Simula

1.4K 25 1
                                    

"Dani" short for Daniella Ong Perez. Pwede rin naman "Slutty" para sa mga inggiterang pangit sa tabi tabi na nagkakalat ng chismis na kung kani-kanino ko binibigay ang kapiraso ng bataan ko. 

I smiled as I passed by the group of guys at the corridor kung saan ang daan patungo sa next class ko. Narinig ko ang pag sipol ng isa sa mga grupo ng lalaking iyon.

"Nice ass Dani! Galing mong sumayaw kagabi ah" then the next thing I heard was their perverty (kung may word man na ganon) laugh echoing the large corridor. 

I maintained my smile as I managed to enter my class nang hindi ako nakakapanira ng itlog ng lalaki. 

Why the hell would I be insulted at their words? Sanay na ako. 

I get that A LOT. I had worse pa nga e. Complementing my ass with their pervert mouths means nothing to me anymore. 

I admit it though, I love night parties.. A LOT. Kung may attendance at certificate ang gabi gabing pag wawalwal ko at paglunod ko sa sarili sa alak ay malamang, hakot award ang lola mo at baka mapromote pa ako mula sa pagigingdakilang walwalera patungo sa propesyonal na walwalera slash ambassador ng club. Echos.

Umupo ako sa lugar kung saan ako inassigned ng guro. It's in the middle part at the left side of the class kung saan ang mga katabi ko isang walang pakialam sa mundo (sa kanan ko) na tulog na tulog to the point na ginawa na niyang silid tulugan ang klase. At ang isa naman ay nakatutok sa libro ang mata, ni hindi ko alam kung kumukurap pa ba.

I sighed as I fixed my jet black long curled hair before tapping my fingers on the desk out of boredom. It's 9:15 in the morning ngunit nakuha ko ng maging 15 minutes late ay ni anino ng propesor namin ay hindi ko makita. 

Kunot ang noo at salubong ang mga kilay akong lumabas sa klase kasunod ng iba pang nagrereklamong mga estudyante sa klaseng ito. I wouldn't mind ditching a class, but waking up early to attend a class na hindi naman pala papasok ang propesor ay nakakainit lang talaga ng dugo!

Masakit pa doon ay minsan nalang akong sipagin pumasok tsaka pa tinamad ang propesor na makita akong papasok!

That bald old man!

In the end, I decided to just go home for me to take a nap since may anim na oras akong vacant para sa next class ko na hindi ko alam lung papasukan ko pa ba?

I was walking palabas ng campus nang marinig ko ang malakas na ingay nang mga nagsisigawang mga tao, looking as if they're cheering for something.. or someone.

Kunot ang noong nakita kong kasama doon ang dalawang pamilyar na pigura na may hawak na malaking papel at pompoms kasabay ng pagtalon at pagsigaw katulad ng mga ibang tao sa loob ng oval ng campus.

"What the fvck are they doing?" na aabnormalan kong tanong sa sarili na wala rin sasagot.

Some of them wearing green shirts some of them blue. Naghati ang asul sa berde na animo ay DLSU vs. Ateneo ang peg ng mga tao sa gilid ng oval. Those colors were fighting against each other.

Tumaas ang kilay ko na kung mas may itataas pa ay hanggang bumbunan ko na sana dahil sa kuryosidad sa utak ko. 

Since curiousity couldn't literally kill someone, I've decided to join those two familiar figures wearing green looking like idiots as always.

"Mga green minded!" I raised my voice for them to hear me. Sabay ang pag lingon ng dalawang abnormal na nanlalaki ang mata sa galak nang makita ako. Tinaasan ko nga ng kilay.

Akala niyo artista no?

"Dani!!"
"Buti nandito ka! Di ka nanaman pumasok?" si Taina na may inosenteng mukha pero matabil at pasmado ang dila. Maliit ng kaunti sakin na masarap umpugin sa sobrang honest ang lumalabas sa bibig niyang makasalanan.

Against the wild fire (Castillo series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon