#Chapter19

69 2 0
                                    

#Chapter19

Kiana's POV

Ngumiti naman ako ng napakatamis sakanya bago kinuha yung gamit niya.

Lumapit naman yung stylist niya at inayusan siya. Nakita ko pa siyang sumusulyap saakin habang kinukuha ko yung ibang gamit.

"Tama lang pala yung pag sabi ko ng goodluck sakanya" bulong ni Van saakin.

"Nakita mo ba ako?"

"Yeah" ngumiti naman ako sakanya, bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina nakita ko pang nilibot ni Dyx yung paningin niya habang inaayosan siya pero dahil tago itong pwesto namin ng manager niya sa pwesto niya kaya hindi niya ako nakita.

"Ano ba nangyari sayo Ae?" tumaas taas naman ang kilay ni Van at lumingon pa ito saakin bago ulit binalik ang paningin kay Dyx.

"Okay ka lang ba Ae?!" sigaw naman ng Fans niya, umalis naman yung stylist niya, bago siya umayos ng upo sumilip pa siya sa daan papuntang backstage.

"okay lang ako" Dyx

"Ano ba nangyari sayo?" Fan

"Oo nga curious din ako ano nangyari sayo haha" -Van

"Nakakita siguro ng katapat kanina kaya ganyan" Michael

"Wala naparami lang ang pag inom ko ng tubig." -Aedyx

Tahimik naman siya hanggang sa natapos ang papirma sa lahat ng album kaya ngayon nakatayo lang sila habang kinakausap ang mga fans, ito kami nililigpit yung mga dapat iligpit.

"May anunsyo ako sainyo" Michael

"Ano yun?"

"Stay tuned to my solo album"

"Good Bye and Thank you!" sabay sabay nilang sabi at pumasok na sa backstage, nilingon pa nila akong lima bago sila pumasok.

"Salamat sa pagtulong Kia ah"

"Uhm walang ano man po, aalis na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh"

"Hindi ka na ba mag papakita sakanila?"

"Magkikita rin naman kami sa kompanya at nagmamadali din naman ako eh" tumango naman ito kaya sumabay na ako sa dagsa ng taong lumabas ng venue.

Agad din akong sumakay sa kotse ko. Totoong may lakad ako pinapapunta ako sa Apollo Company ngayon at di ko alam bakit.

Aedyx' POV

Lumingon naman ako sa manager namin ng pumasok siya, nilingon ko pa ang nasa likod nito pero ibang staff lang naman yun.

"Umalis na yung hinahanap mo" sabi ng manager namin ng mapansin niyang tumitingin pa ako doon sa daan papuntang stage.

"Di man lang nag paalam kay Ae?" -Carson

"Pano naman kasi narinig niya lahat ng sinabi ni Ae kanina kaya siguro umalis na agad hindi na nag pakita." -Van tumatawa pa ito.

"Bakit siya umalis agad?"

"May pupuntahan pa daw siya nag mamadali nga eh"

"Saan daw?"

"Di na niya sinabi Ae"

"Kumalma ka lang alam naman siguro ni Kia yun na fanservice lang yun" -Michael

"Umalis ka nga sa variety show na yun na may girlfriend baka ngayong uuwi ka sa dorm na walang girlfriend" -Van na hanggang ngayon tumatawa pa.

"Hindi magandang biro yan Van kaya tumigil ka" -saway ni Carson sakanya, tahimik lang naman akong nakikinig sakanya.

Kinuha ko naman yung damit ko kanina at nag bihis. Nakita ko din namang nagliligpit nadin ang lahat. Pati din sila Carson sumunod na saakin.

Kiana's POV

"Kiaaaa! long time no see!"

"Hi"

"Bakit ka andito? naku iba talaga basta magka boyfriend ng artista gumaganda din"

"Shhh tumahimik ka nga"

"Excuse me alam na ng buong kompanya na ikaw yung babaeng nasa music video kahit pa hindi sabihin ni Aedyx na ikaw yun kilala ka namin at kilala ka ni Boss"

"Nasaan pala si Boss?"

"Bakit?"

"Pinapapunta niya kasi ako dito"

"Ay oo nga pala, ang bilis mo naman"

"Kakatapos lang ng fansigning event nila ng nag text kayo na pinapapunta ako"

"akala ko ba producer ka?"

"Sa ngayon wala kaming gawain kaya ito malayang umalis, okay lang ngang hindi kami pumasok eh, so nasaan nga si Boss?"

"Andon sa opisina niya" tumango naman ako sakanya at dumiretso sa harap ng pinto ng opisina ng boss ko.

Bumuntong hininga naman ako, inayos ang sarili bago kumatok ng tatlong beses. Binuksan ko naman ito ng dahan dahan.

"Good Afternoon sir"

"Oh! Kiana! ikaw pala, halika dito pasok pasok" ngumiti naman ako, sinara ko yung pinto at umupo sa visitor's chair.

"Kamusta ka na? okay naman yung trabaho mo don?"

"Okay lang po"

"Balita ko nga, sabi ni Joy saakin na isa ka sa mga nag produce ng kanta nila at yung solo album ni Aedyx Jay? sabi ni Joy ikaw daw nag produce ng My Youth don?"

"Yes po ako"

"Papakinggan ko pa yun, alam mo tinanong ko yung head music producer nila sabi nila maganda naman yung pinapakita mong performance don."

"Talaga po?"

"Yes, sa katunayan nga daw sa lahat daw ng producer don ikaw lang yung pumapasok kahit walang ginagawa, siguro may rason kung bakit"

"Yes naman po, siguro sa susunod na araw di muna ako papasok, di naman kasi tulad dito na kahit tapos ka na sa isang project pwede kang tumulong sa iba don, pag tapos yung project wala ka ng magagawa, andami ko na ngang nagawang music ngayon" sabay naman tawa.

"Masasanay ka din"

"Parang ganon na nga"

"May boyfriend ka na pala ngayon buti pinayagan siya ng kompanya."

"Napag usapan na din naman namin yun ng boss nila eh"

"Kung may sinabi man sayo ang boss nila hayaan mo muna yun mag enjoy ka muna kung ano meron ka ngayon" tumango naman ako bilang sagot.

"Sana naman marami ng kukuha saatin no?"

"Umasa lang po tayo sir, credits niyo padin naman ako eh"

"Kaya nga nagulat nga ako nung nakita ko yung list ng mga producer ng group album nila, andon yung pangalan mo nakadikit sa pangalan ng kompanya natin."

"Yeah"

"Sige na gusto lang naman talaga kita makausap eh di ko naman alam na ngayon agad ganon ka nalang siguro ka hindi busy ngayon." tumango naman ako at nag paalam sakanya.

Umupo naman ako sa cubicle ko, namiss kong umupo dito at mag trabaho, lumapit naman si Joy saakin.

"Busy ka ngayon?"

"Hindi bakit?"

"Ako din, at hindi ako mag oovertime ngayon painom ka naman diyan"

"Baliw"

"Di mo ba ako namiss?"

"Namiss syempre"

"Sus sige na painom ka naman marami kang blessing ngayon eh"

"Oo sige na"

"Sigurado ka?"

"Oo nga gusto mo bawiin ko pa?"

"Syempre hindi na, hintayin nalang natin yung time ah?" tumango naman ako sakanya.

In-on ko yung computer ko at kinalikot. Actually namiss ko yung ganito kaingay di kasi ganito don sa kabila syempre may sarisariling studio kaya ang tahimik.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon