20: Sampung Hakbang Palayo Sayo

450 5 0
                                    


Hahakbang ako palayo sayo
Ngunit sana'y naisin mo pa din akong bumalik sa piling mo
Kahit masaktan ka sa gagawin ko
Sana'y pakinggan mo pa rin ako

Unang hakbang palayo sayo,
napatulala ako ng todo
ngunit nagising muli dahil sa pumatak na luha sa palad ko
saba'y pawi dahil ipagpapatuloy ko pa ito

Ikalawang hakbang palayo sayo,
Handa na muling sundan ito
Hindi ko man gustong gawin sayo
Ngunit ito lamang ang s'yang makakapagligtas sayo sinta ko

Ikatlong hakbang palayo sayo,
Nais ko sanang lingunin ka at sasabihing 'patawarin mo ako'
Ngunit masisira ang desisyon na ginawa ko
Mapapahamak ka lamang kung ito'y gagawin ko

Ikaapat na hakbang palayo sayo,
Nakakapagod humakbang ng wala ka sa piling ko
Maaari bang balikan na kita mula sa kinatatayuan ko?
Nais na kitang yakapin muli sa oras na ito

Ikalimang hakbang palayo sayo,
Napatigil ako at nais ko ng huminto
Subalit ika'y masasaktan sa kamay ng ibang tao
Kaya't ako na lamang ang mananakit sayo

Ika-anim na hakbang palayo sayo,
Maaari bang pigilan mo ako?
Ngunit ikaw na misming nagsabing humakbang ako palayo sayo
Upang iyong malaman kung talaga nais ko ito

Ika-pitong hakbang palayo sayo,
Aking sinta, sana'y 'di mo malimutan ang mukha ko
Ang iyo'y malabo,
Ang boses mo sana'y muling marinig ko

Ika-walong hakbang palayo sayo,
Kay lapit ng mapunta sa sampu
At nais ko na din putulin dito
Ngunit kailangan kong magsakripisyo para sayo

Ika-siyam na hakbang palayo sayo,
Nakakapagod humakbang palayo sayo
Biglang baliktanaw sa mga ala-alang gusto kong balikan kasama mo
Ngunit malabong patawarin mo pa ako

Ika-sampung hakbang palayo sayo,
Tapos na ang samahan nating nabuo
Naputol na ang namamagitan sating pinutol ko
At malabong maipagpatuloy pa ito

Natapos na ang paghakbang ko,
Aking dibdib ay nanikip sa sakit na dulot nito
Sana'y 'di na maulit muli sayo,
Mahal pa din kita sinta ko,
Kaya't patawad sa ginawa ko ngunit 'di ko pinagsisisihan ito.

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon