5: Paano na ang tayo?

2.8K 20 0
                                    

Sa paglipas ng panahon
Di ko naalintana ang aking nadarama
Unti-unting nawawala,
Nalalaos na parang isang tula

Mga samu't saring gawain
Parehas tayong wala na atang balak pang pagpahingahin.

Naririnig mo ba ang tibok ng aking puso?
Tibok nito parang nauubos na para sayo

Bawat araw na nagdaraan
Nakahanap ka na siguro ng makakasabay sa iyong mga kagustuhan
Ayos pa ba tayo?
Meron pa bang tayo?

Paano na ang tayo?
Ang tayo na ang tagal nabuo dahil sa sobrang higpit ng mga tao

Siguro hindi ko muna itutuloy ang kwento
Aalamin ko muna ang dahilan kung bakit ka nanlamig sa akin ng todo
Upang mabago ko pa ang simula nito
At mapalitan ang titulo upang kwento natin ay mabasa ng bawat tao

'Paano na ang tayo?'
Kung parehas tayong wala ng alam kung saan  ito patungo.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon