Chapter 4: The first show

227 18 0
                                    

Tanghali na natapos ang first subject ko na malapit na din pala akong ma-drop nang hindi ko nalalaman kung hindi lang binroadcast ng professor namin ang pangalan ko sa mga candidates ng babagsak, siyempre what's new na nakarinig ako ng tawanan at bulungan na hindi na talaga bago sa'kin. 

Napagod ang eardrums ko kakarinig ng mga chismis! Dumagdag pa si ma'am na pinag initan ako ng husto dahil hindi ako nakasagot sa tanong niya kanina. Feeling ko talaga isa rin siya sa mga admirers ng mokong na 'yon kaya gano'n nalang niya ako pag initan sa klase, dumagdag pa 'tong mga kaklase kong nagtawanan dahil napahiya ako. 

Pasalamat talaga sila at gutom ako at wala rin naman akong balak patulan sila, I wouldn't step so low at their level no, they don't deserve my attention anyway. Hinayaan ko nalang, hanggang sa bumula na ang mga bibig nila sa inggit at galit.

Kaya hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga mapanghusgang mata sa paligid ko, lumabas ako ng classroom, may nakasunod ng tingin at bumubulong bulong pa tungkol sa'kin. Bulong bulong pa e rinig na rinig ko naman!

"Did you guys saw their pictures together? Like what the hell is happening? Hindi sila bagay!" 

"I know! Grabe, Zandro even pat her head pa sa harap ng building ng mga PolSci! Napaka feeling naman niyang babaeng 'yan, if I know baka nilandi landi niya ng todo si Zandro at nagmakaawa just for her fame dito. Hindi talaga sila bagay, mas bagay kami ni baby Zandro no." 

"So the news when they're together inside his car was true talaga? As in they're dating for real?"

"Kalat na kaya sa Twitter! Nakita niyo na ba? May video pa niyan e!" 

"Bwisit talaga yang babaeng 'yan, di naman maganda! Maputi lang!" 

"Slutty nga e, anong expect mo di ba?" 

Lumaki ang ngisi ko, nakakatuwang pagchismisan lalo na kapag may halong inggit ang mga nasa paligid ko. I didn't received this much attention to other guys na I've dated before, ngayon lang malala, why do these stupid girls like him so much anyway? Sa Gwapo at matalino? Oo naman obvious naman 'yon, pero suplado?! Masungit? Robot?! What's there to like?

As soon as I stepped outside of the class, my friends were standing there waiting for me outside, si Rina na may malaking ngisi ang unang nakapansin at agad itong gumawa ng eksena. "Ito na pala ang reyna!" 

Naglalabasan ang ibang mga estudyante sa room dahil vacant ng ibang class, iyong iba naman ay naghihintay sa labas dahil ngayon palang ang klase nila kaya lahat ng tao sa corridor ay nakatingin lang sa'min sa pagpapapansin ng dalawang 'to!  

"Madam madam! Papicture din kami, sikat na sikat ka! Nakakarindi na ngang marinig pangalan mo!" Taina was acting so hard, tinaas taas nito ang cellphone na parang humihingi ng selfie. 

Wala sana akong balak pansinin sila kasi nakakahiya kaya lang hinila ni Taina ang buhok ko nang pabiro. "Ang haba ng hair mo madam, putulin natin saglit!" ngisi niya. 

Sinamaan ko ito ng tingin. I sighed. Why do I have this kind of friends?  

---

I was so hungry that I don't care kung kanina pa ako tinitignan ng dalawang bakla sa harapan ko, para akong patay gutom na anytime may kukuha ng pagkain ko. 

"So.." Ria while munching her food raised her brows at me habang inaayos ang salamin nito sa mata, kala mo naman bagay sa kaniyang maging kontrabida na ganiyan, chismosa pwede pa.

"What?" hindi ko mabigkas ng maayos dahil puno ang bibig ko. Nandiring tingin ang binigay sa'kin ng dalawa nang may lumabas na konti sa'king bibig. Arte kala mo naman kinaganda nila.

Against the wild fire (Castillo series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon