12: Pansamantala (M.U.)

1.5K 17 0
                                    

Hello hihihi :))

*****

May mga pangako na dapat hindi mo pinanghahawakan,
Mga bagay na dapat hindi mo inaasahan,
Mga salitang kay hirap paniwalaan,
Ngunit ika'y marupok kaya't siguradong gagawin mo ito malasap lang ang panandaliang kaligayahan

Mga bagay na alam mong hindi habang buhay andyan,
Pansamantalang kaligayahan na kapalit ay kalungkutan,
Ang hagikgik ay kay lakas at iiyak sa kahuli-hulihan,
Pinili mo ang bagay na alam mong panandalian

Binuwis ang mga bagay na mahirap makuha,
Makasama lang sya ay wala na daw problema,
Subalit nagsisi ng sya na ay umalis,
Pansamantala lang iyan kaibigan kaya't huwag mainis

Sobrang lapit ng samahan na tila 'di alam na ito'y panandalian
Nakipagseryosohan kahit alam na ito'y laro lamang
'Maraming Umaasa' sa relasyong hindi malagyan ng pangalan
Itutuloy mo pa ba ang pansamantalang kaligayahan?

May oras pa upang ika'y umatras
Subalit ikaw parin ay tumuloy at nagmatigas
Manhid ka na ba sa lahat kaya't lumaban sa walang kasiguraduhang oras?
At hindi inalala ang mga bagay na syang nawala at lumipas

Natapos na ang pansamantalang samahan na may sakit sa kalooban
Pumasok sa isang relasyong 'di man lang napangalanan
Ang mga alala ay lagi na lamang dumadalaw sa isipan
Bakit ka nga ba sumubok sa relasyong walang pinatunguhan?

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon