#Chapter35

105 2 0
                                    

#Chapter35

Kiana's POV

Huminga naman ako ng malalim at lumabas na ng airport.

Napangiti naman akong nilibot yung paningin ko.

"Kia!" kumayaw naman ako sakanya, at tumakbo ito palapit saakin at niyakap ako.

"Joy kamusta ka na"

"Okay lang ako syempre! ikaw? kamusta na? kung di ka pa pinauwi ng kompanya di ka siguro uuwi no?"

"Syempre uuwi ako pero hindi ganito kaaga"

"Aba, sus! halika na nga, may naghihintay din sayo"

"Mae" agad din naman akong niyakap ni Van ng makita ako, naka sumbrero at naka mask pa talaga siya ah.

"Van" niyakap ko din siya pabalik.

"Buti naman naisipan mong umuwi dapat ka lang umattend ng kasal ko no"

"Syempre kailangan ko ng makilala si Zyren sa personal hindi lang puro kwento mo"

"Pero makikita mo siya"

"Oh tapos?"

"Okay lang sayo?"

"Alam mong sobrang miss ko ng makita kayo sa personal kaya okay lang yun no"

"Bahala ka sinasaktan mo sarili mo eh"

"Ewan ko sayo tara na" tumango naman silang tatlo at umalis na kami sa airport.

"May individual interview kami ngayon Mae kaya di na ako magtatagal dito sa condo mo ah"

"Umalis ka na nga naghahanap ka pa ng palusot para hindi ako matulongan akong maglinis dito"

"Totoo kasi panuorin mo pa mamaya"

"Ewan ko sayo"

-

"Ano ba nagpapasaya sayo ngayon?" -interviewer

"Uhm, yung fans? wala kasi akong specific na makita eh hahaha, yung fans nga siguro dahil sa tuwing nakikita ko silang masaya, nagiging masaya na din ako" -Aedyx

"This past 2 years ang daming scandal mo pano mo naman ito nakayanan?"

"Yung mga members ko hindi talaga nila ako sinukuan, kahit pa ganon sinamahan padin nila ako through thick and thin, that's my they're my other half" -Aedyx

"Alin ba sa mga scandal mo ang totoo don? diba kaliwaan yun at di na namin alam kung saan ang totoo don"

"Walang totoo don, I mean kung meron man kay Kiana at akin lang naman yung totoo eh"

"Speaking of Kiana, di ka namin nakausap about sa break up natin, ano ba talaga ang nangyari sainyo dalawa?"

"Masaya naman kami noon eh, pati ako hanggang ngayon di ko padin alam anong totoong rason bakit siya nakipag hiwalay"

"Pero ano sa tingin mo bakit siya nakipaghiwalay?"

"May nag tulak sakanyang makipag hiwalay saakin at alam kong sobrang lalim nung rason na yun kaya nagawa niya akong saktan but who knows, only Kiana and the person behind only know the real reason"

"Hanggang ngayon ba mahal mo padin si Kiana?"

"2 years na ang nakalipas, at hanggang ngayon hindi ko pa siya nahahagilap, hindi ko na din naman tinangkang hanapin pa siya."

"May solo schedule ka ba ngayon?"

"Sa ngayon meron isa lang naman yun hahah"

"Pwede ba namin malaman yun?"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon