18: Limang Minuto

646 6 0
                                    

Bibilang ng isa hanggang lima
Ngunit tila ito ay kulang pa
Sa pagpapadama ng lahat ng saloobin sa iba
Ngunit ipagpipilitan para lang iyong madinig sinta

Sa isang minutong tayo ay magkasama
Wala ng hihilingin pang ibang makasama
Sayo lamang ako lumigaya
At sana'y 'di mo palitan ng kalungkutan na 'di ko ninais makuha

Sa ikalawang minuto ng ating pagsasama
Mga ngiti ay kitang kita sa ating mga mukha
Sobrang saya nating dalawa
Na sana'y hanggang dulo na

Sa ikatlong minuto ng ating pagsasama
Natahimik na tayong dalawa
Tila walang may gustong magsalita
Tikom ang ating mga bibig at tanging nangungusap ang ating mga mata

Ito na ang ikaapat na minuto ng ating pagsasama
Mapupunta na sa lima
Tila ba magwawakas na
Ngunit bakit 'di na lang natin ipagpatuloy pa?

Ito na ang huling minuto ng ating pagsasama
Ang isa ay napunta na sa lima
Wawakasan na ba natin sinta?
Tila tayo lamang ay naglaro sa gitna

Nagbilang sa daliri,
Natapos din sa huli
Bitin pa ang ating mga sarili
Bakit hindi natin ito sundan at baka sakaling umabot sa dulo at wala ng huli.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon