Hindi kami agad nakapag hiwalay ng landas ni Zandro, kahit gustong gusto ko na siyang sipain palabas ng bookstore sa masusungit na titig niya sa akin ay kinailangan niya pang tawagan ang driver ng mama niya para masigurong on the way na sila sa bahay.
He said he needs to be sure that his mom is at home already. Kahit pala siya alam niya kung gaano kapasaway ang mommy niya for her age.
I sighed habang mabilis itong tinalikuran para abalahin ang sarili sa kung anong bibilhin. Ayaw kong tumunganga habang nasa tabi siya, baka sa sobrang inis ko sa kaniya ihampas ko ang mga naka sale na libro dito.
Buong akala ko kasi hahatid niya lang ako sa National Book store, we even wasted thirty minutes para lang makasigurong nakauwi na ang mama niya. Edi sana sinamahan niya nalang talaga ako para agad na akong nakauwi. God, hindi ko alam bakit naging USC president siya kung ganito siya katanga.
I got myself busy searching for a good art materials when I noticed a bunch of teenagers making silly pacute faces while staring someone behind me. Gusto ko silang irapan.
Zandro and his damn good genes.
Seryoso nakakairita iyong mga babae dito, mukhang underage pa man din, ni hindi pa ata nireregla 'tong mga bagets! Ngayon lang sila nakakita ng gwapo? O baka walang ganoon sa school nila? Lumingon ako sa likod ko, he's busy typing something on his phone na nakakunot pa din ang noo tsk, ano ba 'yan kahit sa cellphone galit!
Kaya naman mas binilisan ko ang pag bili ng mga bibilhin ko, I carried all of them, pinatong ang mga art materials sa malaking canvas na napili ko.
"Magbabayad na ako, hihintayin mo pa ba ako?" I asked with a cold voice. I gave him a sharp look nang inangat nito ang tingin sa akin, he's giving me his typical bored look, with no emotion can be seen from his eyes.
"Just go pay." masungit nitong sagot.
I shut my eyes tightly trying to breathe hard, calming myself down.
"Then just go asshole. Mag iisang oras na tayo dito at for sure nasa bahay na ang mommy mo."
Naghintay ako ng sagot pero tinaasan lang ako nito ng kilay bago mag type nanaman ng kung ano sa phone niya. I shut my eyes so tight as I roll my eyes. God! Sobrang attitude niya! Akala mo naman siya ang api sa aming dalawa kagabi, kaimbyerna!
I was about to go pay for my things when his phone rang, mabilis nitong sinagot, it didn't even took a minute, isang tango lang ang ginawa niya habang pinapakinggan ang kung sino man ang kausap niya (probably their driver) bago ito binaba.
He then glanced at me, gusto kong matuwa finally aalis na siya! At kung pwede lang huwag na rin siyang bumalik sa buhay ko.
"Iwan na kita dito." he sure got the ball to say that.
Ngumisi ako at tumango, iyon ang pinakamagandang sinabi niya. But an idea just popped in my head. Bakit nga ba ako ang napipikon dito? Hindi ba dapat ang goal ko ay gawing impyerno ang buhay niya habang stage girlfriend niya ako?
Ngumiti ako ng matamis as I took step closer to him, gusto kong matawa ng bigla itong natigilan, staring me with those confuse shocked eyes na parang nakakita ng hindi maganda sa mata.
I bit my lip to stop myself from laughing, hanggang sa pakiramdam ko ay naiinvade ko na ang personal space niya, tiningala ko ito para makita ang mukha as I placed my hand above his chest.
Lumunok ako, alam ko na yummy si Zandro at maganda ang katawan pero shit lang, I kinda felt that his muscle on his chest just flexed right now.
"What are you doing?" may pagbabanta niyang tanong, na kung sasagot ako ng pilosopo baka ihagis niya ako palabas ng mall. Mas lalo tuloy akong ngumiti ng matamis, I love seeing him pissed by me!
BINABASA MO ANG
Against the wild fire (Castillo series #3)
Aktuelle LiteraturDani with a nickname "Slutty" accidentally dates the man that she hates, the Congressman's son Alexandro Castillo with terms and conditions to clean their name against their scandal.