Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan ni Zandro, pakiramdam ko parang sinilihan ang pwet ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa kanila.
Ni hindi pa ako nakaget over sa nangyari kanina, dumagdag pa 'tong pressure ni Zandro! Why would he bring me there? Alam ko na naging mabait siya sa akin kanina pero hindi kami close! Magjowa kami sa tingin nila pero kailangan ba talaga? Pwede naman niya akong ihatid sa amin, malapit lang naman!
We were so quiet the whole time, tanging tunog lang ng sasakyan at ang mahinang radyo ang nagsisilbing ingay sa sasakyan. Kung gaano katahimik dito, ganoon naman kaingay ang utak ko. I'm freaking out! For pete's sake, malaking t-shirt at pajama lang ang suot ko!
Mukha akong magseservice ng laundry sa bahay nila.
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na hininto na ni Zandro ang sasakyan, the car stopped in a huge garden, bigla akong pinanlamigan.
"Let's go." he said and quickly got off in the car.
Lumunok ako at dahan dahang sumunod nalang. Para akong bibitayin sa kaba habang sinusundan siyang maglakad.
I couldn't even appreciate their huge garden field with plants, napansin ko ang ilang basag na paso at nakathigang mga halaman na dinadaluhan ng mga kasambahay para ayusin; and their american style mansion God.. oo na! Malaki, maganda at puro puti na madaming salamin ang nakikita ko. It's a very modern mansion, na nakikita ko madalas sa IG at Pinterest.
Inikot ko pa muli ang tingin ko at doon ko lang napansin ang mga nasa limang kalalakihan na nasa gilid ng malaking gate, ang iba ay nasa ibang parte ng kabahayan. I don't need to guess who they were. I think they're the bodyguards for the Castillo family. Huh, perks of growing up in a Policitical clan.
I heard the door being opened, napalingon tuloy ako agad sa likod ni Zandro, he opended their huge door at tuloy tuloy lang sa pagpasok, ni hindi man lang lumingon sa akin! I was stuck on their front door, not knowing what to do, papasok din ba dapat ako? Aba ni hindi man lang kasi nagyaya!
Sinamaan ko ng tingin ang likod niya nang bigla itong huminto sa paglalakad. He then glanced at me, napaangat ako ng kilay, babalikan ako? Zandro sighed as he started to walk towards my way, ngumuso ako, babalikan nga.
I felt him grabbing my arms lightly at walang salitang hinila ako papasok ng bahay nila. Bigla ay para akong tuod na nakasunod lang, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang any time pwede siyang lumabas sa ribcage ko ah!
There were maids scattered inside their house, some of them sweeping the broken figurines and vases, nakita ko na ang dami palang mga gamit na nabasag, sayang!
"Where's mom?" Zandro asked one of the maid na medyo bata bata pa at nang huminto kami sa harap nito ay pasimpleng inayos ang buhok na pasimple pang nagbblush! I want to roll my eyes.
"Nandun po sir sa may dining" nakanguso ang manipis na labi na parang pinapalaki nito at hindi ko alam kung maliit talaga ang boses niya dahil parang inipit na manok sa sobrang liit at pasimple akong sinulyapan ng matalim na titig. Wow.
Zandro pulled me again with him, nakita ko pa ang pagsimangot ni ate girl sa paghawak ni Zandro sa kamay ko, tinaasan ko siya ng kilay.
Inis ka ghorl?
"Zandro dear! My God! You're safe! Mabuti naman-- Daniella iha.. okay ka lang ba? Kayo? Wala bang masamang nangyari?" bumungan saamin ang nagaalalang Mrs. Castillo na may bitbit na.. gitara?
"Okay lang po kami Mrs. Castillo--"
"Hay nako I told you to call me tita Tin hindi ba?" she smiled, more like a grin to me, hindi talaga bagay sa mama ni Zandro ang warm smile, wala kasi sa itsura niya ang pagka inosente, mukha talaga siyang pilyang bagets sa akin.
BINABASA MO ANG
Against the wild fire (Castillo series #3)
Fiction généraleDani with a nickname "Slutty" accidentally dates the man that she hates, the Congressman's son Alexandro Castillo with terms and conditions to clean their name against their scandal.