingin lang si ashly sa mga taong naglalakad.
"Ahm Hi" ewan ko bakit ako nahihiya kay ashly ngayon pero sa totoo lang miss na miss ko na sya. Ngumiti lang sya sakin. Nanatili kaming tahimik at parang wala nang gustong mag salita samin.
Hindi na napigilan ni ashly ang sarili nya kaya nag salita na ito. Nung makita ko ang kanyang mata puno ito ng lungkot at sakit nakaramdam ako ng guilty ng ginawa ko sa kanya..
"Kamusta kayo ni Jade?" hindi agad ako naka sagot dahil ayun agad ang bungad nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko tila ata nawalan ako ng dila.
"May gusto ko na ba sa kanya nathan?" alam kong naiiyak na sya sinusubukan nyang pigilan ang mga luhang gustong pumatak. Hindi pa ko pa rin nasagot yung tanong nya, dahil hindi ko talaga alam. Oo may gusto na ako sa kanya pero hindi ko masabi kay ashly natatakot ako na iwan nya ako.
"I'll take that as a yes" Ngumiti sya sakin pero pilit lanh iyon.
"Naalala ko yung mga salitang pinangako mo sakin na ako lang yung mamahalin mo, alam mo ba nung narinig ko yun walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Sobrang saya ko nun nang dumating ka sa buhay ko dahil mas naging makulay pa ang mundo ko nang dahil sayo pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang sisira ng mundong nakasanayan ko na" lumuha si ashly hindi ko na rin napagilan yung sarili ko at naluha na rin ako.
"Pinapalaya na kita nathan" nagulat ako ng sabihin nya yun. Hindi ko inaakala na lalabas sa bibig nya yun.
"Hindi, ba-bakit? Bakit? Bakit moko papalayain hindi mo na ba ako mahal?" parang nauubusan na ako ng hangin. Hindi ko kaya na mawala sakin si ashly.
"No, mali ka dahil mahal na mahal na mahal kita pero hindi na kasi pwede eh" hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahal nya pala ako eh bakit kailangan nyang gawin to?
"Mahal na mahal din kita ashly wag naman ganto" halos wala na akong maintindihan sa sinabi ko dahil garagal na ang boses ko. Kita ko naman ang pag iling ni ashly.
"Ganyan ba yung salitang pag mamahal sayo nathan? Mahal mo pala ako pero bakit nagawa mokong lokohin? Hindi ko alam kung saan ako nag kulang, naging mabait at mapag mahal naman ako sayo pero nag hanap ka pa din ng iba" bakit ganito si ashly sobrang nasasaktan na sya pero nanatili pa rin syang kalmado kahit na umiiyak sya. Hindi ako nakasagot sa kanya nakatitig lang ako sa kanya.
"Napapagod na ako nathan. Pagod na pagod na ako parang gusto ko nang sumuko. Hindi ko na kasi kaya eh" bigla akong kinabahan sa sinabi nya bakit parang may laman yung mga katagang sinabi nya?
"Pinapalaya na kita hindi dahil sa hindi kita mahal pinapalaya na kita dahil mahal kita para magawa mo na yung gusto mo alam kong gusto mo na si jade. Ginagawa ko to dahil gusto kong maging masaya ka. Ayokong maging makasarili" nasasaktan ako sa mga sinasabi nya mahal na mahal ko sya pero bakit ang dali nalang sabihin sa kanya ng mga yan.
"Nakita kita sa mall kasama mo si Jade nag kiss kayo dalawang beses pa yun sobra akong nasaktan dun nathan" nagulat ako nang sabihin nya yun. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.
"I think hanggang dito nalang, aalis na ako nathan" Naiinis ako naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko yun nagawa kay ashly. Nakakalimang hakbang palang sya nang mag salita ako.
"Hindi yan totoo, kaya sinasabi mo yan sakin dahil gusto mo na rin si Cj, ganon naman talaga kayong mga bakla eh hindi kayo kontento sa isang lalaki" Halos pasigaw ko na itong sinabi hindi ko na mapigilan pa ako emosyon ko. Agad naman na lumapit sakin si ashly at agad ako nitong binigyan ng isang malakas na sampal.
"Sana naririnig mo yang mga sinasabi mo nathan, Wag mo ipasa sakin yang mga maling ginawa mo dahil una sa lahat hindi kami naglalandian ni CJ" pero hindi ako nag patinig dahil iniwan nya ako ng ganon ganon lang.
"Umalis kana. Hindi ako naniniwala sayo dahil isa kang makating bakla"
"Bakit ako tong parang may mali nathan? Bakit mo ba pinaparamdam sakin ang mga ganitong sakit? Deserve ko ba to? Naging mabait naman ako sayo ah wala naman akong maling ipinakita sayo" iyak na sya ng iyak parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto ko syang yakapin pero diko magawa.
"Kung alam ko lang na ganito pala ako masasaktan sana hindi ko nalang to pinasok. Pinag katiwalaan ka ng parents ko nathan pero anong ginawa mo niloko moko" hinayaan ko lang syang magsalita dahil wala at wala talaga akong masabi alam kong may mali talaga ako.
"Noong oras na kailangan kita wala ka dahil nandon ka kay Jade na masayang gumagala. Hindi mo man lang ako kinamusta nung absent ako. Lahat yun binaliwala ko kasi mahal kita pero nung nakita ko kayo ni jade halos napuno ng galit ang puso ko gustong gusto ko kayo sugudin ng mga oras na yun pero pigilan ko dahil hindi naman ako tinuruan ng ganon ng mama't papa ko isiniwalang bahala ko lahat ng yun pero pagod na talaga ako nathan" tumakbo na ito paalis. Naiwan akong luhaan pero wala nakipag hiwalay na sya bahala na sya sa buhay nya wala na akong pake alam sa kanya.
Sya naman ay may gusto nun eh bakit ko pa sya pipigilan. Ayos lang may Jade naman na ako eh hindi ko sya kailangan kung ayaw nya sakin edi wag
HINDI NAMAN SYA KAWALAN!!!
Hindi naman ako ang nawalan eh kung hindi sya!
BINABASA MO ANG
That Gay is Mine
Fiction généraleIsang lalaking straight na na inlove sa ating bidang beki. Tara't alamin natin kung paano nga ba sya nainlove sa ating bida.