Chapter 6: Lunch, mom

239 12 1
                                    

Hindi ko naman gustong gumawa talaga ng eksena doon. I was planning to have a freaking peaceful night, until Zandro happened, simula nang dumating siya sa buhay ko parang lahat ng galaw ko agaw eksena na sa iba. 

At sino bang may kasalanan kung bakit nabulabog ang bar sa amin? He freaking carried me without my permission! Halos maputol na ang ugat ko sa lalamunan kakasigaw at pagwawala sa mga kamay niya hanggang sa masakay ako nito sa sasakyan niya na parang nagbuhat lang siya ng bata! This asshole! 

"Ang bigat mo." reklamo niya pa parang kasalanan ko kung bakit niya ako binuhat!

"Ano bang problema mo?!" inis kong sigaw nang pabagsak ako nitong pinasok sa front seat. Akala niya ba laruan lang akong pwedeng ihagis ng ganoon? 

He didn't answer, instead, pabagsak niyang sinarado ang pinto at halos tumakbo sa driver's seat at pinagana ang sasakyan.

"Sumagot ka 'pag tinatanong kita!" 

His jaw was clenching, it's moving probably dahil nagpipigil din ito ng inis sa'kin. "I told you not to do anything that could stain your name and mine!" 

"What?! How is drinking with my friends become an issue here?! Nadungisan ba? May nilandi ba ako?!" 

"You're flirting with my cousin!" kalmado pero sobrang diin nitong akusa, his face spells annoyed, wala naman nagbago, parang parati itong bwisit sa mukha ko. 

Suminghap ako, at di makapaniwalang tinignan ito at pinandilatan ng mata. "I am not flirting with Chase! Nakita mo bang naghalikan kami?!  Chase and I are friends idiot!" 

"You're whispering too close to him." 

I rolled my eyes at tumingala as I bit my lip trying to hold my last thread of patience I have. God he's so impossible! "Anong klaseng bulong ba ang alam mo? 1 meter apart ba dapat? Hindi na bulong 'yon!" 

"It doesn't matter what kind of whisper was that Daniella, as long as you are on the limelight here and the news is still hot yet in the eyes of others, they will still think the same way as they think of you, noon at ngayon even if we show them that we're dating already. They will try to make some dirt on us especially now that we're showing them that you're my girlfriend!"

Pumikit ako ng mariin. "It doesn't mean that I am flirting with your cousin! Did you saw us kissed ba?!" 

"It doesn't matter if you fucking kissed that guy or not! As long as you're close to other guys and have an intimate gesture with them, it will look like you're flirting!" 

"God! You're impossible! Napaka lumang tao mo naman sir! Hindi ba pwedeng magbulungan lang?!" 

"No. Especially when you are under my name Daniella. You just can't do that to other guys.. anymore."

"So I can't be friends with any guys ganoon ba? At sino nalang ang kakausapin kong lalaki? Ikaw?!" 

"Yes! Exactly!" he blurted out. Nanlaki ang mata ko as I stared at him with disbelief, nakita ko kung paano ito natigilan sa sinabi niya at marahas na huminga.

Pareho kaming naghabol ng hininga. Ako sa sobrang sigaw at bilis ng pananalita, at siya na pilit kinakalma ang sarili. 

I bit my lip, frustrated because I can't see his point right now and it feels like even if I explained everything to him, hindi rin siya makikinig! 

Hindi na rin kami nagusap pa matapos noong huli niyang sinabi. I don't even know how to freaking won against his stupid reasons right now kasi kasing tigas ng bato ni Darna ang kokote niya. So all along the ride, hanggang sa makapag park ito sa labas ng gate namin ay wala kaming kibuan.

Against the wild fire (Castillo series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon