#Chapter9

134 5 0
                                    

#Chapter9

Kiana's POV

Naka apat na take ang sayaw nila bago yung individual shoot at dahil maliit lang yung oras nilang mag break sa choreography version ay pinagpahinga sila ng dalawang oras ngayon kaya ito.

Tinutulak talaga ako ng dalawang to sa delikadong posisyon.

Di na talaga ako mag tataka kung bat ako mawawalan ng trabaho, buti nalang at umalis si boss ngayon, babalik din naman yun dahil gusto niyang eh monitor talaga yung shoots at performance ng limang lalaki.

"Alam mo na ba pangalan ng grupo namin Kia?" yun din ang gusto kong malaman eh.

"Hindi niya alam"

"Belles hommes Kia"

"Ano naman meaning non?"

"Sa France yun na salita ang meaning non Beautiful men"

"Eh? parang pambabae"

"Bakit? hindi ba kami mga gwapo?"

"Next topic please" ayokong sagutin dahil baka lumaki yung mga ulo nila pag sinabi ko poging pogi na sila sa mga sarili nila ewan ko ba.

"Alam niyo kayo lang talaga ang magiging rason kung bakit mateterminate yung kontrata ni Kiana eh" biglang sulpot ni Roy na may dalang dalawang kape, binigay niya naman saakin yung isa kaya ngumiti lang ako sakanya.

"Anong kami?"

"pag andiyan si Boss wag kayong masyadong close dito sa single nating babaeng katrabaho okay lang yung tayo tayo lang. Kahit sinasabayan kayo non sa kakulitan wala naman yung pasensya pagdating sa mga gusto niya"

"Ano ba gusto niya? kiss"

"Gago ka talaga Van, ang gusto niya lang ay yung hindi kayo madidistract, alam niyo naman siguro na lahat ng staff nating babae ay puro may asawa kaya kayo tumigil tigil kayo binalaan na si Kiana"

"pinag uusapan niyo?" sulpot naman ni Aedyx, umiwas naman ako ng tingin sakanya masyado siyang pogi sa paningin ko ngayon.

"Bawal mo daw jowain si Kia akin lang daw siya"

"Gago wala naman akong balak eh hahaha" aray ko naman.

"bakit may pahatid hatid ka pang nalalaman?"

"Hinatid mo siya Ae?" tanong ni Roy

"Yeah gabi narin yun at heavy tinted naman yung kotse ko eh kaya why not?"

"Hindi naman yun ang problema ko eh, baka yun talaga ang rason Kiana bakit ka sinabihan kanina?"

"Anong sinabi?"

"wala ka na don" mahina kong sabi at ininom yung kape ko habang tumitingin sa mga may kanya kanyang mundo na staff.

"Sungit mo naman ngayon parang kanina lang ang good mood mo" rinig kong reklamo niya di nalang ako umimik.

"kasi wala ka naman palang planong ligawan kaya nagkaganyan" mahinang sabi ni Frans pero naririnig ko.

Napatingin naman ako ng wala sa oras kay Frans na may gulat sa mukha.

"A-ano?" tanong ni Dyx at tumingin naman itong si Aedyx saakin.

"Hindi! ano ka ba Frans! tumigil ka nga"

"Hahaha okay hindi na, ang cute ng mga reaksyon niyo para kayong tanga"

Bigla ko naman naramdaman na may umakbay saakin kaya naman napalingon ako sa katabi ko.

"Ligawan kaya kita?" mahinang bulong ni Roy na for sure kami lang nila Dyx, Frans at Van.

At sa pangalawang pagkakataon binigyan ko ulit sila na may gulat sa mukha at itong si Roy naman pa ngiti ngiti lang at masyadong malapit yung mukha saakin pati din itong mga nakarinig napasinghap nalang sa gulat.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon