#Chapter16

73 4 0
                                    

#Chapter16

Kiana's POV

Pumasok naman ako ngayong araw nato na may ngiti sa labi.

"Good Morning!" bati ni Van saakin

"Bakit ikaw lang?"

"Nauna na sila saakin eh"

"Ganon"

"Oo bakit may pangiti ngiti ka ngayong araw nato ah?"

Pumasok naman kami sa elevator.

Naalala ko naman yung nangyari kagabi

-Flashback-

"Pwede ka bang maging akin?" narinig ko naman ang pag ubo niya kaya napatingin ako sakanya ng wala sa oras, nakatingin ito na may gulat sa mata.

Kinuha ko naman yung mineral bottle binuksan at binigay sakanya. Hintay ko namang mahimasmasan siya.

Napangiti naman ako ng wala sa oras sa naging reaksyon niya.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" tumawa naman ako ng makitang namumula siya.

"Ngayon tinatawanan mo ko, alam mo bang palagi kong iniisip na gusto gusto kitang makasama, gusto kitang maging girlfriend tapos ito ka bigla bigla mong tinatanong na pwede mo ba akong maging sayo tapos tatawa tawa ka diyan"

"Kaya nga tinatanong kita"

"S-seryoso?"

"Ewan ko sayo wag nalang"

"Ano ka ba dapat ako nag tatanong non pero dahil pinangunahan mo ko, syempre oo ako diyan"

Ngumiti naman ako sakanya na umiiling, pinagpatuloy ko yung pagkain ko.

Joke lang kasi yung papatagalin ko pa eh, total nakikita ko naman sakanya na talagang tinatago niya ako prinoprotektahan ako at parang wala namang issue sa fans nila bakit hindi? kay boss nalang talaga.

"Talaga? seryoso ka don?"

"Oyyy ano ba sagotin mo ko?"

"Ayaw mo? madali lang naman akong kausap eh"

"syempre gusto, naninigurado lang ako"

Tumahimik naman kaming dalawa pero di rin nag tagal nag tanong ulit siya.

-End of Flashback-

"Hello my Mae to the earth?"

"Huh?"

"Ano ba meron? di mo ko sinagot tapos ngumingiti ka diyan na parang may naalala na nakakatawa"

"Wala" lumabas naman ako sa elevator at nakita ko si Dyx ngumiti naman ako sakanya pero sinimangotan naman ako at tumingin ng masama kay Van.

"Trip mo?" tanong ni Van.

"Bakit kayo magkasama?"

"Nagkita lang kami sa lobby Dyx"

"Saan ka naman pupunta?" -Van

"Kay boss"

"Good luck" -Van

"Babalik din ako" ginulo niya naman ang buhok ko at nag wink.

Inayos ko naman yung ginulo niyang buhok ko.

"Pati din siya parang good mood, ano ba kasi meron sainyong dalawa?"

"Wala nga"

"Bahala kayo, malalaman ko din yan alam kong yan si Aedyx di marunong magsinungaling pag tinanong" nag walk out naman ito pero lumiko ng makitang mali pala yung daan natatahakin niya, kaya napatawa ako ng mahina at umiling.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon