#Chapter24

57 3 0
                                    

#Chapter24

Kiana's POV

"Sabi ko naman sayo mag sumbrero ka at mag mask" pagkalabas kasi namin ng airport may iilang bumungad saaming media at fans.

Bigla niya naman ako sinuotan ng sumbrero na kanina ko pa tinatanggal, siya na din nag suot ng mask saakin kaya nagkatinginan kami.

"Hindi naman kasi ako yung artista saating dalawa eh" reklamo ko.

"Kiana, baby yan ang epekto basta hindi ka na nag oopen ng social media mo, wala ka ng alam" umirap naman ako sakanya, narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa.

"Tara na" bulong niya saakin, hinawakan niya yung kamay ko at nilagpasan yung media at yung mga fans ng nakayuko kaya di kami napansin ng lahat.

Dumiretso naman kami sa hotel na pag tutuloyan namin, humiga naman agad ako sa kama.

Tumabi naman saakin si Dyx at tinanggal niya yung sumbrero ko at mask.

"Pagod ka ba sa byahe?"

"Sobrang pagod" mahina kong sabi sakanya.

"Ano ba gagawin mo dito?"

"hindi ka na pwdeng sumama saakin sa trabaho ha? apat na araw lang naman ako don eh yung tatlong araw na natira sayo na ako non" paglalambing ko sakanya, yumukap pa ako at siniksik yung mukha sa dibdib niya.

"Oo na magpapakagood boy na ako dito"

"Buti naman" hinalakin niya naman ako sa noo bago ako naka idlip.

-
Nagising naman akong wala si Aedyx sa loob ng hotel room namin, siguro lumabas lang sandali yun.

Tumayo naman ako at dumungaw sa bintana, napangiti nalang ako sa harap ko ngayon ang citylight.

Kinuha ko naman yung phone ko at binuksan yung wifi, dahil naka paskil ang password sa pinto kaya agad naman akong naka connect.

"Binuksan ko naman yung instagram ko.

Aedyx' POV

"Ae? kamusta na kayo diyan?" Carson

"Okay lang kami"

"Alam na ba niya?"

"Hindi pa Car, di ko alam pano sasabihin sakanya eh"

"Alam mong may masisira sainyo dahil sa issue na kumakalat sayo ngayon"

"Kaya nga eh, nagpapasalamat nalang talaga ako at hindi siya nag oopen ng kahit anong social media"

"Kahit na sabihin mo padin sakanya yun"

"Oo na, kaya nga sumama dito diba?"

"Carson!" narinig kong sigaw ni Van.

"Bakit?"

"May bagong issue na naman si Ae!" kumunot naman ang noo kong binaba ang tawag at binuksan ang google ko at hinanap ko yung sinasabi ni Van.

Ng mabasa ko ito napasuklay nalang ako sa buhok ko. Talagang sinasagad nila ang pananahimik ko! pati na din itong si Michelle sinasagad din ako.

Binulsa ko na lamang yung cellphone ko at umakyat sa hotel room namin ni Kiana.

Bumungad saakin yung nakatulalang Kiana

Kiana's POV

"Kiana baby gising ka na pala" bigla ko naman inoff yung phone ko para hindi niya mabasa yung nabasa ko ngayon lang. Tumingin naman ito don pero binalik niya ang paningin saakin, at ngumiti.

Kailan mo planong sabihin saakin yun Dyx?

Michelle and Aedyx spotted in Grand Hotel!

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon