14: Lumisan ng walang paalam

996 9 1
                                    

Ang liwanag mula sa buwan ay natatakpan
Ang lamig ng hangin ay akin ng nararamdaman
Ang iyong mga mata'y nais ko ng sulyapan
Subalit huli na dahil ikaw na ay lumisan

At sa iyong paglisan,
Kahit sulat ng pagpapaalam ay wala sa aking harapan
Nalimot mo atang ikaw ay may kasintahan,
Sinta, ang puso'y ko'y iyong nasaktan

Mapupuno ko na ata ng piyesa ang pahina
Sa pagbabahagi ko ng iyong pag-iwan sa akin sa gitna
Nakaligtaan mong sabihin ang dahilan sinta,
Ang dating matamis na dila ay naging mapait na ang timpla

Ang dating tawa na hindi mapigilan
Kahit ang ngiti na pilit tinatakpan
Dahilan nito ay pagpapakilig mo sa akin araw-araw kahit na umuulan
Ngunit napalitan ito ng mapait na ngiti pagkatapos mong lumisan

Lumisan ng walang paalam,
Bumalik na parang sya pa ang nasaktan
Sa halip na tumahimik sa kinalalagyan
O kahit humingi man lang ng kapatawaran

Subalit wala ng halaga ang parte ng nakaraan
Ang bagay na dapat hindi na binabalikan

Lumisan ng walang paalam,
Sinaktan ako na parang walang nararamdaman
O talagang dinaya lang ang lahat sa nakaraan
Nagkunwaring ako'y iyong mahal bago ka lumisan

Nasaktan ako ng lubos
Na tila ako na ay mauubos
At aking hininga ay kinakapos
Dahil sa pagbabahagi mo ng maling kwento na ikaw na din ang tumapos

Dahil sa paglisan ng walang paalam,
Poot sa aking puso ay hindi na mapapalitan
Tapos na ang lahat sa atin mula sa nakaraan
Babangong muli at hindi na hahayaang maiwan.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon