11: Ikaw at Ako

1.8K 16 0
                                    

Sa isang kwento
Ang pamagat ay mahalagang bahagi nito,
Mga tauhan ay dapat handang ipaalam sa mga tao
At ang daloy ay marapat na maintindihan ng babasa dito

Isang yugto pa lamang ang nasisimulan
Ngunit ang aking panulat ay tila nasa katapusan
Ang papel ay unti-unti ng nililipad ng hangin mula sa basurahan
At ang kwento ay wala pa din sa kalagitnaan

Ang kwento ng ikaw at ako
Kayhirap naman isulat nito
Masakit ibahagi na iniwan mo ako dahil sa ibang tao
Ngunit mas masakit na ako lamang ang nagbigay halaga dito.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon