Part 32

27.8K 634 10
                                    


"Sino raw?" takang tanong ni Sheila. Siya naman tumayo na para harapin kung sino man ang bisita niya. Lumabas siya ng opisina at iginala ang tingin sa store. Tumalon ang puso niya at nahigit ang paghinga nang makitang si Benedict ang nakatayo sa may pinto at halatang naghihintay. Napatingin ito agad sa kaniya at ngumiti.

May humaplos na init sa puso ni Lyn. Halos tumakbo siya palapit sa kanyang asawa at niyakap ito. "Anong ginagawa mo rito?" masayang tanong niya.

"Natapos ng maaga ang trabaho ko. I know we rarely spend time with each other this past week. So naisip ko na sunduin ka. Then we can eat dinner somewhere. Okay lang ba?"

Matamis siyang napangiti. "Okay na okay. Ayos lang ba na hintayin mo ako? May isang oras pa bago ang out ko eh."

"Sige na. Puwede ka na mag-out. Patapos naman na tayo," biglang sabi ni Sheila na nakasilip pala sa pinto. "Hindi tulad mo wala naman akong date ngayong gabi. Go na. Tutal distracted ka naman maghapon eh. Halatang may na-mi-miss ka," pangaasar pa nito.

Uminit ang mukha ni Lyn at napatingin kay Benedict na titig na titig sa mukha niya. Tumikhim siya at ngumiti na lang. "Sandali lang ha? Kunin ko lang ang gamit ko."

Wala pang isang minuto lumabas na siya uli bitbit na ang bag niya. Nagpaalam siya kay Sheila at sa staff ng store saka lumabas ng Happy Mart na ka-holding hands si Benedict.

Nawalang parang bula ang pagaalala ni Lyn habang kumakain na sila ng dinner. Kasi mas relaxed na ang asawa niya. Game itong magkuwento ng tungkol sa trabaho at ngumingiti kapag siya naman ang nagsasalita. Kalmado na rin ang mga mata nito. Sa nakaraang mga araw kasi nakikita niya sa mga 'yon na may pinagiisipan ito na hindi niya maintindihan. Siguro ngayon tapos na ang inaalala nito o kaya naman buo na ang desisyon at alam na kung ano ang gagawin para mawala na ang bumabagabag dito. Kahit ano pa 'yon masaya siya na okay na si Benedict.

Bandang alas siyete tapos na silang kumain. Balak nilang manood ng sine tutal may oras pa naman. Nakahawak sa baywang niya si Benedict habang naglalakad sila palabas sa restaurant. Bagay na napansin ni Lyn noon pa na habit nitong gawin kapag nasa labas sila. Bago pa sila makarating sa glass door ng kainan may nauna nang nagbukas 'non at pumasok sa loob.

Naramdaman niya ang biglang paghinto sa paglalakad ng kanyang asawa at ang pag-tense ng katawan nito. Humigpit din ang hawak nito sa baywang niya at hinila pa siya padikit sa katawan nito. Na para bang pinoprotektahan siya nito sa kung ano. Nang tingalain niya ang mukha ni Benedict napansin niyang namutla ito. Pero ang mga mata ay alerto. Parang sasabak sa kung anong ayaw.

"Well, well, well. Nagkasalubong na naman tayo sa lugar na hindi ko inaasahan." Napunta sa lalaking bagong dating ang tingin ni Lyn. Huminto ito sa harapan nila at nakaangat ang mga kilay na nakatingin kay Benedict. "I don't like this twist of fate, Wolf. Ikaw ang huling taong gusto kong nakikita by coincidence."

Mariing tumikom ang bibig ng kanyang asawa bago sumagot. "And so am I, Dave Douglas. Masyado na tayong nagkakabanggaan sa mga bidding at iba pang related sa negosyo. The last thing I want is to see you during my off."

Umismid ang lalaki at noon lang napatingin kay Lyn. Kumunot ang noo nito. "So, totoo ang usap-usapan na nag-asawa ka na. I know your father keeps on dragging you to dates before. Sa dami ng mga negosyanteng gusto kang maging son-in-law, kaninong anak ang asawa mo?"

Lalong naging protective ang hawak ni Benedict sa kaniya. "It's none of your business," malamig na sagot nito.

"It is my business in some way. Para alam ko kung kaninong pamilya nakipag-alyansa ang mga Barcenas. I hate to loose another good property to you again. Nabalitaan ko na aprubado na ang pagpapatayo mo sa Rizal ah. Nabili mo na sa wakas ang natitirang lupain na hirap kang mabili noon. I have to compliment you for that. Nakausap ko na dati ang may-ari 'non and she was a very stubborn old lady. Ang sabi niya sa akin noon pamana ng mga ninuno nila ang bundok na 'yon. What did you do to convince her to sell her property?"

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon