25: Pag-iwan

259 2 1
                                    

Kakalimutan na ba kita?
Dahil sa pag-iwan mong hindi ako naimporma,
Hahanap na ba ako ng iba?
Dahil hindi ka man lang nagpaliwanag upang maliwanagan ang nadarama

Sa patuloy na paglipas ng mga araw,
Pangalan mo'y sa aking isipan ay isinisigaw,
Hindi mapigilan alalahanin ng mga ala-ala,
Bakit ka lumisan ng maaga?

Hindi kita makwestiyon,
Tayo'y magkalayo at malabong harapin ang nangyari sa kahapon,
Nais ko ang iyong eksplanasyon,
Bakit hindi ako ang pinili mo noon?

Hinintay kita hanggang sa ako'y napagod na,
Siguro'y talagang ako'y limot mo na,
Sa pag-iwan mong nakatatak ang sakit sa aking puso,
Bakit mo sa akin nagawa ito?

Pinili mo s'ya nang walang alinlangan,
Iniwan mo ako ng wala man lang paalam,
Ganon ba ako kawalang-halaga sayo?
Pinili mo s'ya imbis na ako.

***

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon