8: Gusto kita; Gusto mo sya

2.1K 20 7
                                    

Mahirap mang tanggapin,
Ngunit parang nakatadhana na sa akin,
Kailan ba ako bibiyayaan ng tunay na mamahalin?
Na ako lang at wala ng ibang makikihati
sa akin

Sa pagplano ng pag amin sa nadarama,
Inuumpisahan na sanang ipakita
Ngunit sadyang mapaglaro si tadhana,
Pinigilan agad kung ano ang dapat ay naumpisahan na

Gusto kita;Gusto mo sya,
Kayhirap tanggapin ng mga kataga
Nasaktan man ng husto sa iyong kilos na ipinakita
May magagawa ba ako upang baguhin ang iyong nadarama?

Umamin man ako ngayon sa harapan mo,
Wala namang mababago sa nakatadhanang mangyari sayo,
Ngunit kung ako na kaya mismo ang magbago?
Pilitin kang gustuhin ako kahit sya ang nararapat sayo.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon