23: Krisis

491 6 0
                                    

Ang lahat ay may iisang nais,
Ngunit ang paraan ng gobyerno para sa iba'y labis,
Kagustuhang matigil ang krisis,
Kawalan ng pagkain ang kapalit.

Daming hinaing sa bawat paligid
'Sana'y kami na inyong papasukin'
Sigaw ng isang babaeng nahihirapan ng labis
Ngunit patakaran ay kailangan hindi maalis.

Pagkakaisa ang dapat gawin,
Bawat tao ay dinggin,
Pakinggan ang bawat hinaing,
At isipin kung tama ba itong gawin.

'Sana ito'y matapos na'
Hiling ng bawat isa.
Lahat ay nahihirapan,
Ngunit mahirap labanan ang kahirapan.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon