BUMALIK sa siyudad si Benedict. Aware siya na walang silbi na manatili pa siya sa Rizal. Hindi magbabago ang isip ng matanda tungkol sa kabaliwan nitong kondisyon para ibenta sa kaniya ang lupaing kailangan niya. Mas lalong hindi siya papayag ng ganoon na lang sa gusto nito.
Pero wala siyang balak pakawalan ang bahaging iyon ng kabundukan. Kailangan lang niya mag-isip ng ibang plano para mapapayag ang matanda na ibenta iyon sa kaniya.
Kaya pagkabalik niya sa siyudad dumeretso siya sa headquarters ng Barcenas Real Estate.
"Welcome back, boss," nakangiting bati ni Joanne, ang kanyang executive secretary at ang taong napagkakatiwalaan niya kapag wala siya. "Kamusta ang lakad mo? Okay na ba ang lahat?"
"Not yet. I need you to do something for me."
"Anything boss," mabilis na sagot ng babae.
"Find me a private investigator. Gusto kong malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa matandang may-ari ng bundok na gusto kong mabili. Lalo na ang tungkol sa apo niyang babae."
Bumakas ang pagtataka sa mukha ng sekretarya niya. Hindi naman niya ito masisi. Iniimbestigahan naman niya lahat ng properties na gusto niyang makuha para siguradong walang sabit kapag binili niya. Pero malalaking properties ang mga iyon at hindi katulad ng bundok na gusto niyang bilhin ngayon.
Pero kahit halatang nagtaka tumango pa rin si Joanne at siniguro sa kaniya na makukuha niya sa lalong madaling panahon ang impormasyon na kailangan niya. Tinanguan niya ito bilang tahimik na pasasalamat na hindi ito nagtanong pa. Ngumiti ang secretary niya bilang sagot. Sa tagal ng pagsasama nila may mga pagkakataong hindi na nila kailangan magsalita para magkaintidihan. He appreciates that.
"So, ano ang mga dapat kong malaman mula nang umalis ako?" tanong na ni Benedict at naglakad na para tuluyang pumasok sa private office niya.
Sumunod sa kaniya si Joanne at inisa-isa sa kaniya ang update sa lahat ng ongoing projects nila. Everything is going according to plan as expected.
"Your father also called the office. Hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag niya sa cellphone mo. Makipagkita ka raw sa kaniya. May gusto siyang ipakilala sa iyo."
Napabuntong hininga si Benedict pagkaupo niya sa kanyang swivel chair. "Hindi pa rin nagsasawa si papa na magpakilala sa akin ng kung sino-sino."
Tumawa ang kanyang sekretarya at naging mapanukso ang kislap ng mga mata. "Gusto ka kasi niyang mag-asawa, boss. Ang sabi niya sa akin noong tumawag siya, gusto naman niyang makitang lumagay sa tahimik ang anak niya kaya kumbinsihin daw kitang magpakita sa kaniya. Magugustuhan mo na raw talaga ang ipapakilala niya sa iyo."
Umangat ang mga kilay ni Benedict. "At kakampi ka kay papa?"
Ngumisi si Joanne. "Masarap ang buhay may asawa basta tamang tao ang kapareha mo, boss."
Napangiti tuloy siya. Aware siya kung gaano kaganda ang marriage life ni Joanne. After all, kaibigan niya ang napangasawa nito. "If you say so. Iyon na ba ang lahat ng dapat kong malaman?"
Sumeryoso ang mukha ng sekretarya niya. "Marami akong naririnig na balak tapatan ng Douglas Real Estate ang project na balak natin gawin sa Rizal, boss. Sinusubukan nilang makuha ang lupain na katabi ng sa atin."
"Hindi nila iyon magagawa. Gobyerno ang may-ari ng lupain na iyon. Protektado ng DENR. Kung hindi nabili ko na rin sana."
"So, itong nag-iisang private property na lang talaga na hindi pa binebenta sa atin ang kailangan mo, boss. Malaki rin 'yon."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)
Romance"In my whole life, your smile is the most beautiful thing I've ever seen." In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa...