#Chapter1

634 10 0
                                    

#Chapter1

Kiana's POV

"Kiaaaa"

"Oh? ang aga aga sumisigaw ka problema mo ba?"

"Good morning hehe" inirapan ko nalang si Joy palibhasa late kaya nagkaganyan

"Pinapatawag ka ng ating pinakamamahal na boss"

"Galing ka don?"

"Yes, hindi ako late, kinausap niya lang ako"

Di ko na siya sinagot at pinuntahan ko ng boss namin.

Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina niya.

Bumungad naman saakin ang boss namin na may kausap sa telepono kaya tahimik lang akong tumayo sa tabi ng lamesa niya.

Binaba niya naman yung tawag at pinapaupo ako.

"Good Morning Ms. Kiana"

"Good Morning po Sir"

"Wala ka bang project ngayon?"

"Uhm, katatapos ko lang po gawin yung project sir bakit po?"

"May nag contact saaking isang entertainment company they need an extra producer" tumango lamang ako sakanya.

"Isang project lang naman, doon ka sakanila mag tatrabaho pagkatapos ng project pwede ka ng bumalik dito."

"Ganon po ba? okay po kailan po ba ako mag sisimula?"

"Bukas pero kailangan mong pumunta don mamayang hapon maasahan ba kita?"

"Of course sir" may binigay naman itong papel.

"Andiyan nakalagay ang contact number at address ng pupuntahan mo" sa pag basa ko parang naubusan ako ng hangin sa katawan.

"Are you okay?"

"Sir? totoo to?"

"Yes Saturn Entertainment" ngumiti naman ito saakin kaya binalik ko ang atensyon ko sa papel na hawak ko ngayon.

"Naalala ko nung nag aapply ka ng trabaho saakin, Saturn Entertainment is your dream right? kaya ikaw yung pinili ko"

"Oh ghad! sir you're the best!"

"Hahaha please be good girl there okay? wag mo kong eh dissapoint okay?"

"Of course sir! thank you talaga"

"Makakaalis ka na" tumayo naman ako at ngumiti sa boss ko.

Lumabas ako ng opisina niya na may ngiti sa mga labi.

Saturn Entertainment is not big company like the big three but this company is what I really dream simula nung nag aral ako ng media arts.

Saturn Entertainment isang kompanya na nag proproduce ng music, movies and theatre na sobrang ganda not only that sa lahat ng kompanya sa industriyang ito ito lang ang talagang marami kang makukuhang aral.

I never expect na makakapasok at makatrabaho pa ako sa kompanyang yun. Pero ito ako! sobrang saya ko.

Syempre aayusin ko ang pag tatrabaho don para di ma dissapoint yung boss ko at syempre yung CEO ng Saturn Entertainment.

Dumating na ang pinakahihintay ko ang hapon kung saan pupunta ako don para kausapin ang CEO o sino pa yung nag tatrabaho don.

Ng makarating ako sa building ng company tinitigan ko muna ito bago ako pumasok.

Lumapit naman ako sa information desk.

"Good Afternoon Miss, may I know who you are? at may appointment ka po ba dito?"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon