#Chapter15

69 2 0
                                    

#Chapter15

Kiana's POV

Lumapit naman yung manager nila.

"May Fansigning pa kayo after 1 hour kaya magpahinga muna kayo" -Mark

"Okay" -Carson

"Kaya pala nag retouch yung mga stylist niyo sainyo kanina dahil may isang schedule pa kayo" -Ako

"Kaya nga eh" -Van

"Mag pahinga na kayo makikita niyo na yung fans niyo mamaya kaya dapat may energy kayo" -Ako

Sabay sabay naman kaming umakyat at nag hiwa hiwalay ng landas para dumiretso sa mga sarili naming studio.

Pero hinila ako ni Aedyx at dahil magkatabi lang yung studio namin kaya di agad napansin ng myembro niya.

Pumasok kaming dalawa sa studio niya.

Okay first time kung pumasok dito. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong kwarto.

"amoy panglalaki at yung design ng studio mo masyadong panglalaki"

"Mas matakot kang maging amoy babae to dito, ikaw lang naman ang pinapasok ko ditong babae, okay lang saakin yung amoy mo yung buong paligid"

"Tsk, ewan ko sayo" umupo naman ako sa sofa niya.

"Bakit mo ba ako hinala dito? wag mong sabihin na gusto mo ulit akong masolo kanina ka pa ah"

"bakit ba? sa gusto ko eh at isa pa hindi ka naman pumapalag eh, may pag uusapan lang naman tayo eh"

"Ano ba pag uusapan natin?"

"Hayaan mong protektahan kita" kumunot naman ang noo ko.

"Pinagsasabi mo?"

"Hayaan mo ko, ayokong pagkagulohan ka at alam kong may sinabi sayo si Boss na pag ginawa mo mawawalan ka ng trabaho ayoko ng ako yung rason bakit masisira ang career mo, hayaan mo kong eh deny kita sakanila hayaan mong itago ko yung identity mo, hayaan mo kong magsinungaling sakanila"

"Ano ba pinagsasabi mo diyan"

"Ikaw kasi yung tinutukoy ko kanina sa interview"

"I know, di ako tanga at isa pa okay na yun saakin no?"

"Akin ka na?"

"Sinuswerte ka"tumawa naman ako sakanya.

"Seryoso kasi eh"

"Seryoso din naman ako ah? at isa pa alam mong gustong gusto kong mag trabaho dito kaya saka na, kung makakapag hintay ka, kahit naman may gusto ako sayo uso din naman pakipot ah?"

Nagiging komportable na po ako sa lagay kong to ngayon, sa pag uusap namin ni Dyx kanina habang kumakain bumalik yung pagiging komportable ko sakanya di ko alam pano niya ginawa yun, kaya ito ako ngayon lakas kung makabitaw sa mga salitang yun.

Tumabi naman ito saakin at sinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Napagod ka don?"

"Hindi naman"

"Ginisa ka eh, talagang gustong gusto nilang malaman kung sino yung babaeng inspirasyon mo"

"Kahit anong gawin nila ayokong sabihin no? at isa pa gusto ko lang tayo tayo lang yung nakakaalam, pero kahit ganon akin ka lang"

"Baliw" tumawa naman ako ng mahina sakanya.

"Sayo"

"Pano ba yan? may fansigning kayo? alam kong tatanongin ka din ng fans niyo"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon