Chapter 29

4.9K 180 12
                                    

Nathan POV

Isang linggo ang nakalipas simula nung nangyari ang tagpong yun. Halos hindi na talaga kami nag kikibuan ni ashly. Masaya naman na ako dahil kami na ni jade. Hindi na rin kami nag uusap usap ng mga kaibigan ko. Bahala sila wala naman akong pake sa kanila.

Wala pa rin yung teacher namin dahil may biglaang meeting daw. Kaya yun maingay ang classroom namin ngayon. Nag tataka ako bakit wala pa si ashly hanggang ngayon. Tsk bakit ko ba sya iniisip paki ko ba sa kanya!!

"Ashly!!!! Buti naman nahabol ka haha wala sila maam eh may meeting" Agad naman naagaw ni sophia ang atensyon ko dahil sa sinabi nito napatingin naman ako sa pintuan nandun si ashly na kararating lang.

Bakit parang pumapayat si ashly? Tsk hindi na nya inaalagaan sarili nya. Nakatitig lang ako dito dahil parang may hindi talaga tama sa kanya, napansin ko naman si sophia na todo asikaso sa kanya.

Isa pa tong kumag na to kung makahawak kay ashly akala mo pag mamay-ari nya. Feeling pogi muka naman pugo bwiset! Walang wala ka pa sa kalingkingan ko hayop nya!! Bakit ba ako naiinis sa kanya kung gusto nya si ashly edi mag sama sila saksak nya pa sa baga nya. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila bago pa masira yung araw ko.

"Baby, punta tayo mamayang mall gusto ko bumali ng mga bagong damit gusto ko kasi lagi akong maganda" nag lalambing ngayon si jade sakin habang nakalingkis ang kanyang mga kamay sa braso ko. Rinig ko naman yung mga sinasabi ng tatlo pero diko nalang pinansin.

"Sure baby, lagi ka naman maganda sa paningin ko kaya hindi mo kailangan pa nun pero kung gusto mo ikaw ang masusunod" pag lalambing ko dito.

"Awe! thank you baby, alam ko namang magand ako eh"

"Mas saganda pa si ashly sayo kahit san anggulo mo tignan si ashly walang panget sa kanya" pag paparinig naman ng isa kong classmate. Kita ko naman ang pagkainis ni jade sa sinabi ng classmate namin.

"Don't mind her baby" Kinuha naman nya yung kamay ko para makapag holdinh hands.

"Baby nagugutom na ako pwede ba tayong pumunta sa canteen nagugutom na kasi ako or if you want ikaw nalang kainin ko" nagulat naman ako sa sinabi nya pero nagustuhan ko naman.

"Okey tara na sa canteen maraming pagkain dun" tatayo na sana kami nang dumating si ma'am.

"Goodmorning students, Sorry if im late may biglaan kaming meeting at ito ay may kinalaman sa event na gaganapin next week at ngayon ito lang ang ididiscuss ko sainyo" nag sigawan naman ang mga classmate ko.

Nang madiscuss na ni maam ang lahat ng dapat nyang sabihib ay nag tanong ito saamin.

"Dahil may mga bisiti rin tayo na pupunta dito sa school ay pipili ng isang tao ang school na kakanta para sa event na yun at napili ang section natin upang dito kumuha ng isang representative , may gusto bang mag kusa?"

"Ma'am si ashly nalang po matagal na po naming hindi naririnig yung boses ni ashly eh"

"Oo nga ma'am si ashly nalang po. Ganda ganda po ng boses nya eh"

"Lahat naman po ata kami ma'am dito gusto si ashly ang kumanta para sa event na yun masarap po kasi sa pandinig yung boses nya. Nakaka relax po." halos lahat ng classmate ko si ashly ang gusto. Well hindi ko naman maipagkakaila yu na maganda yung boses nya twice ko pa lang syang narinig kumanta yung first day of school tapos yung nag gala kami.

And i want to hear his voice again. "Ayun ay kung okey lang kay ashly yun" pag tatanong naman ni maam kay ashly"

"Go na ashly! Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo, gusto ko rin marinig" pabida naman tong gagong cj nato. Nilalandi si ashly di naman sya bagay kay ashly. 

"Ah okey lang po ma'am" nahihiyang pahayag naman ni ashly. Sigawan naman yung mga classmate ko.

"Thank you ashly aasahan ko yan. You can use the music room para makapag practice ka"

"Thank you po ma'am"

"You're always welcome so you can have your break now"

Isa isa nang mag silabasan ang mga students saming room. Nang tignan ko ang upuan ni ashly ay wala na ito.

"Baby sorry hindi ako makaka sabay sayo sa pag break dahil kailangan kong umuwi nandyan daw kasi ang pinsan ko eh"

"It's ok. Tara ihatid na kita sainyo" pumayag naman ito at inihatid ko na ito sa bahay nila. Nang maihatid ko sya ay agad din akong bumalik sa school para makakain.

Ng matapos ang break time namin ay nagsipag balikan na kami sa aming classroom. May inaanounce ang ang president na wala daw ngayon ang subject teacher namin today. Nang tignan ko ulit ang upuan ni ashly ay vacant ito. Baka umuwi na sya.

Naisipan kong mag ikot ikot sa school dahil boring sa loob ng room wala kasi akong kausap dahil hindi naman ako kinakausap ng tropa.

Dahil naiihi na ako ay dumaan ako sa cr pero bago ako makarating dun ay madadaanan ko muna ang music room.

Habang nag lalakad ako ay usap usapan na yung kay ashly. Siguro ay na post na sa facebook yung event na yun at nakalagay dun ang name ni ashly.

"Omg gurl kakanta si ashly"

"Kaya nga gusto ko na ulit marinig yung boses nya"

"Lahat naman inaabangan sya eh"

"Pero more on boys ang gustong makapanood sa kanya"

"Gandang bakla kasi te tignan mo mas maganda pa sya sayo ahhaha"

"Okey lang ikaw nga babae pero mukang bakla eh hahahaha"

Inis at may halong tuwa naman ang narinig ko. Inis dahil maraming lalaki mang manonood sa kanya at alam ko nanaman na mas dadami pa lalo yung mag kakagusto sa kanya. Tuwa dahil maririnig ko nanaman yung boses nya at natuwa talaga ako sa asaran ng dalawa babae.

Itinuloy ko ang aking pag lalakad para makarating sa cr dahil naiihi na ako. Bago pa ako makarating sa cr ay may nakita akong isang lalaki na papasok sa music room pero hindi ko nakita kung sino dahil malayo. Tumakbo na agad ako para makapunta sa cr at mailabas ang ihi ko.

Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako para maka balik na sa classroom pero nung daanan ko ulit yung music room ay parang may nag udyok sakin na buksan ang pinto.

Hindi naman ako nabigo nang subukan kong pihitin ito buti naman hindi naka lock pag bukas ko ay lamig agad ng aircon ang sumalubong sakin.

Tuluyan na akong pumasok. Agad akong nag tago nang makita ko si ashly na naglalakad papalit si sa upuan bitbit ang gitara. Si ashly pala ang nakita ko kanina. Kaya pala wala sya sa room ay dahil nandito sya mag prapractice siguro sya.

Nakatago ako dito sa likod ng parang isang kabinet at mula dito natitigan ko bg mabuti si ashly. Napaganda nya talaga kahit na parang pumayat sya. Ano kayang nangyari sakanya bakit parang di nya inaalagaan ang sarili nya.

Ipinikit nya ang kanyang mata para siguro damhin ang kanyang kanya.

Nag umpisa na syang patugtugin ang gitara.

That Gay is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon