21: unknown

323 4 0
                                    


Minahal kita ng labis,
Sobra pa sa iyong nais,
Ngunit pighati ang naging kapalit,
ang iyong isinukli ay sakit.

Umalis ka saking tabi ng walang paalam
Lumisan ng di ko man lang alam
Bumalik ka ng biglaan;
At ngayo'y nagmamakaawa sakin na ika'y tanggapin muli ng buo ang kalooban.

Parang kay hirap tumanggap
Muli kang lilisan pagkatapos magpanggap,
Mukhang lahat ay planado,
Ihuhulog mo ako sa patibong na matagal mong pinlano.

At pagkatapos ay ako'y madudurog;
mahuhulog,
San na ang tungo ko?
Sayo o palayo na sa piling mo?


*****
l- hiii! idk kung anong itatitle dito, kaya i decided na unknown nalang at kayo nalang magisip sa sarili n'yo, hope u like it!

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon