19: Pansamantala pt. 2 (M.U.)

279 3 0
                                    


Nagsimula sa simpleng pakikipag-usap sa kanya
Nauwi sa pag-iibigang di alam kung totoo na ba
Sadyang naguguluhan ang isip dahil sa nadarama
Hahayaan ko ba o patitigilin ko na?

Nais ko na sanang sabihing 'ayoko na'
Dahil sa paunti-unting panlalamig n'ya
Nasasaktan na ako sa nangyayari ng sobra
Ayoko ng magtiis sa wala

Tila nakadepende ang mga ngiti ko sa kanya
Yung tipong isang mensahe lang ay di ko na kayang palagpasin pa
Kahit na galit ay biglang natutunaw dahil sa matatamis na salita
Masyado na akong nabihag, malabong makaahon pa

Ngunit may mali sa parteng ito
Kaligayahan ay akin ngang natatamo
Ngunit walang pangalan ang relasyon na aming nabuo
Maaari pa din ba akong magalit at magtampo?

*****

@Linaaaamazing

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon