6: Kaibigan Lang Pala

2.7K 23 1
                                    

Ang saya mo ay abot sa iyong mga mata
Parang wala ng bukas kung ipagpapaliban pa
Dahil isa rin ako sa nakasaksi sa inyong dalawa
Kung paano ka nya pinaligaya ng sobra.

'Isa, Dalawa, Tatlo humanda ka at ikaw ay hahabulin ko'
Takbuhan ang lagi nating paboritong laro
At sarili mo ang s'yang pinipili mong taya dahil sigurado ka na ako ay maaabutan mo.

Sa bilis ng aking pagtakbo
Para bang sumobra ata ang bilis ko
Nalimutan kong hinahabol mo ako
At naglalaro tayo ng larong ating paborito

Lumagpas ako sa lugar kung saan lang dapat ako pupwesto
Dahil nasobrahan ata sa pag-iisip na may malisya ang lahat ng ito
Ngunit bakit nga ba ako aasa sayo
Kung mismong umpisa pa lamang palagi mong bukambibig na 'Magkaibigan lang Tayo'

Hindi ko pinansin ang umpisa ng ating pagsasama
Tinuring kita sa kung ano ang aking nadarama
Ngunit mistulang masyado akong nasobrahan at napansin mo na
Pinalagpas mo nung una at sa sumunod ay hindi na

Malinaw na sakin ang lahat kung ano talaga ang tayo
'Ikaw at ako magkaibigang lubos walang makakasira kung iingatan natin pareho'
Tuluyan na akong nagising sa  pagbanggit mo ng bawat salita na tumagos sa aking puso
Hindi na pala mahihigitan ito at talo na ako

Nasagot ko na ang lahat ng aking tanong sa isipan
'Bakit ako ay hindi mo magustuhan?'
'Maganda naman ang ako sa panloob at panlabas na katangian'
Dahil kahit kailan pala talaga ay hindi mo ako magugustuhan
Dahil kahit kailan ang ako ay hindi magiging sya na lagi mong binabanggit na sobra sa iyong natitipuhan

Kaibigan lang pala ako sayo
Kaibigan lang pala ang tingin mo
Kaibigan mo ako kaya itinuring mo akong espesyal sayo
Kaibigan lang pala ako kaya't sobrang tamis ng turing mo
Kaibigan lang pala ako kaya heto ka, sya na ang kapiling mo.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon