Chapter 18

5.9K 217 4
                                    

Finally uwian na!!! Napatingin naman ako sa bintana ng classroom namin potek yan ang daming lalaki ah may hawak pa ng mga kung ano ano. Lumapit agad ako kay ashly mahirap na baka maagaw pa to sakin. Badtrip naman ako tang ina ng mga to dami daming babae dyan dito pa sa syota ko. "Pre mukang maraming nag aabang sa syota mo ah haha bantayan mo maiigi yan" Nang aasar na sabi ni jonas.

"Manahimik ka nga dyan baka ikaw masapak ko" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Btw girls gusto nyo bang sumama? Mag mamall kami balita namin may bagong bukas na mall eh pero puro rides daw ang nandon" sabi ni gab. Napatingin naman ako kay ashly na naka tingin sakin na para bang nag papaawa na sumama kami hayss! solo ko sana si ashly ngayon kaso wala eh gusto ng asawa ko eh. Ngumiti naman ako sa kanya tanda ng pag payag ko napayakap naman sya sakin.

"Game din ako dyan" sabi ni sophia. Sabay sabay kaming lumalabas ng classroom at nandun pa din ang mag kulugo.

"Kung hindi kayo aalis dito babasagin ko yang mga muka nyo nakikita nyo na ngang kasama nya ako ang boyfriend nya nandito pa din kayo. Lalandi nyo!" sigaw ko sa kanila. Dali dali naman silang umalis.

"Wow pare! Ang tapang mo sa part na yun ah" sabi ni jonas na may tunong manghang mangha kinindatan ko naman sya.

Nang makarating makarating kami sa mall eh mangha mangha sina ashly at sophia dahil totoo nga ang sabi nila na ang daming rides parang kagaya lang sa Star City na may mga rides sa loob ng mall at meron din sa labas. Pumili agad kami para bumili ng ticket na Rides all you can.

Kitang kita ko kay ashly na tuwang tuwa sya napangiti naman ako dun. "Sige na sakyan nyo ang gusto nyong sakyan basta wag lang sasayo sasakay si ashly masyado pang bata yan patay ka sakin pag malaman" Napatingin naman ako kay sophia sa binulong nya.

"Alam ko naman gustong gusto mo syang masolo eh. Take your time mag date kayo ako nang bahala sa tatlo" Napangiti ako sa sinabi ni sophia nag pasalamat ako sa kanya hinanap ko agad si ashly nakita ko sya na pila na sa rides aba loko to ah iniwan ako parang walang kasama agad ko syang pinuntahan.

"Grabe ka naman sa boyfriend mo iniiwan mo nalang" Nag tatampong sabi ko sinamahan ko pa nang pag cross arms para malaman nya talagang nag tatampo ako.

"Hala sorry na! Natutuwa lang kasi ako dito eh. Ang saya saya ang daming mga tao lahat sila nag eenjoy kaya nasasabik akong sumakay na din" naglalambing na sabi nya. Dahil nga sa mahal ko sya agad agad ko syang pinatawad at hinalikan sa noo narinig ko naman nag tiliaan ang mga nasa likod na pila, namula naman si ashly sa ginawa ko.

"Ano ba tong rides na pinilahan mo at ito ang napili mong sakyan?" biglang sumagi sa isip ko yung sinabi sakin ni sophia kanina na sakyan bigla naman ako tinigasan tang ina nakakahiya mamaya mahalata ng mga tao dito kainis pag dating talaga kay ashly ang bilis kong tigasan. Napatingin naman ako sa pinilihan ni ashly. Parang Space Shuttle lang din tinignan ko si ashly na parang walang takot parang wala syang alam kung anong pakiramdam na nanyan haha.

"Ashly sa iba nalang tayo wag na tayo dito dun ka nalang sumakay sa Carouselle" sabay hawak sa kamay nya para umalis hindi naman sa natatakot ako sanay na sanay na ako dyan iniisip ko lang si ashly baka di nya kayanin.

"Gusto ko dito eh tska sayang naman oh malapit na tayo" Nagpapaawang sabi nito pero iniisip ko talaga sya baka di nya kayanin at umiyak pa sya.

"Hindi ka pwede dyan dun ka sumakay sa mga pang bata, ayon oh may sasakyan na lumilipad ang bagal bagal lang dun ka pwede" Napasimangot naman sya sa sinabi ko.

"Kaya ko dito ginagawa mo naman akong bata eh, ang laki laki ko na kaya tska matapang ako no bleehh!" nag mamatigas na sabi nya. tsk napaka tigas talaga ng ulo neto bahala ka dyan tignan lang natin.

Nang turn nanamin para sumakay ay puwesto agad kami aba ang loko sa unahan pa sumakay. Wag kang iiyak iyak pag tapos neto ah. Tinitignan ko sya parang tuwang tuwa pa sya wala nga talaga syang alam kung paano ang takbo neto.

Prrrrrrttttt!!!!!

Hudyat na mag uumpisa nang umandar yung rides. Narinig ko nalang ang malakas na sigawan ng mga taong nakasakay pag tingin ko kay ashly tulala ito. Hahahahhaha ang sama ko ba tinawanan ko sya? Hahaha eh kasi naman parang nawala yung kaluluwa nya hahaha hinawakan ko yung kamay nya para di sya matakot.

Nang maka baba kami hindi pa rin sya nag sasalita hahaha yan kasi ang tigas ng ulo maya maya sumuka sya.

"Tsk tigas kasi ng ulo eh di kasi nakikinig" Nag aalalang sabi ko sa kanya ngunit wala pa rin akong naririnig na salita mula sa kanya. Pag tapos nyang sumuka inupo ko sya sa may upuang na may lamesang bato.

"Dito ka lang bibili ako ng tubig at makakain natin" Iniwan ko muna sya para bumili ng pagkain at nang mag kalaman ang kanyang tiyan. Nang mabili ko ang pag kainin nakita kong may bata syang kausap. Napa kunog ang noo ko sa narinig.

"Pag laki ko papakasalan kita hintayin mo ako" sabi ng batang lalaki aba kabata bata eh marunong lumandi uunahan pa akong pakasalan si ashly aba wag nyang sabihin na bata sya papatulan ko yan kahit bata yan.

"Hoyy!! bata anong kasal kasal ang naririnig ko?" inis kong tanong sa bata

"Ito si kuyang maganda gusto kong pakasalan pag laki ko tska hindi ako bata may pangalan ako no!" sabi nito aba itong duwendeng to pag di to tumigil isasakay ko to sa space shuttle.

"Manahimik ka dyan di ka pwedeng pakasalan nyan dahil meron na syang papakasalan at ak.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nag salita ulit ang bata.

"At sino naman ang papakasalan nya? Ikaw? Ang panget panget mo mas gwapo pa nga ako sayo eh" aba loko to ah ang bata bata pa kung ano ano na lumalabas sa dila.

"Oo ako papakasalan nya alangan kita ang liit liit ng putotoy mo no" wika ko sa bata

"Hindi to putotoy malaki ang akin lalo na pag lumaki ako" Narinig ko naman ang pag tawa ni ashly buti naman eh naka move on na sya sa rides na sinakyan nya

"Hindi kapa nga tuli tska isa pa hindi na lalaki yang putotoy mo" asar ko sa bata. Bigla naman may lumapit na lalaki ito ata ang ama.

"Sorry po ginugulo po ba kayo ng anak ko? Tanong ng daddy nya napatingin naman sya kay ashly napag hahalataan ah may anak na maharot pa din alam na kung san nag mana ang anak.

"Daddy gusto ko po syang maging asawa" Sabi ng bata napanganga ako sa bata loko loko to.

"Pasensya na po sa sinasabi ng bata. Ikaw hindi na pwede si ms beautiful masyado ka pang bata" Panagaral nya sa anak.

"Kaya nga po pag laki ko" sagot ng bata sa ama. "Hindi pwede haha ikaw talaga, Pasensya na po sa anak ko sige na aalis na po kami" Sige tama yan umalis na kayo baka pag untugin ko pa kayo. Nang maka alis sila binigay ko kay ashly ang pagkaing binili ko.

That Gay is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon