#Chapter7

136 5 0
                                    

#Chapter7

Aedyx POV

"Ano plano mo Ae?!" bulong ni Michael

Bakit ba parang sobra silang allergic sa mga babae? no scratch that I mean allergic sila kay Kiana? di ko talaga maintindihan.

"Ihatid niya daw mamaya yiee haha" singit ni Van

"Alam mong rehearsal natin pinapahintay mo pa yung babae"

"mag simula na tayo para maaga matapos"

"May lakad pa kasi kaya gustong maaga matapos" di ko nalang pinansin si Frans at humarap sa kanilang lahat.

"Formation na bilis!"

Agad naman itong pumwesto sa mga lugar nila, dahil andito ang choreographer ng grupo, pumwesto na din ako sa lugar ko at ng mag simula ang music bigay todo ako, di dahil nag papa impres kay Kiana kundi sa choreographer namin sana ganon din ang ibang myembro.

Pero bigla namang napatigil yung pagsasayaw ko ng tumigil ang tugtog, kaya napatingin ako sa choreographer namin.

"Pag tinaas yung kamay talagang taas, pag tumalon talagan tatalon but know your formation, kung ano yung tinuro yun ang gawin, again"

Bumalik naman kami sa una naming pwesto, at sumayaw ulit. Pero di rin nag tagal bigla nalang ulit tumigil kaya tinignan ko ng masama yung mga kasamahan ko.

"Know your spacing and your position, again" komento ulit ng choreographer namin.

Bumalik kami sa mga pwesto namin.

"Ang strikto lang ng teacher natin Ae chill di namin kasalanan yun" rinig kong bulong ni Frans pero narinig ko pang tumatawa sila.

Di nalang ako umimik at nag simula ulit kami, para kaming sirang plaka na paulit ulit lang sa pag sasayaw, nasisiyahan din naman itong mga kasamahan ko sa pinag gagawa nila pero ako hindi.

Ng maramdaman naming lahat ang pagod sa pag paulit ulit naayos na din ang first round ng practice.

Tangina kailangan pa bang mapagod kami bago sila umayos, inayos ko natong mga to alam na nila ano mga dapat posisyon at formation pero bakit ganito talagang sinasagad nila pasensya ko? Alam ko naman na alam na nila ang lahat, sa ilang gabi na naming ginagawa to di pa ba nila ma perpekto mukha nila nakakaulol

Napahiga naman ako sa sahig ng binitawan ng choreographer namin ang salitang break.

Tinabihan naman ako ng mga walang hiya kong mga kasamahan. Sabay sabay kaming humahabol sa mga hininga namin.

"Mga tangina kayo" sabi ko sakanila

"Di lang ikaw ang napagod putik bakit ba puro kayo kagagohan?" tanong ni Michael

"Masaya pero nakakatakot din at the same time tignan si Ae eh" -Van

"Kaya hindi ka pinapasali sa dance line eh dahil sa kagagohan mo" -Frans

"Ayokong maging main eh kaya chill lang ako" sabay tawa niya pa napailing nalang ako sakanya habang si Frans dinaganan niya ito.

"Parang hindi ka din nakikisali sa kagagohan ko kanina, sarap na sarap ka pa sa pag ngiti mo habang si Ae parang gusto ng pumatay"

"Okay!, let's practice again this time make it perfect guys, akala niyo di ko napapansin, try to be serious bukas na yung shooting niyo."

Agad namang dumapo yung tingin ko sa dalawang isip bata sa grupo namin ngumiti naman ito saakin na parang hindi napagod at walang ginawang kalokohan.

"Go to your formation na"

agad kaming sumunod sa sinabi niya at nag simula at dahil sa kalokohan ng mga kasamahan ko pinaulit pa kami ng ilang ulit bago kami binitawan ng choreographer namin.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon