"Three thousand two hundred fifty six po ang total Ma'am."
Binigay ko ang card sa cashier at hinintay na matapos ilagay sa dalawang malaking paper bag ang lahat ng art materials na kailangan ko.
Malapit na ang midterms.
At heto ako ngayon at nagkanda dapa dapa para lang makaisip ng magandang gagawin para sa mga projects ko. Hindi naman sa sinisisi ko ang sarili ko sa pagccram, sadya kasi yata na mas sinisipag ako pag malapit na ang deadline. Mas lumalabas ang creative juices ko sa utak at sobrang sipag ko talagang magpanic!
Sobrang tamad at petiks lang kasi ako kapag malayo pa ang pasahan ng projects, pakiramdam ko kasi ako si superwoman na mahilig mag cram... ping.
It's Tuesday today, nataon din na hapon pa ang first subject ko ay dumiretso na ako sa mall katapos ng lunch para bumili ng mga kailangan ko sa dalawang malaking project ko ngayon.
I could feel the excitement and rush spreading in my veins as different ideas of artworks running through my mind. Hindi ko mapigilan na maging masaya.
This is what I love to do. And it happens that I need to do this to pass and to graduate, what more could I ask for? Pakiramdam ko ay nagsisimula na akong magenjoy sa buhay eskwela.
Totoo talaga na kapag mahal mo ang ginagawa mo, hindi ka mapapagod gawin ito. Kahit gaano pa ka-rush.
Pagkatapos ko sa mall ay agad akong nag ayos para pumasok sa school. Wearing my washed mom jeans and white tanked top and strappy flat heeled black sandals, I fixed my beach waved hair na ang tagal kong inayos bago maglagay ng kaunting blush on at nude lipstick.
Then I stopped what I was doing and just stared at my reflection at my big rectangular mirror with black frame.
Hindi ko maiwasang manibago sa kinalabasan ng itsura ko. I look so.. new. Like a whole different person.
I usually go with bolder makeup, red lips and all, but now with a 'no makeup makeup look'?
I bit my lip, frustrated and wanting to re-do my makeup again kaso wala ng oras at malalate ako kapag uulitin ko pa ang makeup ko!
Bakit ba kasi ang laki ng epekto ng sinabi ni tita Tin at ni Zandro na mas okay ang walang makeup?!
Fuck, bahala na nga. Like I would see Zandro today, nakapangako na ako sa sarili ko na taguan muna ang peg namin dahil ayaw ko ang kinikilos niya ngayon!
"Hoy!"
"Ay punye-- Pashnea kang Chase ka! Bakit ka ba nanggugulat?!"
Halos mahagis ko sa ere ang bitbit kong malaking paper bag sa tapik kasabay ng sigaw niya sa tainga ko, baliw.Ngumisi ito na parang wala lang pero halos tusukin ko na siya ng ballpen sa inis.
"Not sorry babe, but why are you hiding in a bush? I can still see your head even from afar you know."
Tumaas ang kilay ko, kasalanan ko bang matangkad ako sa 5'2" kong height?
Medyo napahiya akong kaunti don pero pasimple akong tumayo at inayos ang sarili. God, I suck at hiding, noong bata pa lang ako lagi akong natataya ng mga kalaro ko dahil parang tanga ako kung magtago
"I'm not hiding, may hinahanap lang ako sa halaman."
"Lame."
"Gago."
"Are you hiding from my cousin?"
Bingo. Natigilan ako saglit tsaka ito inirapan at mabilis nalang naglakad papunta sa building ng first class ko. I still need to talk to my professor about my project, at kung pwede ay agad agad ko ng masimulan ang mural sa isang orphanage na sinasabi ng prof ko.
BINABASA MO ANG
Against the wild fire (Castillo series #3)
Ficción GeneralDani with a nickname "Slutty" accidentally dates the man that she hates, the Congressman's son Alexandro Castillo with terms and conditions to clean their name against their scandal.