Chapter 27

4.7K 191 20
                                    

Ashly POV

Maraming araw ang dumaan. Maraming nag bago kay nathan, hindi ko nga alam kung kami pa eh. Hindi na nya ako sinusundo, hindi na nya ako hinahatid, hindi na nya ako kinakamusta kung ok lang ba ako o hindi kahit man lang sa text, hindi na rin kami sabay kumain pag nasa school. Lagi ko syang nakikitang kasama si Jade at sobrang sakit sa part ko yun dahil wala man lang sinasabi sakin si Nathan.

Ngayon kasama ko ang tropa nandito kami ngayon sa mall gusto kasi nilang gumala ngayon, ayoko nga sanang sumama wala kasi ako sa mood pero napilit pa rin nila ako at dahil wala naman din akong ginagawa sa bahay ay sumama nalang ako.

"Lie I think kailangan mo nang kausapin si nathan, Hindi na kasi tama yung ginagawa nya" galit na galit kasi si sophia dahil para daw walang jowa si nathan kung sumama kay jade.

"Pag ready na ako best, Ihahanda ko lang yung sarili ko sa magiging usapan namin" Pinag isipan ko na to maigi pero sana kayanin ko, nakikita ko namang masaya si nathan kasama si jade eh.

"Hey guys, pwede ba mag enjoy lang tayo ngayon? Seryosong seryoso kasi yung mga muka nyo dyan eh" singit naman ni troy saming usapan. Napangiti nalang ako. Laking pasasalamat ko na nandyan sila kasi kahit papano napapangiti nila kami.

"At pwede rin ba, wag kang sisingit bigla bigla sa usapan nakakagulat ka!" naiinis na sabi ni sophia haha nagulat kasi sya. sabay sabay namang tumawa yung tatlo.

Ngayon ay pauwi na kami. Nag lalakad na kami palabas ng mall pero may nakita akong isang ganap na hindi ko dapat makita. Nanigas ang buong katawa ko parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko man tumakbo pero hindi ko magawa.

"Ashly, ano bang tinitignan mo dyan. OMG bakit ka umiiyak?" tanong sakin ni sophia. Dadali syang lumapit at yinakap ako. Tinignan nya ang tinignan ko sakto namang nag kiss ulit ang dalawa. Pano nagagawa ni nathan sakin to knowing na kami pa. Ang sakit sakit!! Nanlalabot yung mga tuhod ko.

Alam kong nakita din nang tatlo yung nakita namin dahil kasunod lang naman sila ni sophi. Alam kong nag pipigil lang sila ng galit nila dahil inaya ko silang umalis na agad.

Nang maihatid nila ako sa bahay ay kinausap ko silang wag nilang gawan ng masama si nathan ako nalang ang balang kumausap sa kanya. Bukas na bukas din ay kakausapin ko na sya.

Nasa kama ako ngayon, naiisip ko pa rin yung mga pangyayaring naganap kanina. Napag usapan nanamin ni sophia to dati na magiging masaya ako pag dumating yung time na to pero bakit parang ang bilis naman. Gusto ko pa syang makasama eh. Pero wala nandito na wala na akong magagawa kung nangyari na. Pipilitin kong maging masaya para sa kanya.

Gab POV

"Ang kapal ng muka mo. Hayopp ka!!!! wala kang kwentang lalaki!!!" galit na galit na sigaw sa kanya ni troy.

Nakatingin lamang sya samin. Alam kong napapaisip sya sa mga nagawa nyang mali pero wala nagawa na nya. Nasaktan na nya si ashly hindi deserve ni ashly to napaka buti nyang tao para gawin nya to kay ashly.

"Tang ina mo!!! Pinag katiwala namin sayo si ashly dahil sabi mo mahal mo at aalagaan mo sya pero potang ina lang nathan nasan yung salitang yun? Gago ka sa una ka lang magaling. Wala kang kwenta!!! Pweee!!!" si jonas naman ang nag sakita ngunit wala pa rin syang sinasabi nanatiling tikom ang bibig nya. Nanggigilid na ang kanyang mga luha.

Masakit man pero kailangan ko sa kanyang sabihin to dahil hindi talaga tama yung ginawa nya. Akala ko hindi sya tulad ng iba dahil nakita ko naman na seryoso si nathan kay ashly pero totoo talaga yung sinabi ni jonas sa una lang sya magaling"

"Hayaan nyo na yan mga pre, wala naman yang silbe eh. Simula ngayon wag na wag mo na kaming matawag tawag na pare dahil sa puntong to pinuputol nanamin kung ano mang pag kakaibigan meron tayo. Tara na mga pre wag nanatin pag aksayahan ang mga ganyang klaseng tao" hindi ko na rin napigilan yung galit ko.

Nathan POV

Gusto kong mag wala, gusto kong sumigaw ng sumigaw hanggang mawalan ako ng boses. Ang tanga tanga ko bakit ko sinaktan si ashly ng ganon. Alam kong nasaktan ko sya ng sobra hindi ko sya kayang harapin dahil hindi ko kayang makita syang umiiyak nang dahil sakin. Siguro ito yung sinasabi sakin ni brent kaya siguro ayaw nya sakin dahil nararamdaman nya na sasaktan ko lang ang kuya nya pero ano bang nagagawa ko nag kagusto lang naman ako eh. Oo inaamin ko nag kagusto na ako kay jade pero ayoko namang mawala sakin si ashly pero hindi pwede yun, hindi pwedeng pag sabayin sila.

Kinabusakan nandito kami ngayon sa classroom nakatitig lang ako kay ashly. Nakangiti naman sya ngayon pero hindi na kagaya ng dati na sobrang pure ng ngiti nya. Miss na miss na kita bebe ko.

Dumating ang break time ngayon ay nag aayos ako ng gamit ko. Nilalambing ako ni jade ngayon at sa aaminin ko nagugustuhan ko ito siguro dahil may gusto ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng may boses na nag salita sa harap ko.

"Nathan can we talk? Hmmmm not now, after class can work" nakangiting sabi ni ashly alam kong pilit lang ang ngiting yun pero hindi maiwasan ng puso kong kumalabog. Parang ayoko na sya ulit mawala sa paningin ko.

"Okey lang kung hindi pwede mamaya. Maybe some other day"

"No, pwede naman mamaya. Sige ayos lang" hindi ko maiwasan hindi ngumiti dahil kinakausap ako ni ashly ngayon. Ayaw ko nang matapos ang sandaling to.

"Nathan diba mag mamall tayo mamaya" sabay naman kaming napatingin ni ashly sa kanya. Napaisip naman ako dun, Oo nga pala.

"Don't worry jade saglit lang naman kami mag uusap at wala ka dapat ipag alala after namin mag usap pwede na kayong mag mall" bakit ganon? Bakit parang pinapamigay na ako ni ashly?

That Gay is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon