Chapter 24

4.9K 177 4
                                    

Ashly POV

Finally uwian na gustong gusto ko na talagang umuwi may na kwento kasi sakin si CJ na korean movie maganda daw ang kwento at isa pa gutom na gutom nanaman ako. Napapansin ko din these days madali akong mapagod baka lang siguro sa dami ng ginagawa. Inaayos ko na yung gamit ko para makaalis na wala na si sophia kasi maagang dumating yung sundo nya. Nilibot ko yung paningin ko apat nalang pala kaming nandito sa classroom si Jade, Nathan at CJ. Nilapitan ako ni nathan at base sa muka nitong mukang may gustong sabihin.

"Baby, hindi kita maihahatid ngayon kasi may importante akong pupuntahan" Sabi nito sakin. Nakakalungkot kasi hindi ko na nga sya nakasabay kumain kanina hindi ko pa sya makakasabay umuwi ngayon pero ayos lang naiintindihan ko naman sya.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang, naiintindihan ko. Mag iingat ka ah" hindi ko na tinanong kung anong importanteng bagay yung gagawin nya.

"Ashly gusto mo bang ako nalang ang mag hatid sayo sainyo?" napatingin kami kay Cj, hindi pa ako nakaka sagot sa tanong ni cj bigla nalang nag salita si nathan.

"Hindi na, Ikaw wag mong malapit lapitan si ashly ah baka di mo magustuhan yung gawin ko sayo" ramdam na ramdam ko sa boses ni nathan na galit sya.

"Ano bang problema mo pare? Gusto ko lang naman ihatid si ashly ah? Alangan naman pauwiin mo mag isa yung syota mo? Mag isip ka nga" kalmadong sagot ni Cj.

"Wala akong pake alam sayo akala mo hindi ko alam na may gusto ka kay ashly?" nagulat ako sa sinabi ni nathan, tinignan ko naman si Cj kung ano yung reaksyon nya naka ngisi lang ito kay nathan.

"Oh ano naman ngayon kung may gusto ako kat ashly? Hindi mo pa naman sya hawak ah! Kasal na ba kayo? Diba hindi pa naman boyfriend ka nga pero hinayaan mo syang umuwi mag isa" alam kong galit na rin si Cj pero kinokontrol pa rin nya yung sarili nya.

"Ang angas mo mag salita ah bakit sino ka ba sa palagay mo?" akmang susugod na si nathan kay cj nang biglang nag salita si jade.

"Hayaan mo na sya nathan ihatid si ashly"

"No!!!!!!" sigaw ni nathan. Parang anytime mananapak sya dahil naka kuyom ang kamao nito.

"Nathan sige na hindi na ako mag papahatid" hinawakan ko sya para mawala yung galit nya at success naman. Tinignan ko naman si Cj.

"Thank you nalang CJ pero kaya ko naman umuwi ng mag isa"

"Pero pano kung may mangyaring masama sayo?" pag aalalang tanong nito.

"Ano ba? Ang tigas naman ng ulo mo? Di kaba nakakaintindi?" galit nanaman sya nakakaloka tong boyfriend ko.

"ayos lang ako wag kang mag alala sakin Cj kaya ko sarili ko" nginitian ko nalang sya" nag paalam na ako sa kanila.

Conor POV

Unang kita ko palang kay ashly eh naakit na ako. Oo inaamin ko maganda sya pero hindi ko muna yun pinansin dahil baka kagaya din sya ng ibang gay na katawan at sex ang habol sa mga lalaki pero hindi habang kausap nya yung katabi nya ramdam ko sa boses nya napaka bait nya hindi ko alam pero pag nag sasalita kasi sya eh hindi mo maiwasan hindi makinig sa kanya simple lang ang sagot nya masarap kasi sa pandinig ang speaking voice ni ashly nakakaramdam ako ng peace haha.

Nang maka labas si ashly ng classroom ay lumalabas na din ako hindi ako panatag na umuwi si ashly mag isa baka may mangyari pa sa kanyang masama. Ewan ko kung bakit ganto ako hindi naman talaga ako yung gantong klaseng tao. Sinusundan ko lang sya. Nakakainis yung boyfriend nya lakas ng loob na sabihin nyang syota nya si ashly pero ganito sya kay ashly.

Medyo malayo na rin ang nilakad namin ni ashly. Nakatingin lang ako kay ashly habang nag lalakad sya pero sa nakikita ko parang nahihilo sya at nang hihina nagulat nalang ako ng bigla syang natumba.

"Ashly!!" sigaw ko. Tumakbo agad ako sa kinahihigaan nya at binuhat sya. Buti nalang nasabi sakin ni ashly kung saan sya nakatira kaya hindi ako nahirapan na dalhin sya sa bahay nila. Buti nalang dala ko yung kotse ko.

Nang makarating kami sa bahay nila ay inilabas ko agad si ashly sa kotse ko. Saktong sakto may lumalabas.

"Sino po sil.." hindi na nya natapos yung sasabihin nyan nang makita nyang buhat buhat ko si ashly.

"Omg! Si ashly ba yan? Anong nangyari?" alalang alala sya kay ashly. Sa palagay ko katulong sya dito base kasi sa suot nyang damit pero bakit ganon grabe yung pag alalala nya kay ashly alam kong dapat syang mag alala kasi amo nya sila ashly pero para sya yung magulang ni ashly kung maka react.

Pinapasok nya kami agad sa loob ng bahay tinawag naman ng katulong nila yung parents ni ashly. Habang hinihintay ko ang mga parents ni ashly sa sala ay hindi ko maiwasan hindi mag libot ng mata mayaman pala talaga sila. Nang tignan ko si ashly mahimbing ito na natutulog. Napakaganda nya talaga para syang isang anghel napaka swerte naman dito ni nathan kung ako sya hindi ko na papakawalan pa si ashly.

"Nasan sya?? Nasan ang prinsesa ko?" rinig ko base sa boses nito ito ata ang papa ni ashly. Nang makita nya si ashly ay dali dali syang tumakbo dito at yinakap ng sobrang higpit nagulat nalang ako nang umiyak yung papa ni ashly.

"Where's kuya ash?" napatingin ako sa pinang galingan ng boses. Ang cute naman ng batang to. Lumapit sya kay ashly at yumakap ito at umiyak din.

Nang napatingin ito sakin ay biglang nag iba ang expression ng kanyang muka.

"What did you do to my princess?" galit na galit na sabi nito bigla naman ako kinabahan.

"Brent wag kang ganyan" suway naman sa kanya ng papa nya. "Ano bang nangyari ijo?" tanong sakin ng papa ni ashly hindi ko na sinabi kung bakit umuwi ng mag isa si ashly dahil sa boyfriend nya ayoko naman siraan ito.

"Nakita ko po nalang po sya walang malay na nakahiga sa daan kaya ayon po ay tinulungan ko po sya. Classmate po ako ni ashly" pag papaliwanag ko dito. Nagulat nalang ako ng yakapin ako ng papa ni ashly.

"Maraming salamat, marami talagang salamat. Manang pwede po bang tumawag kayo ng doctor ngayon ayoko nang ibyahe pa si ashly mapapagod lang sya lalo"

Tinulungan ko ang papa ni ashly sa pag bubuhat dito dinala namin ito sa kwarto nya. Napakalaki pala talaga ng bahay nila sobra din napaka linis. Nang mahatid namin si ashly ay inanyayahan ako ng papa ni ashly na mag meryenda.

Habang nag memeryenda kami hindi maiwasan hindi mag tanong ng mga katulong sa papa ni ashly. Ano ba naman to mga chismosa ganito ba talaga sila ka close sa pamilya ni ashly? Ramdam na randam ko sa mga boses nila na nag aalala talaga sila kay ashly. Napapa isip ako kung paano ba sila itrato ni ashly at ganon sila mag alala dito.

Marami kaming napag kwentuhan ng papa ni ashly kaya pala ganon nalang ang pag aalala ng mga tao dito kay ashly dahil lahat pala ng tao dito sa loob ng bahay nila ay turing ni ashly sa kanila pamilya hindi pala pinaparamdam ni ashly na katulong sila dito.

Hindi na ako nag tagal ay umalis na rin ako pero bago ako umalis ay pumunta muna kami ng papa ni ashly sa kwarto ni ashly sakto naman na kalalabas lang ng doctor. Pinapasok na ako ng papa ni ashly dahil kakausapin pa daw nya ang doctor ni ash. Nang makapasok ako naabutan ko syang naka dilat.

"Kamusta pakiramdam mo?" mukang nagulat pa sya sa prisensya ko.

"Ah ikaw pala Cj, ayos lang naman medyo nahihilo lang ako. Ikaw ba ang nag dala sakin dito?" tumango naman ako dito ngumiti. Lumapit ako dito para matitigan ko ang kanyang mala anghel na muka.

"Hmmm Cj pwede bang wag mong sabihin kay nathan yung nangyari ayoko kasi syang mag alala eh" hindi ko man gusto yung idea ni ashly ang tumango nalang ako ayoko naman makipag talo sa kanya dahil baka makadagdag lang ako sa sakit ng ulo nya.

"Maraming salamat sa pag tulong sakin"

"Wala yun. Ikaw kasi eh sabi ko sayo hatid na kita eh" natawa naman ito sa sinabi ko biko hahaha jk lang. Madaming kaming napag kwentuhan ni ashly hanggang sa pumasok ang papa ni ashly.

Hindi na ako nag tagal sa bahay nila dahil mag gagabi na inihatid ako ng papa ni ashly sa labas at nag pasalamat ito sakin sa pag tulong sa kanyang anak. Hinanap ko yung mama ni ashly pero wala daw ito dahil nasa palawan daw ito.
May kuya pala si ashly  at balita ko napaka protective daw nito sa bunso pa nga lang nila sobrang higpit na ano pa kaya ang kuya nila.

That Gay is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon