Day 2

35.1K 563 48
                                    

"Ano'ng nangyari sa inyo?" Nag-aalalang tanong sa amin ng ginang pero halata naman sa kanya ang pagpipigil nito ng tawa. Nakaupo ito sa swivel chair habang kami naman ay nakatayo sa harapan ng mesa niya.



"Obvious ba?" Mataray na sagot ni Lia. Agad ko naman siyang siniko dahil sa tono ng sagot nito. Nakalimutan niya sigurong matanda ang nagtatanong sa kanya.



Hindi ko rin naman siya masisisi. Matapos nang pagpana sa amin para lang i-welcome kami ay may mga hindi inaasahang pangyayari pa ang naganap bago kami nakarating dito sa principal's office. Una, may lumapit sa aming limang lalake na nakatakip ang mga mukha. May mga dala itong lobo na tinusok nang kung ano kaya pumutok ito at bumuhos sa amin ang laman nitong tubig.



Sino'ng timang ang nagpasimuno na gumamit ng lobo para mambasa? Pwede naman timba, 'di ba? Papakahirap pa!



Pangalawa, habang naglalakad kami papasok sa building ay si Kim naman ang natisod. Kasunod no'n ang pagbuhos ng harina sa amin mula sa itaas. At dahil basang-basa kami ay dumikit ng husto sa aming mga mukha ang harina. Nakakapang-init ng ulo, 'di ba? Pumuti kami nang hindi oras. Tss!



At ang pinaka-worst ay no'ng pumasok kami sa pekeng kwarto ng principal's office. Pagkabukas namin ng pinto ay bumagsak ang mga itlog at napisa iyon sa mga ulo namin. Bad trip, 'di ba? Hanggang ngayon nga ay may tig-iisang biyak ng egg shell pa kami sa ulo kaya siguro natatawa ang principal sa amin. Kahit pigilan niya ay hindi niya iyon maitatago sa akin.



Ngayon, sino ang matutuwa sa nangyari? Pumunta kami dito para mag-aral hindi para gumawa ng tinapay. Biruin mo, una tubig, pangalawa harina, tapos sunod mga itlog? Ano'ng tingin nila sa amin? Monay?



"Bakit kasi kailangan pang magtanong kung alam naman ang sagot?" Dagdag ni Kim sa sinabi ni Lia. Hindi ko alam kung galit ba 'to o humuhugot lang.



Sa halip na magalit ay tumawa lang ang ginang sa mga isinagot ng mga kapatid ko. Nagtaka naman ako doon. Ano'ng trip niya?



"Ngayon alam ko na kung bakit nandito kayo sa paaralang ito," aniya at napaisip naman ako. Ano pa ba ang dapat gawin dito? Malamang mag-aaral. Tsk! Hindi ko rin ma-gets ang hulog ng ginang na 'to. "Ang paraan ng pagsagot n'yo ay isa sa dahilan kung bakit hindi kayo tinatanggap ng ibang eskwelahan." Tumaas ang kanyang kaliwang kilay. Saka ko lang na-gets ang ipinupunto niya.



Bigla ko naman naalala ang pangako namin kay Lolopa. Hindi namin siya pwedeng biguin sa pagkakataong ito. Kaya naman idinikit ko pa lalo ang sarili ko kay Lia para pabulong kong masabi ang nais kong sabihin.



"Huy! Ayusin niyo nga 'yang mga sagutan niyo. Baka nakakalimutan niyong ito na lang ang pag-asa natin? Baka mapaalis pa tayo ng 'di oras dito," pagpapa-alala ko sa kanila. Nakita ko naman na ngumiti ang ginang sa akin. Narinig niya siguro?



"Don't worry, Hija. We won't do that," sabi ng ginang. Narinig niya nga. Useless din pala ang pagbulong ko. Isinigaw ko na lang sana. Psh! "Ang nangyari sa inyo ngayon ay parte ng pag-welcome sa inyo ng mga estudyante dito. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan ang naging reaksyon niyo," paliwanag niya.



Kumunot ang noo ko.



"What? Parte ng pag-welcome nila? How come na ganyan sila mag-welcome? Muntik na kaming mamatay kanina, welcome pa ba 'yun? Eh, parang gusto na nga nila agad kaming mawala, eh. Ano'ng klaseng eskwelahan 'to?" Hindi na ako nakapagpigil. Nagulat ako eh. Ganda ng pag-welcome nila, ah? Sobrang ganda! "At ito..." itinuro ko ang sarili ko. "Ano sa tingin n'yo ang itsura namin? Gagawin n'yo yata kaming tinapay dito, eh." Kalmado kong dagdag. Kalmado pa ako niyan.



Tumawa ulit siya. Baliw na yata 'to. Tsk! Tumikhim muna siya bago muling sumagot, "Ang eskwelahang 'to ay ang natatanging tumatanggap ng mga estudyanteng katulad niyo," aniya saka kumindat. "Welcome to Unknown University, Ladies." Tumingin siya sa lalakeng nasa kanan namin na kanina pa nakatayo. "Roy, pakidala na sila sa kani-kanilang kwarto." Utos niya dito. Tumango naman ang lalake bilang pagtungon saka kami inaya palabas ng opisina. Nasa mid-thirties na siguro ang lalake, ayon sa aking pisikal na pagsusuri. Living scanner ako, eh.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon