Part 5

28.4K 738 18
                                    

SA RESTAURANT ng Visperas Hotel ginanap ang dinner party para kay Jella. Kung sa Chef Derek's daw kasi gagawin mahahati ang atensiyon ni Derek at hindi makakatiis na hindi magpunta ng kusina.

Marami na ang mga residente ng Bachelor's Pad ang umalis kasi nag-asawa. Pero sa gabing iyon, kumpleto sila. Nadagdagan pa nga kasi kasama na ang mga significant other nila. Sina Jay at Ryan, bitbit pa ang mga anak. Ang asawa ni Brad na si Almira, malaki na ang tiyan. Masaya ang lahat. Lalo na ang mga lumagay na sa tahimik.

Pero hindi naiinggit si Benedict. He doesn't want to spoil their fun so he keeps quiet. Pero alam niya na hindi maganda ang makaramdam ng sobrang saya. Alam niya base sa sarili niyang karanasan na palaging may kasunod na hindi magandang pangyayari ang labis na kaligayahan. Bawat tuwa laging may kasunod na lungkot at sakit.

Kaya hindi niya kailangan maging masaya ng husto. Tama na ang kontento siya sa buhay niya. Tama na ang sakto lang. He doesn't want to be too happy because he doesn't want to experience the intense sadness and pain that comes after it.

Hindi na tinapos ni Benedict ang party. Nauna na siya magpaalam sa mga kaibigan niya. Nakalabas na siya sa restaurant at naglalakad na sa ground floor lobby para lumabas ng hotel nang may makasalubong siyang isang grupo ng mga lalaki. Napaderetso siya ng tayo at naging alerto nang makasalubong niya ang tingin ng pinakabata sa grupo.

May sumilay na nang-iinis na ngiti sa mga labi ng lalaki nang magsalubong sila sa gitna. "Tingnan mo nga naman. Hanggang dito nagkikita tayo, Wolf. This must be a premonition."

Mariing pinaglapat ni Benedict ang mga labi. Sinulyapan niya ang mga lalaking kasama nito na hindi naman mukhang mga negosyante. Ang polo shirt na suot ng isa may logo ng DENR.

Realization hit him. Naningkit ang mga mata niya nang muling tumingin kay Dave Douglas. "So this is how you want to play it, huh."

Nagkibit balikat si Dave. Wala ni katiting na bakas ng guilt. "Hindi man ako ang tinatawag na Wolf ng industriya natin pero kaya ko rin makuha ang mga gusto ko sa sarili kong paraan." Iyon lang at nilampasan na siya nito. Sumunod ang mga lalaking kasama ni Dave.

Benedict clenched his jaw. Mariing kumuyom ang kanyang mga kamao. "Marumi pala ang gusto mong laban, huh," bulong niya. Itinaas niya ang noo. Bakas na ang determinasyon sa mukha.

Kukunin niya ang lupain na gusto niya. Kahit sa anong paraan pa.

"NANDITO na ang report ng imbestigasyon na pinagawa mo sa akin, boss."

"Great. Give it to me." Mabilis na kinuha ni Benedict ang folder na inabot ng executive secretary niya. Binuksan niya iyon at mabilis na binasa ang impormasyon tungkol sa matandang babae at apo nito na may-ari ng bundok. Pinasadahan lang niya ng tingin ang sa matanda at nag-focus sa apo.

Lyn Fajardo ang buong pangalan ng dalaga. Twenty three years old. Nagtitinda ng mga gulay sa palengke. Nasa pangangalaga ng Lola mula noong sampung taong gulang. Patay na ang ama. Hindi na nagpakita ang ina pagkatapos itong ibigay sa Lola. High School graduate. Pinakamataas ang grades sa buong eskuwelahan pero hindi naging valedictorian. Ni hindi umakyat ng stage sa mismong graduation day dahil hindi pinahintulutan ng school officials.

Natigilan si Benedict at manghang napatitig sa sumunod na talata. Ang rason kaya inalisan ng karapatang maging valedictorian si Lyn at kung bakit hindi siya pinag martsa.

"Boss, may problema ba?" takang tanong ni Joanne.

Kumurap siya at inalis ang tingin sa papel. Nagtama ang mga paningin nila. Narealize niya na matagal na pala siyang nakatitig sa report na tapos na niyang basahin. Ilang ulit pa nga niya binasa. Huminga ng malalim si Benedict, sumandal at hinilot ang kanyang sentido. "Walang problema."

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon