#Chapter26

66 2 0
                                    

#Chapter26

Kiana's POV

"Sir naman eh, sabi ko naman sayo na okay lang naman ako" tinawagan ko agad yung Apollo Company ng mabasa ko yung article nila.

"Walang ginagawang aksyon yung kompanyang pinagtatrabahoan mo ngayon, I'm here to defend you after all under ka naman ng kompanya ko ah"

Binuksan ko naman yung pinto ng hotel room namin, bumalik agad ako dito dahil tinawagan ako ng boss ko sa saturn company na cancel yung trabaho ko dito at dahil narin sa wala akong tulog.

"Sir naman, nag bigay na po ng statement yung Saturn Entertainment"

"Oo nga pero yung prinoprotekhan lang naman nila ay yung artista nila, kaya kami nalang proprotekta sayo"

"Sabihin mo lang kasi na gusto mo na akong bumalik" tumawa naman ako ng mahina.

"Yeah you're right, by the way ibaba ko na may meeting pa ako ngayon"

"Sige po thank you" ngumiti naman akong binaba yung tawag.

"Sino yun?" napatalon naman ako sa gulat, ng bumungad sa harap ko si Aedyx na kaliligo lang at kasalukuyang nag totoothbrush ngayon, umikot naman ang mata ko at tinalikuran siya at umupo sa sofa.

Narinig ko naman ang pumasok siya ulit sa cr at tinapos ang ginagawa.

Agad naman itong lumapit saakin.

"Sino yun Kiana? sino yung gusto ka lang bumalik sakanya? bakit may patawa tawa ka pa? ngumingiti ka nung binaba mo yung tawag pero nung makita mo ko sinimangotan mo ko" lumuhod pa ito sa harap ko para lang salabungin yung tingin ko.

"Mag bihis ka nga" malamig kong sabi sakanya

"mag eexplain naman ako eh wag ka lang ganito saakin please di ko alam gagawin ko eh"

"Mag bihis ka na Aedyx" tumayo naman ako at nilagpasan siya.

Actually nabasa ko na yung statement ng kompanya. Okay na ako don.

Bigla niya naman akong niyakap sa likod at sobrang napakahigpit.

"Wag mo kong iwan dahil lang sa issue na yun Kiana please"

"Wag kang bumalik don sa kausap mo kanina please"

"Mag eexplain naman ako eh, sorry kung natagalan lang di ko kasi alam kung paano ako mag eexplain, natatakot akong iwan mo ko."

"Hindi naman kasi totoo na may namamagitan saamin ni Michelle, at hindi ko sinabi sakanya yung tungkol sayo"

"Umuwi na tayo ng Pinas, wala na din naman akong trabaho dito" napangiti naman ako ng mas humigpit ang pagkayakap niya saakin.

"Ayaw dito na muna tayo hanggang sa maging okay tayo, ayokong umuwi ng Pilipinas ng hindi tayo okay" umiling iling pa ito bilang sagot.

"Pft!" di ko na napigilan na tumawa na ako kaya lumuwag yung pagkayakap niya saakin at inikot ako paharap sakanya na may pagtataka.

"Pinag titripan mo ba ako Kiana?" ngumiti naman ako sakanya at niyakap siya. Naramdaman ko naman yung pag yakap niya pabalik saakin.

"Nabasa ko yung statement mo, and I trust you"

"I love you" humigpit naman yung yakap niya saakin, tumingin naman ako sakanya, sinalubong ko talaga yung tingin niya saakin.

"I love you too Dyx"

"I miss that" hinalikan niya naman ako ng mabilis pero humalik ulit siya saakin, humalik naman ako pabalik sakanya.

"I miss you" bulong niya bago niya ulit ako hinalikan, napasinghap naman ako ng kinarga niya ako na pangkasal, napakapit naman ako ng wala sa oras sa batok niya, di padin napuputol yung halikan namin.

Naramdaman ko naman sa likod ko yung kama. Pinutol ko naman naman yung halikan namin nagtitigan kami, hahalikan niya pa sana ako pero hindi pinigilan ko naman siya.

"Mag bihis ka, kakain tayo gutom ako eh" nakita ko naman ang pagkabitin niya pero tumayo na siya at nag bihis.

Bumangon naman ako para sundan siya ng tingin.

"paki kuha na din sa sumbrero ko at mask"

"Ayokong suotin mo na naman yun baka mapagkamalan ka na namang si Michelle" tumawa naman ako ng mahina sakanya.

"Ayoko naman pag pyestahan tayo"

"Mas ayokong maging si Michelle ka sa social media na naman"

Tumabi naman ito saakin at niyakap ako ng nakapahigpit. Siniksik niya naman yung mukha niya sa leeg ko.

"Alis na tayo?" aya ko sakanya narinig ko naman ang pag buntong hininga niya, tumango naman ito.

"Ayaw mo bang umalis?"

"Ayaw nabitin talaga ako"

"Gutom ako"

"Kainin mo nalang ako"

"Ewan ko sayo kung ayaw mong umalis bahala ka sa buhay mo" tumayo naman ako at kinuha yung bag ko at umalis.

May humawak naman da kamay ko at sinabayan akong mag lakad. Umirap naman ako sakanya.

"Ito na nga mag bebehave na" bulong niya, napatawa naman ako ng mahina, hinalikan niya naman ako sa noo ko.

Ng makalabas kami sa hotel ay agad kaming naghanap ng makainan.

Pumasok kami sa isang restaurant. At nag order ng makakain.

"Nasaan ka ba kagabi? di mo talaga sinabi saakin yan kanina?"

"Nasa meeting nga"

"Hindi mo ko maloloko Kiana baby, dahil wala kang schedule na meeting kagabi so sabihin mo na kung nasaan ka?"

"Nasa park" umiwas naman ako ng tingin sakanya, tumingin naman ako sa bintana

"Sana sinabihan mo ko sasamahan naman kita eh"

"Eh hindi mo malalaman lahat ng issue na yun?"

"Kiana baby"

"Uhm?"

"Sasabihin ko naman sayo eh"

"Yeah right whatever"

"Anong oras ka umuwi kagabi?"

"Umaga na ako umuwi"

"Ano!?" sigaw niya na nag paagaw ng atensyon ng lahat kaya sinaway ko siya, humingi naman ito ng tawad.

"Ano? umaga ka na umuwi? totoo?"

"Oo nga, umuwi lang naman ako para maligo at mag bihis"

"at nasaan ka naman buong gabi?"

"Nag check in sa ibang hotel?" nakita ko naman ang pag gulo niya sa buhok niya.

"Pano kung..  pano kung may nangyari sayo na hindi maganda?"

"Umuwi na ako Dyx andito na ako sa harap mo wag mo na yung isipin"

"Ano ka ba naman Kiana, talaga ang iniisip ko kagabi ay may meeting ka at nag usap na tayo sinabi mo mag behave lang ako ginawa ko yun pero ikaw pala yung makulit eh, talagang di ka na mawawala sa paningin ko hanggang sa makauwi tayo sa Pilipinas"

"Ewan ko sayo"

"Sinasabi ko sayo Kiana Baby"

"Yeah whatever"

"Alam kong wala ka ng trabaho ngayon dito sa Japan kaya wag ka ng gumawa ng palusot para lang makatakas saakin, pano nalang kung may mangyari sayo? di ko kakayanin yun!"

Napairap naman ako sakanya at tinuon nalang ng pansin ang pagkain kong bagong dating lang.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon