#Chapter6

171 6 0
                                    

#Chapter6

Kiana's POV

Nag patuloy naman yung recording session sa side track, may mga maliit na problema man agad din namang na sosolve sa pangalawang pagkakataon.

Napangiti naman ako ng matapos ang lahat. Tumayo naman ako ang nag stretch ng braso.

Wala naman akong trabaho dito actually taga tingin lang at bigay ng maliit na opinyon ganon lang wala talaga akong tulong sakanila.

Ewan ko ba kailan ba talaga ako magkakatrabaho nito.

"Let's go dinner?" napaayus naman ako ng tayo ng may magsalita sa tabi ko.

"Dinner?" tanong ko kay Aedyx

"Yeah, it's past 7 na kaya"

"Ano? di man lang ako nakaramdam ng gutom?" lumingon naman ito sa kinauupan ko kanina.

"Di nga ba?" sinundan ko yung tingin niya, yung mga wrapper ng mga pagkain namin ni Mrs. Ami pala yung tinitignan niya.

May pumasok dito kanina na may dala na pagkain syempre grasya sayang naman kung lalangawin lang at syempre swerte yung langaw kung ganon.

"Akala ko break lang yun"

"Yeah break and now it's dinner time so let's go? let's grab something to eat?"

"Okay?" hinawakan niya naman ako sa pulsohan at nag simula na siyang maglakad at ako naman pilit na ding nagsimula dahil nahihila niya ako.

"Di ka naman halatang gutom diba?"

"Nope, baka kasi di ka sumama saakin at ayoko nga yung binubuntotan mo lang ako."

"Okay sasabayan na kita, bitawan mo lang ako" tumigil naman ito sa paglalakad at binitawan ako. Tumabi naman ako sakanya at sabay kaming nag lakad.

Ng makarating kami sa canteen dumiretso naman kami sa mga pagkain, nang makita ko yung mga pagkain doon ko pa naramdaman ang gutom ko.

Kumuha naman ako ng pagkain ko at umupo sa vacant table, kaharap ko naman itong sa Aedyx.

"May Boyfriend ka na?" napaubo naman ako sa sinabi niya, binigyan niya naman ako ng tubig, ano ba to? bat agad agad? nang mahimasmasan ako tumingin naman ako sa kaharap niya para naman itong walang tinanong dahil sa sobrang komportable niyang kumakain at tumingin sa akin na parang inosente.

"Mukha na ba talaga akong may asawa na? or boyfriend? kahit sino sainyo yan din ang tinatanong"

"Kahit sino naman dito na babae may asawa na kaya tinatanong ko lang uhm pero except sa mga stylist at make up artist, minsan sakanila single, hinayaan lang din naman ni boss dahil minsan lang yung mga yun mag pakita dito"

"Talaga bang nasa rules niyo yung dapat may asawa na yung mga babaeng trabahante"

"Yeah sabi ni boss for safety lang ayaw na ayaw niyang may madidistract isa sa mga artista niya kaya ganon"

"Bakit yung mga lalaking trabahante?"

"Di naman ganon karami yung mga babaeng artista namin kaya okay lang, actress lang talaga yung mga babae namin dito, medyo strick din ang department don I don't know the rules"

"Naalala ko nanaman yung distraction na salita"

"Bakit anong meron don?" umiling naman ako sakanya.

"Let me guess? my members? siguro because of me? kaya nila nasasabi yun"

"Bakit?"

"because, the way I acted infront of you and then forgeting my responsibilities that day"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon