1: Malaya Ka Na

5.4K 44 5
                                    


Bawat patak ng ulan na yumayakap sa lupa,
Ang pagtalikod mo sa akin ay kasabay ng pagtulo ng aking mga luha,
Wala na sigurong magiging dahilan ang mga ito upang masundan pa,
Dahil ako ang s'yang mismong nagbitaw ng mga katagang 'Malaya ka na'.

Sa pagbabalik tanaw sa mga nakalipas nating tagpuan,
Sa bawat halakhak na ating binibitawan,
Sa pag-alala nating sabay sa ating buhay na kinagisnan,
At pag-iisip sa kung anong mangyayari sa susunod pang taon na ating pagsasamahan.

Lubos tayong nasiyahan sa lahat ng kaganapan,
Kaya't walang pangamba ang s'yang dumalaw sa ating isipan,
Hindi man lang natin naisipan na ang problema ng bawat isa ay pagtulungan,
Para hindi ko naisip na ikaw ay palayain
dahil sa problemang di ko nakayanan.

Sa hindi namalayang oras na pati ikaw ay napabayaan,
Tsaka ko lang napansin ng may nakita akong ikaw ay may bagong kasabayan,
Wala na tayong oras parehas sa ating relasyong sinimulan,
Kaya ako na mismo ang magsasakripisyo para sa kaligayahan mo na ayaw kong pigilan.

Malaya ka na para pumili ng iba,
Malaya ka na mula sa akin dahil di na kita kayang sabayan pa,
Malaya ka na mula ngayon dahil mukhang mas masaya ka sa piling nya,
Malaya ka na mula sa akin na alam kong matagal mo nang hinihiling dahil hindi ka na masaya.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon