Chapter 15: Tears

97 7 4
                                    

"That's all for today, please do not forget to bring scientific calculator on Friday, walang calcu, di mag qquiz. Are we clear?" said the lady wearing thick black rimmed glasses as she was fixing the HDMI connector putting it in her laptop bag.

I almost sighed loudly in relief, shet! Favorite word ko talaga ang "That's all for today" nilang mga prof, especially in this subject! Aminado naman kasi akong di ako matalinong tao, nakakaintindi naman ako ng mga lessons pag sinisipag o nasa laylayan na ng singko ang grades but Trigonometry in college? MATH?

Kahit sipagin ako at pakinggan ang lectures ni Ma'am, parang humihiwalay ang braincells sa katawang lupa ko. Gano'n kalala ang takot ko sa numbers, nanghihigop ng grades!

Mabilis na akong tumayo at nilagay ang shoulder bag sa balikat ko, I was walking my way out of the class kasabay ng ibang mga kaklase nang bigla akong tawagin.

"Ms. Daniella Ong?"

Bigla akong kinabahan nang makita ko ang prof namin na nakatingin sa akin, nasa platform pa din pero nakaayos na ang mga gamit.

Hilaw ang ngiti ko nang lumapit sa table niya. Shit, hindi ako madalas matawag sa klase na to kasi madalas akong absent, but I couldn't afford to cut class now dahil nasunog ko na ang 10 allowed absents dito!

"Yes po?" kasing inosente ng sanggol ang boses at itsura nang makaharap ko na ito.

Dalawa lang ang dahilan kung bakit ka tatawagin ng prof mo after class. Ang una ay ikaw ang gusto ng prof sa klase at sasabihan na wala daw siya next meeting o malalate kaya ikaw ang aatasan na mangolekta ng assignments o magpapa acitivity siya that day kaya naman sasabihin niya sa'yo ang gagawin kasi professor's pet ka nga.

Pangalawa, ...

"I'm going to be honest with you about your grades, ang baba lahat ng activities at quizes mo this midterm, may lima ka pang zero sa activites at dalawang zero na quizzes dahil lagi kang absent."

She sighed, fixing her glasses. Dismayado itong tumingin ulit sa akin.

"You're turning 4th year next semester. I know the stress of graduating students, may thesis ka pang ipapasa and of course other subjects for 4th year. But I'm afraid if you keep getting failing grades for me, mag eextend ka pa ng one sem."

Nanigas ako. I don't even know why I blinked several times as I racked my brain with ideas to beg this professor not to do that. No I can't extend another sem just for this damn Trigo!

"Is there anything I can do para lang mabawi ang grades ko Ma'am?" I don't want to extend in college, halos isuka ko na nga ang course ko dahil hindi ko naman talaga gusto ang business course pero napilitan lang dahil sabi nila hindi ako mahihirapang makakuha ng trabaho!

I watched her in despair, fixing her thick black rimmed glasses, she stared at me worriedly and sighed.

---

Tulala akong umupo sa mahabang bench sa harap ng building namin. I stared in front of the students walking around the huge soccer field, halos mayupi ang hawak kong coke in can sa kamay sa sobrang higpit ng paghawak ko rito nang maalala ang sinabi ng matandang dalagang professor kanina sa akin.


"You can pass the subject if you answer all your missed activities in your textbook. If you can, and finished it then pass it to me next Monday."

Gusto kong matawa, ni hindi ko man alam na may textbook sa subject niya! Anak ng--

Higit sa lahat, Thursday na ngayon! Paano ko masasagutan lahat ng missed activities ko hanggang Monday?! I have other subjects to worry about, hindi lang ako dito nanganganib bumagsak, pambihira si Ma'am, feeling Major!

Against the wild fire (Castillo series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon