10: Dating Tayo

1.7K 19 0
                                    


Maiibabalik pa ba ang nakaraan natin?
Tamang tawa lang sa bawat birong iyong binabanggit,
Isang ngiting sagot sa bawat pagtanong na sinasambit
At pawang walang problemang pinagdadaanan sa t'wing tayo'y maglalapit

Sa bawat matatamis na kilos na iyong isinasagawa
Gusto kong balikan at maramdaman uli ang iyong pag-aalala
Sa bawat pag-aya sa akin sa simbahan upang mabasbasan
Ngayo'y nawala na't nakalimutan na uling dumalaw sa dating kinasanayan

Natapos ang 'tayo' ngunit hanggang ngayon ang aking nararamdama'y walang pinagbago
Mahal pa rin kita tulad ng pagmamahal ko sayo simula umpisa ng ating yugto
Tila walang nalagas kahit isang ala-alang aking naaalala tungkol sa iyo
Maibabalik pa ba ang 'Dating Tayo' kung marami na ang nagbago?

Sa buhos ng ulan na kaysarap pagmasdan
Hangang ala-ala nalang talaga ang ating nakaraan
Wala na atang makakapalit sa iyo aking mahal,
Hanggang tanaw na lamang dahil ikaw na ay may bagong kasintahan

Ang 'Dating Tayo' na sana'y 'di ko agad binitawan
Dahil baka sakaling hanggang ngayon tayo pa ngunit ako pa rin ay lumalaban
Sa pagod mang mararamdaman ay siguradong mawawala dahil sa ating pagmamahalan
Ngunit tapos na ang lahat, 'Dating Tayo' ay nakatatak na lamang sa aking isipan.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon