MAGAAN ang pakiramdam ni Lyn kinabukasan. Masarap ang naging tulog niya. Masarap ang naging almusal nila. At higit sa lahat, mabilis ang naging biyahe nila ni Benedict papunta sa bahay nila ng kanyang Lola. Nakalagay na sa isang malaking maleta ang mga gamit niya pagdating nila 'don .
"Saan mo nakuha 'yan Lola?" takang tanong niya kasi wala naman silang ganoong maleta.
"Pinabili ko 'yan kahapon. I know you will need it," sagot ni Benedict na lumapit kay Lola. Seryoso ang mukha nito nang ilahad ang kamay. "Ako na ho ang bahala kay Lyn mula sa araw na ito."
Lumambot ang facial expression ni Lola at tinanggap ang pakikipagkamay ni Benedict. "Aasahan ko 'yan. Huwag mo siya pababayaan." Tango ang naging sagot ng lalaki.
Uminit ang mga mata ni Lyn. Lumapit siya at niyakap ang kanyang Lola. "Ma-mi-miss ko po kayo, Lola. Dadalaw ako sa inyo at minsan magbakasyon din kayo sa amin, ha?"
"Aba'y oo naman," sagot ng matanda at mahigpit din siyang niyakap. Naramdaman niya ang pag-alog ng mga balikat nito hanggang marealize niyang umiiyak na ang Lola niya. Napaiyak na rin si Lyn. Kasi mamimiss niya ito ng husto.
Maya-maya naramdaman niya ang marahang paghagod ng palad ni Benedict sa likod niya. Hindi nagsasalita ang asawa niya pero ramdam na ramdam niya na kino-comfort siya nito. Na-touch siya at nakalma.
Nang maghiwalay sila ni Lola parehong namamaga ang mga mata nila pero napangiti naman sila pareho. Nagpaalam sila sa isa't isa. Sumama pa ang matanda sa pagbaba nila sa bundok habang si Benedict naman bitbit ang maleta niya. Aware si Lyn na nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid. Pero wala na siyang pakielam sa mga ito. Niyakap na lang niya ulit ang kanyang Lola, hinalikan ito sa pisngi at nagpaalam sa huling pagkakataon. Pagkatapos sumakay na sila ni Benedict sa pickup nito.
Habang bumabiyahe sila paalis sa bayang kinalakihan niya, nakatitig siya sa labas ng bintana. Masaya si Lyn na napangasawa niya ang lalaking mahal niya. At na magkakaroon siya ng bagong buhay. Pero habang tinitingnan niya ang lugar nila para siyang.... nalulungkot.
"Bakit kaya kahit wala naman akong magandang alaala sa lugar na 'to maliban sa mga sandaling kasama ko si Lola at puro masasakit na salita at pagtrato ang napala ko sa mga tao rito, nalulungkot pa rin ako na umalis?" mahinang tanong niya, nakatitig pa rin sa labas ng bintana.
"That's because you are kindhearted and sentimental. Kahit na marami silang ginawang masama sa'yo, hindi mo magawang magalit ng husto sa kanila kahit na 'yon ang gusto mong maramdaman," sagot ni Benedict. Napalingon siya rito. Sinulyapan din siya ng lalaki at tipid na ngumiti. "Besides, you're hometown is beautiful. Walang taong nasa tamang pag-iisip ang hindi manghihinayang na mapalayo sa lugar na 'to."
Napangiti si Lyn. Alam na alam talaga ng asawa niya kung paano pagagaangin ang loob niya. Ang suwerte niya talaga na ito ang napangasawa niya.
ILANG ORAS ang naging biyahe nila bago pumasok sa isang subdivision sa Makati ang sasakyan nila. Huminto 'yon sa tapat ng isang Up and Down na bahay. Higit na maliit ang bakuran 'non kaysa sa bundok nila pero triple naman ang laki at gara ng bahay kaysa sa kinalakihan niya. Pagpasok nila sa loob, kumpleto na rin ang mga gamit. Ang interior, parang 'yung mga nakikita niya sa magazines.
"Wow." Namasa ang mga mata ni Lyn habang iginagala ang tingin sa loob ng bahay.
Huminto sa tabi niya si Benedict at bigla siyang hinawakan sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. "What's wrong?" nag-aalalang tanong nito. "Bakit parang iiyak ka? You don't like the house?"
Huminga siya ng malalim, ngumiti at umiling. "Gusto ko 'tong bahay. Ang ganda-ganda. Pangarap ko lang ang ganitong bahay dati. Sabi ko noon, magsisikap ako para makabili ng ganito. Pero heto, binigay mo na." Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ni Benedict at matamis na ngumiti. "Salamat. Ang suwerte ko talaga at nakilala kita."
Tumitig sa mukha niya ang asawa at hinawakan ang mga kamay niyang nasa magkabilang pisngi nito. Hinalikan nito ang magkabilang palad niya bago ngumiti. "Gusto mo bang makita ang hitsura ng second floor?"
Ngumisi si Lyn. "Gusto ko."
Hinatak siya ni Benedict paakyat sa hagdan.
KAUNTI LANG ang mga gamit ni Lyn at isang maleta lang din ang mga gamit ng asawa niya kaya madali niyang nailagay lahat ng mga 'yon sa dressing room ng master's bedroom kung saan sila matutulog ni Benedict. Ang bongga, may dressing room talaga! Hindi niya naisip na mararanasan niya magkaroon ng dressing room. At ang kuwarto sa second floor bukod sa master's bedroom, tatlo. Wala pang laman ang mga 'yon at sabi sa kaniya ni Benedict, siya raw ang bahalang magdesisyon kung anong gagawin sa tatlong kuwarto na 'yon. Hindi pa niya alam ang sa iba pero may gusto na siyang gawin sa isa sa mga 'yon.
Wala pang laman ang ref sa kusina kaya pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay lumabas uli sila para kumain sa labas at mag-grocery na rin. Sanay siyang sa palengke namimili. Kaya nagulat siya nang dalhin siya ni Benedict sa isang mall. Sa supermarket ng mall na 'yon sila namili.
"Pick everything you want. Kailangan mapuno ang ref at ang mga cabinet sa kitchen," sabi ng kanyang asawa, tulak na ang isang trolley na lalagyan nila ng mga ipapamili.
Noong una wala siyang magawang ilagay sa trolley. Sa sobrang dami ng pwedeng bilhin na hindi siya mag-iisip kung kasya ba ang pera niya, nahirapan siya pumili. Mukhang napansin 'yon ni Benedict kasi bigla itong humablot ng kung anu-ano sa shelf na nadaanan nila. Alanganing gumaya si Lyn. Hanggang naging komportable na siya at nag-enjoy pa nga sa pamimili. Sa tuwing ipapakita niya sa lalaki ang mga gusto niyang bilhin nahuhuli niyang ngiting ngiti ito habang pinagmamasdan siya. Parang aliw na aliw. Kinikilig tuloy siya at matamis ding napapangiti.
Pagkatapos nilang mamili inaya siya ni Benedict na kumain ng dinner sa restaurant pero tumanggi siya. "Nakabili naman tayo ng groceries. Maaga pa naman pagkauwi natin kaya magluluto na lang ako ng kakainin natin. Mas matipid 'yon at mas marami pa tayo makakain kaysa sa serving sa restaurant."
Napatitig sa kaniya ang lalaki. Kinabahan siya. "Ayaw mo kumain na lang tayo sa bahay?" tanong niya.
Umiling si Benedict pero ngumiti. Pinisil nito ang kanyang pisngi. "Actually, I like that idea. Let's go home."
Matamis na napangiti si Lyn, kumapit sa braso ng asawa at masiglang naglakad kaagapay ito.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)
Romance"In my whole life, your smile is the most beautiful thing I've ever seen." In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa...