#Chapter30

78 2 0
                                    

#Chapter30

Kiana's POV

"Umuwi na tayo Dyx alam mong may rehearsal ka pa bukas at concert niyo na"

"Okay lang naman eh, ngayon nalang ulit kita masolo eh"

"Ang kulit kulit mo talaga"

Andito na kami ngayon sa Mindanao sa Davao kasi yung simula ng concert nila tapos non ang huli ay sa Manila bago sila mag world tour.

At dahil wala na akong ginagawa ulit! ito ako napilit niyang isama, narelease na yung solo album ni Michael at nabigyan na naman ako ng parangal galing sa Apollo Company, hinding hindi talaga nila ako nakakalimutan.

At ito ako ngayon pinipilit si Aedyx na bumalik na sa hotel dahil kakabalik lang nila galing sa rehearsal ito siya tumatakas kasama ako.

"Hindi ka ba talaga pagod Dyx?" pag alala ko sakanya.

"Hindi promise"

Bukas ng umaga may final rehearsal sila at mic checks at bukas na din ng gabi yung concert, dapat talaga nag papahinga ito eh.

"Wag mo na akong alalahanin Kiana baby, okay lang talaga ako hindi naman kasi ako nag pagod sa rehearsal ngayon eh"

"Pero kailangan mo kasi ng maraming enerhiya para bukas eh"

"I'm fine really, halika na, gusto kong maranasan mag lakad lakad dito"

"Pag talaga ikaw dinumog na naman"

"May tiwala ako sa fans namin kaya wag kang mag aalala"

Lumabas naman kaming dalawa sa kotse at hinawakan niya naman yung kamay ko.

Nakita ko naman na nakaagaw kaming dalawa ng atensyon pero walang sino man ang lumapit saamin, hangang kuha lang sila ng video o litrato at tingin.

"Alam mong matao yung night market bakit dito mo pa naisipan mag date tayo?"

"Gusto ko nga maranasan mag lakad lakad dito eh"

"Ikaw lang naman ang inaalala ko pag nadumog tayo may concert ka pa bukas"

"Bakit may lumapit ba saatin?" umiling naman ako sakanya, ngumiti naman ito saakin at hinalikan ako sa noo.

"Kumain muna tayo? tapos aalis din naman tayo sabi kasi nila na masarap daw dito kumain"

"Sinong sila?"

"Yung mga babies ko"

"Babies?"

"Yung fans ko po"

"Talaga nag tanong ka sakanila kung saan masarap kumain?"

"Oo, sabi nila dito daw kaya naman kakain lang tayo tapos aalis din naman tayo dito eh baka kasi pag di nag tagal di na sila makakatimpi at talagang lapitan na tayo" tumawa naman kami dalawa ng mahina.

Nag hanap naman kami ng makakainan, hanggang sa nakahanap kami, kumain lang kami ng tahimik pero naiilang akong kumain dahil sa mga taong naka paligid saamin.

Nakita ko naman ang pag ngiti ni Aedyx saakin na parang hindi niya nakikita sa mukha ko ang pagkailang.

Ng matapos kami nag bayad na siya pero hiningian pa siya ng autograph sa tindera, binigyan niya naman ito ng walang pag alinlangan, at hinawakan niya ang kamay ko at umalis na kami sa lugar na yun.

"Okay ka lang ba?" tanong niya saakin sa pag sakay namin sa kotse, tumango ako bilang sagot niya.

"Natitiis mo yun?"

"Ang alin?"

"Yung habang kumakain ka may nakatingin sayo?"

"Nasanay nalang ako don eh ilang ulit na kaming tumatakas nila Van noon para kumain lang sa mga ganong klaseng lugar, gustong gusto kasi naming maexperience yun kaya sa tuwing tatakas kami, ganon nalang lage ang scenario"

Nag hanap naman siya ng pwedeng maipark yung sasakyan, ng maipark na niya ng maayos, ngumiti ito saakin at sabay kaming lamabas sa kotse.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at naglakad lakad kami nilibot naman buong park hanggang sa mapagod kami at umupo sa isang bench.

"Naalala mo ba nung dinumog tayo sa Japan?"

"Uhm yeah"

"Alam mo nung makita kitang nahihirap, sobrang galit na galit ako sa mga fans na dumumog saatin" hinalikan niya naman yung kamay ko, nilingon ko naman siya pero nakaupo na pala ito paharap saakin.

"Makakasakit na siguro ako ng tao baby kung mauulit pa yun"

"Wag mo ngang gawin yun, alam mo ang magandang solusyon para di na maulit yun ay ang umiwas nalang tayo"

"Pero kasi gusto ko padin maranasan mong mag date na hindi patago, kaya nga pinakilala kita sa buong mundo para hindi tayo patagong mag dadate"

"Hayaan mo na, di na siguro mauulit yun"

"Sana nga, wala na talaga akong pakialam sa kung ano mangyayari saakin pag pumatol ako Kia, ayaw ko lang makita kitang nasasaktan dahil sa mundo ko" bumilis naman ang tibok ng puso ko sa naririnig ko ngayon kay Aedyx, ito na ba yung tinutukoy ng CEO nila?

Umiling naman ako sakanya

"Wag mo ngang hayaan masira ang career mo para lang saakin ano ka ba"

"Ayokong makitang nasasaktan ka Kiana, mas okay na yung ako ang dumogin kaysa sa ikaw, okay lang saakin yun dahil sanay na ako pano naman ikaw? hindi eh"

"Hanggang ngayon may galit pa ako sa mga staff na hinayaan ka eh, yung mas inaalala nila ako, na dapat akong lumabas sa VIP exit at iwan ka don sa public exit, at mas inaalala nila ang kalagayan ko kaysa sa sayo na ikaw yung mas na nadumog"

"Syempre priority ka nila, di naman ako artista Dyx para dumogin eh"

"Pero dinumog ka nong nasa Japan, at nag bitaw pa talaga sila ng mga masasakit na salita sayo"

"Talaga? di ko alam yun"

"Kalimutan nalang natin yun"

"Yeah kalimutan na natin"

"Basta hindi ka lang masasaktan okay lang ang lahat"

"Handa ko naman kalabanin ang lahat para sayo"

"Wag ka ngang mag salita ng ganyan"

"Totoo naman eh"

"Ewan ko sayo"

"Sabihin mo nga saakin Kiana Baby, napuwing ka ba talaga nung last week?"

"Ang kulit mo oo nga kasi ilang ulit mo na tong tinatanong saakin eh"

"Eh may parte kase saakin na ayaw maniwala eh parang may malalim na rason bakit namamaga yung mata ko, for sure umiyak ka tapos yung rason di ko alam"

"Sabing napuwing lang ako non eh nagiging makulit ka na naman ah?" ngumiti naman ito, lumapit naman saakin at niyakap ako at siniksik yung mukha sa leeg ko.

"Gusto mo na bang umuwi na tayo Dyx? para makapag pahinga ka na"

"Ikaw yung nagiging makulit eh sabing hindi ako pagod at okay lang ako"

"Di ko naman sinasabing hindi ka pagod ang akin lang ay yung para marami kang enerhiya bukas."

"Ayaw ko"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon