#Chapter36

119 2 0
                                    

#Chapter36

Kiana's POV

Bumuntong hininga nalang ako habang tinitignan yung sarili sa salamin.

"Ang ganda ganda mo Kia"

"Salamat Zy"

"Pero hindi mo pwedeng lamangan yung bride" napatawa nalang ako ng mahina sakanya.

"Oo naman no"

Ang gagong Van hindi sinabi saakin na kasali pala ako sa mga abay, last week ko lang nalaman nung binigay saakin yung invitation, buti nalang hinanda nila ang lahat ng susuotin ko.

Tapos last week ko lang din nakilala si Zyren, naging malapit ako sakanya.

"Sayang talaga kayo ni Aedyx eh"

"Ano ka ba ilang ulit mo ng sinasabi yan ah"

"Totoo naman kasi yun eh"

"Yaan mo na masaya na yun sa buhay niya ayaw ko na din gulohin yun"

-
Buong ceremony nakatuon lang ang atensyon ko sa dalawang bagong kasal, nakikita ko sa mukha ni Van na sobrang saya siya sa pinag gagawa niya sa buhay niya, masaya na din ako.

"Family picture!" biglang sigaw ni Frans na siyang nag patawa sa mga nanunuod dahil silang apat agad lumapit sa bride at groom.

"Kulang tayo!" -Frans

"Kulang nga" -Van kumunot naman ang noo ko habang nag bubulongan sila.

"Kia!" sigaw ni Frans

"H-huh?"

"Halika ka dito"

"Hindi naman ako kasali diyan kayo nalang"

"Kunin mo na Ae" tinulak tulak pa ni Frans si Dyx.

"Nku hindi na kayo lang"

"Halika na" aya ni Dyx, nilingon ko naman ang dalawang bagong kasal ngumiti lang siya saakin.

"Hindi naman ako kasali diyan"

"Sige na Kia" Dyx, tinignan ko lang ang kamay niyang nakalahad saakin pero nagulat nalang ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa grupo.

"Ayan" rinig kong mahinang tawa ni Frans at nakita ko ang pag iling ni Van.

Hindi niya padin binitawan yung kamay ko mas lalong humigpit ito kaya di ko alam saan ko itutuon ang pansin ko sa mga camera o sa kamay namin ni Aedyx.

"Smile" ngumiti nalang ako sa harap ng camera, at dahil si Van ang kinasal ito maraming media ang dumating, pagkatapos ng picture taking agad kong binawi yung kamay.

"B-baka ma dating scandal ka na naman" sabi ko sakanya ng tignan niya ako.

"It's okay sanay na din naman ako"

"Not me Ae"

"Just call me Dyx I prefer that" umiling nalang ako at bumalik sa dati kong pwesto.

"Diba ikaw yung ex ni Aedyx?" sabi ng kasama kong abay tumango nalang ako bilang sagot.

"Mga abay naman at best man" rinig ko sa photographer, kaya nakisali sko sa grupo ng mga abay ngumiti ngiti lang ako hanggang sa matapos ang picture taking ng lahat.

"Sumabay ka na saamin Kia, namiss kita eh" ngumiti lang ako kay Frans ng bigla siyang lumapit saakin habang nag iisip ako pano ako babalik sa hotel nito, puno na kasi yung sasakyan ng mga abay, kay Zyren din ako sumabay kanina.

"Hindi mag tataxi nalang ako"

"Di mo ba kami namiss?"

"Namiss ko kayo syempre"

"edi saamin ka na sumabay"

Di naman ako nakapalag ng hilahin niya ako papunta sa van nila, napayuko naman ako ng bigyan ako ng pansin nila Carson at Michael

"Hi Kia, long time no see" Carson

"Yeah it's been a while" Michael

"hi"

"Dito siya sasakay saatin"

"Sige pasok ka na" pumasok naman ako at sumunod naman sila Frans, palihim kong nilibot yung paningin ko.

"Wala si Ae dito andon sa sasakyan niya may kasama kasi siya" Frans di nalang ako umimik.

"Saan ka pala pumunta Kia?" -Carson

"Nilipat ako ng kompanya ko sa L.A."

"Oh? nag concert diba tayo don?" -Frans

"Yeah, doon ko kami nag kita ulit at nag kausap ni Van"

"So all this time alam niyang nasaan ka at nakakausap ka niya"

"Yeah, alam niya ang lahat"

"Sinabi mo sakanya?"

"Oo"

"Pero di mo sinabi kay Ae?"

"Ayoko na din naman gulohin ang buhay niya ngayon sa nakikita ko ang saya saya na niya bakit ko pa sasabihin"

"Karapatan niya yun" -Michael

"Kung dadating man yung araw na mag uusap kami about sa nangyari then I'm willing to tell him everything sa ngayon ayoko munang sabihin, masaya na yung tao eh"

"Masaya nga ba?" -Michael

Bumuntong hininga nalang ako at tinuon ang pansin sa kalsada.

Bumaba naman kami ng makarating kami sa hotel, dumiretso kami sa venue ng reception.

Feeling ko talaga out of place ako sa grupo ng mga abay, ewan wala din naman akong kakilala don kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong mag isa sa isang sulok na lamesa, okay na rin yun para walang makapansin saakin dito.

Ininom ko nalang ang wine na meron ako ngayon ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Bakit ka andito?"

"h-huh?"

"andon ang mga abay bat nag iba ka ng table?"

"Sumali lang naman ako dito sa reception para kay Van, dahil magagalit yun pag aalis na ako agad"

"Buti pa si Van may koneksyon pa sayo"

"Ano ba pinagsasabi mo diyan Ae? diba may kasama ka? wag mo naman yun iwan"

"Pinauwi ko hindi naman siya imbitado dito eh, sumulpot lang talaga siya bigla"

"Bumalik ka na kila Frans hinahanap ka na nila panigurado"

"Nagpaalam na ako sakanila" tumahimik naman ako bigla

"Hayaan mo nalang ako dito sa tabi mo Kiana, gusto lang kitang makausap, di mo ko pinagbigyan ng pag kakataon na makausap ka nong sa trabaho natin kay Gio"

"Ano ba pag uusapan natin Ae?, masaya ka na sa buhay mo diba?"

"Wala akong girlfriend ngayon Kia" kumunot naman ang noo kong tumingin saakin.

"Lasing ka ba?"

"Hindi, totoo sinasabi ko Kia, hanggang ngayon hinihintay padin kita"

"Ano ba pinagsasabi mo? kung maka scandal ka nga wagas"

"It's not all true Kiana"

"Yeah talk to media sila yung maniniwala sayo"

"I'm telling the truth Kiana, hinanap kita noon, kahit sa condo mo at sa kompanyang tinatrabahoan mo hinanap kita pero wala ka na don sabi umalis ka na"

"Yeah for good"

"Bakit?"

"Nilipat ako ng boss ko sa L.A. Ae, nilipat niya ako dahil sa mga article na lumalabas pagkatapos nung break up natin, at nakakadepress yung mga panahon na yun kaya nilipat niya ako"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon