#Chapter17

70 4 0
                                    

#Chapter17

Kiana's POV

Nakikinig ako sa director sa sinasabi niya ng biglang may jacket na nag lagay saakin kaya nilingon ko ito.

"Di na ba maginaw?" umiling naman ako sakanya bilang sagot.

"Dapat kasi nagdala ka ng jacket mo"

"Di ko naman alam na ganito pala susuotin ko" bulong ko kay Aedyx

"Ako din di ko alam ganyan pala susuotin mo tsk" umirap naman ako sakanya.

Binalik ko naman ang atensyon ko sa powerpoint, lalabas lang ako sa chorus at tuloy tuloy na yun hanggang sa end.

Pero sa choreography version lang yun, pero kung sa lipsync naman sa kung saan may line lang ako lalabas, sa end at intro lang yun lang.

May binigay naman silang papel na nakapaloob yung sketch kung anong gagawin namin, ngumiti naman ako sa nagbigay.

Nireview ko naman ito, kakanta lang naman ako habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan, tapos yung isang version ay kami dalawa ni Aedyx sa likod ng sasakyan nakasandal ako sakanya habang siya nakatingin sa labas.

May isang scenario pa nga na yung sobrang lapit ng mga mukha namin parang magkikiss kami, talagang ito na ang kataposan ng tahimik kong career.

"Kinakabahan ako Dyx" bulong ko sakanya, tapos na mag bigay ng diskasyon yung director saamin kaya ito kami naghihintay nalang, may mga make up na kami at pero maya maya nag reretouch.

"Saan?"

"Sa lahat lalo na yung sayaw nung isang araw lang natin yun prinactice"

"Andito lang naman ako kaya wag kang mag aalala"

"Ae, pwesto ka na" -Director

Niretouch muna siya at tinanggal yung jacket niya nilagay niya naman yun sa hita kong sobrang expose.

Tinignan ko naman siya, sobrang galing niya 2 or 3 takes lang yung nangyayari. Andito pa naman yung film head director, yung choreographer, si Roy at si Boss.

Ng malaman ng lahat yung relasyon namin ni Dyx wala naman akong natanggap na di magandang feedback puro magaganda at suportado sila saamin. Buong team alam na nila at itong pag expose ko sa music video ng solo album ni Dyx, pag release nito, yun din na panahon eh announce ni Dyx.

Pwede naman na hindi na diba? sinabi ko na yun kay Dyx pero sabi niya gusto niyang malaman ng lahat na sakanya lang ako, muntik pa nga kaming mag away kahapon eh.

Kahapon ko lang kasi naisip yung mangyayari saakin, sana yung mga naiisip ko hindi mangyayari, gagong Van kasi sinabihan ba naman ako na pag naexpose na ako bilang girlfriend ni Dyx talagang dudomigin ako ng media at fans nila at nakikita ko ang sarili ko sa mga scenaryong yun.

Bumalik naman ako sa sarili ko ng may nag retouch saakin, minsan sa tingin ko ang OA din ng mga stylist wala akong ginagawa dito pero nireretouch yung make up ko ewan ko sakanila.

"Ikaw na Kia, kaya mo yan" bumulong naman si Roy saakin, di ko napansin na lumapit na pala ito saakin.

Tinanggal ko naman yung jacket sa hita at balikat ko.

Sa pag tayo ko parang sobrang lakas na ng dibdib ko na buong taong andito sa set naririnig nila.

Pumasok naman ako ng kotse, bumuntong hininga naman at hinintay yung part ko.

"Okay! Good!, next" nagulat naman ako sa komento ng director, lumabas na ako ng kotse.

"Galing mo don ah?" komento ni Dyx saakin.

"Talaga?" tumango naman ito at tumawa ng mahina, ngumiti naman ako sakanya, hinalikan niya naman yung noo ko bago siya pumasok sa backseat, sumunod naman ako pati nadin ang yung camera man pumasok na.

"Okay take one" sinumulan ko naman mag drama habang kumakanta, tumingin ako kay Dyx lumingin din ito saakin at ngumiti, ngumiti naman ako sakanya, hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Cut! much better kaysa sa nasa script, may spark talaga kayong dalawa" tumawa naman ito sa sinabi niya kaya pati kami ni Dyx at napatawa nalang wala sa oras.

Lumabas naman kami. Bigla namang lumapit saamin yung director at pinapasok ulit kami sa kotse ipagpatuloy daw namin yun hanggang sa matapos yung isang line ni Dyx para don sa sobrang lapit ng mga mukha namin na kulang nalang mag halikan.

Ginawa naman namin yun, ng mag bigay ng okay yung direktor ngumiti naman akong tumitig kay Dyx.

"Kinakabahan ka ba talaga sa lagay mong yan?"

"Kinakabahan ako"

"Ang galing galing mo nga eh"

"Ewan ko sayo mangbobola ka pa talaga" lumabas naman ako ng kotse.

Lumapit naman ako kay Roy.

"ang galing mo don ah?"

"Ang dami niyong nambobola"

"Totoo naman ah? dati ka sigurong artist no?"

"Hindi ah gago hahaha"

"Let's do the choreography version" anunsyo ng director.

Sumayaw naman kami ni Dyx at ilang ulit namin yun ginawa iba ibang angle kasi yun, sa pag papahinga namin dalawa para sa susunod na set, sasayaw lang ulit kami, ng dumating yung apat at nanggulo.

"Abaaaa! iba talaga basta lover na kasama mo sa isang set no? gagaling ka" -Van

"At balita ko one take lang ang nangyari kay Kiana? uhm?" -Frans

"Ito para sainyo" -Carson, binigyan naman nila kami ng 7 na coke float at 7 na extra large na fries

"Di namin to mauubos"

"Bakit sinabi ko bang sainyo lahat ng yan? atin lahat yan oy kasali na si Roy, kung di lang ito ang bumalita saamin"

"Magpasalamat nalang kayo dami niyo pang sinasabi"

Hinanda ko naman ang lahat ng yun at nag simulang kumain.

"Congrats sainyo" -Michael

"Hindi pa tapos may dalawa pa kaming take bago mag wrap up"

"Whatever basta congrats"

"Kia and Ae let's do the last two take"

Nag retouch muna bago kami nag simula ulit yung isang take ay nag fofocus saamin at yung isang take daw ay sweetness daw, kahit na hindi na kami sumayaw okay na daw yun. Pero sumayaw padin kami ni Dyx pero may kulitan kaming ginagawa at dahil sinasabihan kaming maging sweet ayun! backhug, halik sa pisnge kahit ano pa!

"Okay that's the wrapped up!" sigaw ng director na nagpasaya saaming lahat.

"Thank you" sabay naming sabi ni Dyx sa harap ng crew at ngumiti din sakanila.

"Mag bihis ka na ayoko talaga sa damit mo masyadong revealing tsk" tumawa naman ako sa inaakto niya, pero yumakap lang naman ito saakin tumingin naman ako sakanya.

"Thank you at pumayag kahit na ayaw na ayaw mo to"

"Okay lang atleast yung part ko sa lipsync hindi buong mukha ko yung pinakita."

"Pero makikita padin mukha mo sa choreography"

"Okay lang yun" ngumiti naman ako sakanya, hinalikan niya ulit ako sa noo.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon