"Don't cry," malumanay na sabi ni Benedict. Saka lang niya narealize na namamasa na pala ang mga mata niya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi sa pagbabakasakaling mako-kontrol niya ang emosyon. Kaso hindi talaga kaya eh. Tumakbo siya palapit kay Benedict na halatang nagulat nang bigla niya itong yakapin ng mahigpit. Nawala pa nga sila sa balanse at muntik na matumba kung hindi lang ito nakakapit agad at mahigpit na nayakap ang kanyang baywang. Humikbi siya. Na naging iyak.
"Nakakainis," maktol ni Lyn habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Benedict. "Nagiging iyakin na ako lately. Bakit ga'non? Dati kahit gaano kahirap ang buhay namin, kahit gaano ako nasasaktan sa sinasabi ng mga tao, kahit gaano ako nalulungkot, hindi ako umiiyak. Bakit pagdating sa'yo ang babaw ng luha ko?" Humikbi na naman siya. Hindi niya mapigilan sa pagtulo ang luha niya.
Ilang segundo ang lumipas bago niya naramdaman ang paghugot nito ng malalim na paghinga. Saka niya naramdaman ang masuyong haplos ng kamay nito sa likod niya, pinapagaan ang loob niya. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? You are kindhearted. You can cry for someone else but not for yourself."
Humigpit ang yakap niya rito nang magaan nitong halikan ang gilid ng ulo niya. "Let's go to bed," bulong ni Benedict. Tumango siya pero hindi niya magawang luwagan ang pagkakayakap niya rito.
Bumuntong hininga uli ang asawa niya. Pagkatapos bigla siya nitong binuhat, katulad noong gabi na kinasal sila sa resort. Walang kahirap-hirap na inakyat siya nito sa second floor hanggang sa loob ng master's bedroom. Maingat siya nitong iniupo sa paanan ng kama. Lumuhod ito sa harap niya, ginagap ang kanyang mga kamay at tumingala sa kaniya.
"Bakit ka nila inabandona sa lugar na walang mag-aalaga sa'yo?" garalgal na tanong ni Lyn. "At least pala ako, iniwan ng nanay ko kay Lola. At least ako may nag-alaga at nagmahal sa akin habang lumalaki ako."
Ngumiti si Benedict. Pinisil nito ang mga kamay niya at hinalikan ang mga 'yon. "Ang tagal na 'non Lyn. Masuwerte rin naman ako nang may makakita sa aking tauhan ng DSWD at dinala ako sa ampunan. I cannot say that my time in the orphanage was a good one but I survived. At least doon nakilala ko si Papa at Mama. They showered me with affection. Binigay nila lahat ng kailangan ko at higit pa. Lalo na si Mama. Siya ang spoiler sa pamilya. She was the best mother. She was more than I've wished for."
Napatitig si Lyn sa mga mata ni Benedict. Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga 'yon. "Was?" kabadong tanong niya.
Huminga ito ng malalim, tumayo at umupo sa tabi niya. "She died in a car accident when I was sixteen."
Napakapit siya sa braso nito at mahigpit na yumakap doon. "Paano nangyari?" mahinang tanong niya.
Tumitig sa pader si Benedict. Na-tense ang katawan. Ilang ulit na huminga ng malalim bago nagawang magsalita. "It was the day after my high school graduation. Katulad mo, valedictorian 'din ako. I studied hard because I want them to be proud of me. Iyon lang ang kapalit na maibibigay ko sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Mula nang ampunin nila ako, palagi kong sinisiguro na magiging proud sila sa akin. Na wala akong gagawing mali.
"You see, hindi gusto ng pamilya nila Papa at Mama na inampon nila ako. Unang tapak ko pa lang sa mansiyon ng mga Barcenas, hindi na nila itinago na ayaw nila sa akin. Old rich ang pamilya ni Papa. Ganoon din ang pamilya ni Mama. So they don't want an outsider like me to dirty their family name. Besides, ang tingin sa akin ng mga pamilya nila, kaagaw sa kayamanan. Kahit ang Real Estate na itinayo ni Papa mula sa katiting na Trust Fund niya na walang tulong ng iba para patunayan na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, pinag-iinteresan nila."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)
Romantik"In my whole life, your smile is the most beautiful thing I've ever seen." In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa...