Ilang araw kong iniiwasan si Zandro. Pucha naman kasi, hanggang ngayon talaga badtrip pa din ako sa kaniya, ang bilis naman niyang manghuli! Ganoon ba talaga siya katalino? Pati ba naman ang plano ko nalaman niya agad agad? Feeling Edward Cullen?
Ni hindi pa man ako nakakaganti sa lahat ng pangbbwisit niya sa'kin bistado na agad ako? Hindi pwede yon! Kaya matapos ng araw na iyon ay agad agad ko siyang iniwasan, nabisto ako eh, nakakahiya at higit sa lahat, naging kanya ang huling halakhak!
I was very cautious with how the way I walk as I roamed my eyes in every corner of the pathway. It was so tempting to just cut class to avoid him better ngunit hindi pwede, isang absent pa at bagsak na ako. I don't want to retake this subject, dahil ang building na ito ay kahalo ng department nila Zandro!
Pero agad napahinto nang makita ko ang pamilyar na pigurang lumabas mula sa isang pasilyo. My eyes widened as I stared at him, busy reading something inside the folder he was holding, kasama niya ang mga pamilyar na mukhang nakita ko sa debate, crush ata nila tsekwa 'yon!
The handsome foreign looking man whispered something to him after he stared at me, lumunok ako, my mind was shouting to turn my back at him pero sa estado ko sa papasukan kong subject, hindi ako pwedeng hindi pumasok, babagsak ako, I couldn't easily escape this one.
Kung bakit ba naman kasi naka tayo sila sa harap ng room na papasukan ko!
Kumunot ang noo ni Zandro while listening to this foreign guy when without a word, ni hindi ako prepared, nagtama ang mga mata namin it was too late for me to look away.
Gusto kong magjacket bigla sa panlalaming katulad ng lamig ang tingin nito sa'kin. It's like we're strangers again. Like the first time I met him, his icy cold stare was piercing through me.
Saglit lang iyon at agad din nitong binawi ang tingin at igting ang pangang binalik ang mata sa folder na binabasa.
Natigilan ako, sa kung paano niya lang ako daanan na parang hangin, o parang hindi kilala.
"Dani, later let's go bar hopping. Nasstress ako sa school works, I need to unwind!" It was Taina, Fortunately, sabay ang lunch break naming tatlo at napag desiyonan namin na sa labas nalang ng school kumain.
I sighed, yeah I need a drink too. Hindi maalis sa isip ko ang ginawang pag snob sa akin ng hari ng kadiliman kanina! Nahurt ata ang ego ko doon. Ako kasi dapat ang maunang gumawa no'n hindi siya! Gaya gaya ng plano eh.
"Kailan ka ba hindi stress sa pagaaral bobita ka?" I said.
"Nagsalita ang genius sa ating tatlo! Boba ka din gaga, si Ria lang ang may utak dito."
Ngumisi ako, "At least ako kahit hindi mag review pumapasa, ikaw na tsekwa ka kahit anong gawin mo slow ka pa din."
"Isa pang sagot ni isa sa inyong dalawa malilintikan sa'kin."
Taina and I exchange curious look as Ria said that. She's.. scary. Kunot ang noo at mukhang anytime ibabato na sa amin ang tinidor na hawak.
"May period ka?" naglakas loob kong tanong kahit medyo kinakabahan ako sa itsura niya ngayon. Bihira lang kasing magalit itong Maria Clara namin. Kung gaano kainosente ng mukha niya, ganoon naman katalim ang dila kapag galit! Galit na maliit! That shit is scary.
She sighed, massaging her temples. "It was a just a bad recite. Let's just eat and stop barking with each other. Para kayong mga bata."
Great. Ria has a bad day. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. I somewhat feel her right now. Gusto ko sanang ishare ang gumugulo sa isip ko pero baka banatan lang nila ako ng "share mo lang?" O kaya magbuhusan kami ng sama ng loob sa isa't isa na hindi malayo ang ending, magsapakan kami dito.
BINABASA MO ANG
Against the wild fire (Castillo series #3)
General FictionDani with a nickname "Slutty" accidentally dates the man that she hates, the Congressman's son Alexandro Castillo with terms and conditions to clean their name against their scandal.